Kahalagahan ng fasting at abstinence ngayong Semana Santa muling pinaalala ng isang Obispo

Sa gitna ng obserbasyon ng Semana Santa, muling ipinaalala ng Simbahang Katolika ang ilang utos gaya ng hindi pagkain ng karne sa darating na Biyernes Santo.

Sa panayam ng Radyo Inquirer kay Caloocan Bishop Emeritus Deogracias Iñiguez, sinabi nito na may kahulugan ang fasting at abstinence.

“As part of sacrifice that we are encourage to make ay yung abstinence during the Fridays of Lent at ang fasting tuwing Ash Wednesday at Good Friday. Pero ang spirit niyan ay to make these sacrifices, these self-denials in order to realize that we have greater need than these material needs that we can feel,” ani Iñiguez.

Pero nilinaw naman ni Bishop Iñiguez na sa tuwing good friday lamang istriktong dapat sundin ng mga Katoliko ang hindi pagkain ng karne.

Ayon pa sa Obispo, bagama’t hindi obligasyon ang pagpunta sa simbahan sa Huwebes Santo at Biyernes Santo, hinihimok ang mga Katoliko na gawin ito dahil sa mga espesyal na selebrasyon na ginagawa lamang sa nasabing dalawang banal na araw.

“Yung pagpunta sa simbahan is not an obligation kaya lang we are encouraged dahil mayroong mga special celebrations on Holy Thursday and Good Friday… so it will be good for us to participate but it is not obligatory,” dagdag pa niya.

Paglilinaw pa ni Bishop Iñiguez, hindi naman masama ang pagpunta sa mga pasyalan gaya sa beach tuwing holy week kasama ang pamilya at mga kaibigan para naman makapag-enjoy.

“Pwede rin naman samantalahin to be with their family for some enjoyable moment, wala namang masama roon kay lang ang mahalaga is to the enter to the spirit of these days that we try to understand more who Jesus is, what He did for us, why He suffered and died for us and why He rose again from the dead, iyon ang mas importante,” ani Iñiguez.

Source link

The post Kahalagahan ng fasting at abstinence ngayong Semana Santa muling pinaalala ng isang Obispo appeared first on - News Portal Philippines.

Komentar

Postingan populer dari blog ini

Unbelievable Transformation of a Cute Young Boy into a Stunning Lady Wows Netizens

PlayGirls bashed Angel Locsin for misjudgment on PGT

Brave Cancer Survivor Shares Her Story on Social Media to Encourage Other Sufferers