Postingan

Menampilkan postingan dari April, 2018

Seguridad sa Malakanyang hinigpitan dahil sa banta; ilang miyembro ng media hindi pinapasok

Kasabay ng ikinasang malawakang kilos protesta ng iba’t ibang labor group sa Mendiola, Maynila sa Labor Day, agad na naghigpit ng seguridad ang Presidential Security Group (PSG) sa palibot ng MalacaƱang Complex. Sa bahagi ng Aguado at kahabaan ng JP Laurel, pinagbabawalan nang makapasok ang mga sasakyan na walang vehicle pass. Maging ang ilang marked vehicle ng media kagaya ng government owned na PTV 4 ay hindi rin pinayagan ng PSG na makabaspok sa New Executive Building kung saan naroon ang Press Working Area. Kapansin-pansin na bukod sa mga PSG, ilang mga pulis at sundalo ang nakaposte rin sa gate 2 ng Malakanyang Complex. Pero ayon kay PSG Brigadier General Lope Dagoy, nagkaroon lamang ng misunderstanding sa kanyang mga tauhan. Noong Lunes pa kasi aniya nagdeklara ng red alert status ang PSG sa buong MalacaƱang Complex dahil sa namonitor na banta. Sinisiguro lang aniya ng kanilang hanay na secure ang mga gusali sa Malakanyang. Ayon kay Dagoy, naging paranoid lang aniya ang k...

Ilang cabinet members ni Pangulong Duterte, magtutungo sa Kuwait

Lilipad patungong Kuwait sina Labor Secretary Silvestre Bello III at Presidential Spokesman Harry Roque sa susunod na linggo. Ayon kay Roque, ito ay para simulan ang diplomatic relations sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait matapos magkalamat ang relasyon ng dalawang bansa dahil sa ginawang rescue operation ng ilang tauhan ng embahada ng Pilipinas sa mga distressed OFW sa Kuwait. Ayon kay Roque, gagawin nila ang pagbisita sa Kuwait sa May 7 (Lunes). Wala namang binanggit si Roque kung ano ang ginagawa ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano na siyang dapat nangunguna sa pakikipag-usap sa Kuwaiti Government dahil ito ang kalihim na namamahala sa panlabas na relasyon ng Pilipinas. Kasabay nito, sinabi ni Roque na isang positive development para sa Pilipinas ang lumabas sa ulat ng Kuna News Agency na handa na ang kanilang hanay na makipag-usap sa Pilipinas. Ang Kuna News Agency ay ang government news portal ng gobyerno ng Kuwait. Binabanggit partikular ng government news porta...

Sarah Geronimo, naging emosyal sa kanyang concert sa Las Vegas

Naging emosyal si Sarah Geronimo sa kanyang concert sa Las Vegas kung saan kanyang sinabi na may kulang sa kabila ng 15 taon niya sa showbiz. Hindi na rin natapos ni Sarah ang pagkanta ng “Forever’s Not Enough” dahil sa umaapaw na emosyon na kanyang nararamdaman. Pagkatapos nito ay bumalik rin si Sarah sa stage para tapusin hanggang sa dulo ang concert. Makikita sa Sarah sa isang viral video na binabati ng kanyang mga fans, management at mga concert staff pagkatapos ng show. Dito mapapanood na humihingi si Sarah ng paumanhin sa pagiging emosyonal na siya sa show. Ang “THIS 15 ME” tour ni Sarah ay nakatakda din sa Chicago at New York. Source link The post Sarah Geronimo, naging emosyal sa kanyang concert sa Las Vegas appeared first on - News Portal Philippines .

DOTr, naninindigan sa pagsibak sa LTFRB Region 5 director

Nanindigan ang Department of Transportation (DOTr) sa ginawa nitong pagsibak kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Region 5 Director Jun Abrazaldo dahil sa sinasabing pagkakasangkot nito sa kurapsyon. Sa isang pahayag, sinabi ni DOTr Secretary Arthur Tugade na wala siyang sisinuhin sa kanyang departamento na masasangkot sa anumang uri ng kurapsyon. Paliwanag nito, sinusunod lamang niya ang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte. Aniya pa, ang kaso laban kay Abrazaldo ay batay sa report ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA), bukod pa sa ilang mga report na mula naman sa DOTr. Sinabi pa ni Tugade na nanggaling sa pangulo ang utos na sibakin na sa pwesto si Abrazaldo. Samantala, nilinaw naman ni LTFRB Chairman Martin Delgra na hindi personal ang dahilan sa pagkakatanggal kay Abrazaldo. Aniya, masyado nang maraming reklamo ang lumalabas laban kay Abrazaldo ay hindi naman aniya maaaring isantabi lamang niya ito. Samantala, inakusahan naman ni Abraza...

