PNP at PDEA may kundisyon bago makiisa sa imbestigasyon ng ICC

Nilinaw ng Philippine National Police at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na makikipagtulungan lamang ang kanilang hanay sa imbestigasyon ng International Criminal Court kapag nagbigay na ng go signal ang MalacaƱang o ang Department of Interior and Local Government (DILG).

Sinabi ni PNP Spokesman CSupt. John Bulalacao na kinakailangan na sundan ang tamang proseso sa pagbibigay ng mga data sa ICC kaugnay sa anti-drug war campaign ni Pangulong Roddrigo Duterte.

Dagdag pa ng opisyal, “On the part of the PNP, we will. Provided, there will be an approval from the higher office – in this case, the DILG or MalacaƱang. But just the same, a process should also be observed”.

Sa panig ni PDEA Spokesman Derrick Carreon, sinabi nito na tatalima lamang ang kanilang hanay sa hiling ng ICC kapag binigyan na sila ng kumpas ng pangulo.

Una nang sinabi ni Pangulong Duterte na wala nang aasahang tulong ang ICC sa Pilipinas sa preliminary examination nito sa kanyang anti-drug war campaign.

Paliwanag ng pangulo, walang hurisdiksyon ang ICC na imbestigahan siya dahil hindi naman nailathala sa official gazette ng Pilipinas ang kabuuang teksto ng nilagdaang treaty sa Roman Statute na nagtatatag sa ICC.

Source link

The post PNP at PDEA may kundisyon bago makiisa sa imbestigasyon ng ICC appeared first on - News Portal Philippines.

Komentar

Postingan populer dari blog ini

Unbelievable Transformation of a Cute Young Boy into a Stunning Lady Wows Netizens

PlayGirls bashed Angel Locsin for misjudgment on PGT

Brave Cancer Survivor Shares Her Story on Social Media to Encourage Other Sufferers