Mga motorista dapat mag-ingat sa mga pekeng MMDA enforcer

Pinag-iingat ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang lahat ng mga motorista ngayong Holy Week. Ito ay dahil mayroon umanong mga nagpapanggap na mga enforcer na nanghihingi ng lagay.

Ayon kay MMDA acting General Manager Jojo Garcia, nakatanggap na sila ng apat na reklamo tungkol sa mga pekeng traffic enforcer.

Paliwanag ni Garcia, hindi pwedeng kuhanin at kumpiskahin ng mga lehitimong MMDA traffic enforcer ang lisensya ng mga motorista. Mayroon din aniyang serial number ang mga ticket na iniisyu ng kanilang mga enforcer sa mga traffic violators.

Ayon pa kay Garcia, kung naghihinala ang mga motorista sa pagiging lehitimo ng mga traffic enforcer ay maaari nila itong hingan ng mission order na dapat ay laging dala ng mga MMDA enforcer. Magsisilbing patunay ang mission order sa duty ng isang kawani ng MMDA.

Samantala, kaugnay ng pagdaraos ng Semana Santa ay magpapakalat ang MMDA ng nasa 2,000 ng traffic enforcer sa buong Metro Manila.

Source link

The post Mga motorista dapat mag-ingat sa mga pekeng MMDA enforcer appeared first on - News Portal Philippines.

Komentar

Postingan populer dari blog ini

Unbelievable Transformation of a Cute Young Boy into a Stunning Lady Wows Netizens

PlayGirls bashed Angel Locsin for misjudgment on PGT

Brave Cancer Survivor Shares Her Story on Social Media to Encourage Other Sufferers