Anti-colorum operations, maigting at walang humpay – Palasyo
Tiniyak ngayon ng Malacañang na hindi “ningas cogon” o sa simula lamang maigting ang kampanya ng administrasyon laban sa mga colorum na pampasaherong sasakyan sa buong bansa.
Sinabi sa Bombo Radyo ni Presidential Spokesman Harry Roque, hindi titigilan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapahuli sa mga colorum na sasakyan at pagpapaaresto sa mga driver at operator nito hangga’t hindi sila nauubos sa mga lansangan.
Ayon kay Sec. Roque, may “political will” si Pangulong Duterte para totohanin ang kanyang binibitawang pangako, taliwas sa mga nagdaang administrasyon.
Kasabay nito, muling binalaan ni Roque ang mga mananakay lalo ang mga uuwi sa mga lalawigan ngayong Holy Week na iwasang sumakay sa mga colorum na bus.
Wala daw aasahang proteksyon o insurance ang mga pasaherong sakay ng colorum na bus o dyip sakaling magkaaberya.
The post Anti-colorum operations, maigting at walang humpay – Palasyo appeared first on - News Portal Philippines.
Komentar
Posting Komentar