Brgy. officials sa narco-list, posibleng ma-disqualify kung makasuhan – DILG

Nakadepende umano sa bigat ng involvement ng isang barangay official kung siya ay tatanggapin bilang state witness sa kaso. Ayon kay Department of Interior and Local Government (DILG) OIC-Sec. Eduardo AƱo, hindi umano nila isasara ang pintuan kung ang isang opisyal ay karapat-dapat na maging state witness. Ayon kay AƱo, lahat ng mga barangay officials na nasa narco list ay isinailalim sa matinding validation. Apat umanong intelligence agency ng gobyerno ang ang nagsanib puwersa para i-validate ang mga nasabing pangalan, na kinabibilangan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), PNP, Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP) at National Intelligence Coordinating Agency (NICA). Maari namang sumuko ang mga nasabing opisyal at sa korte na nila depensahan ang kanilang mga sarili. Aniya, sapat ang ebidensiya na hawak ngayon ng PDEA laban sa mga narco politicians. Ilan umano dito ay mga user, pusher, may drug lord pa umano at ang iba ay protektor ng il...

Kalahati ng Boracay island isasailalim sa agrarian reform program

Mahigit sa 40 porsiento ng Boracay island ang maaaring ipamahagi sa mga benepisyaryo ng agrarian reform kapag itinuloy ng gobyerno ang planong land reform sa isla. Batay sa datos ng Department of Agrarian Reform (DAR), umaabot sa 408,5113 ektarya ng agricultural land ng kabuuang 1,006.64 ektarya ng Boracay ang sakop ng land reform. Ayon sa DAR, tinukoy ito sa isinagawang ocular inspection sa isla noong nakaraang linggo. Ipinahayag naman ni DAR Secretary John Castriciones na wala pang marching orders si Pangulong Rodrigo Duterte kung ipamamahagi ang lupa sa mga benepisyaryo ng agrarian reform. Matatandaang sinabi ni Duterte na isasailalim niya sa land reform ang Boracay oras na matapos na ang anim na buwang rehibilitasyon nito. Sa ilalim ng Proclamation 1064 ni dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ay hinati ang isla kung saan 628.86 ektarya nito ay agricultural land habang ang 377.68 ektarya nito ay forest land. Source link The post Kalahati ng Boracay island isasailalim sa ...

Supek na pumapatay sa sariling tatay dahil sa mana nahuli sa UAE

Naibalik na sa Pilipinas ang suspek na si Nelson Bermejo Antonio mula sa kaniyang limang taon na pagtatago sa United Arab Emirates. Sa isang press conference sa Camp Crame, iniharap sa mga miyembro ng media ng PNP-CIDG si Bermejo na pumatay sa kaniyang ama na si Antonio P. Antonio noong September, 2013. Ayon kay Police Director Roel Obusan ng CIDG, Febreuary 16 pa ito naaresto sa UAE ngunit sa tagal ng deportation proceedings ay nitong linggo lamang sya naiuwi. Paliwanag ni Obusan, nagalit umano ang suspek na si Nelson sa kaniyang ama na si Antonio matapos siyang tanggalan ng mana kaya niya ito pingbabaril. Lumalabas naman sa imbestigasyon na lulong sa sugal ang suspek kaya nagalit sa kaniya ang kaniyang ama kaya tinanggalan ng mana. Kasong parricide sa ParaƱaque Regional Trial Court ang kakaharapin ng suspek. Nauna dito ay nagsabi ang mga kaanak ng biktima na magbibigay sila ng P300,000 na pabuya sa sinumang makakapagturo sa kinaroroonan ng suspek. Source link The post Supek ...

Banggaan ng bus at jeepney 12 sugatan sa Camarines Sur

Sugatan ang 12 katao sa aksidente sa Bula, Camarines Sur. Sa paunang imbestigasyon ng mga tauhan ng Philippine National Police, binabagtas ng pampasaherong jeepney na sinasakyan ng mga biktima ang kalsada sa Barangay Pawili. Sinubukan ng isang bus na mag-overtake dahilan para mahagip ang naturang jeepney. Damay rin sa insidente ang isang tricycle na sakto namang napadaan lang sa lugar. Nasugatan dito ang walong pasahero at driver ng jeepney at dalawang pasahero at driver ng tricycle. Tumakas naman ang driver ng bus matapos ang nasabing insidente. Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa naturang pangyayari . Source link The post Banggaan ng bus at jeepney 12 sugatan sa Camarines Sur appeared first on - News Portal Philippines .

Nograles: Sobrang kita ng Grab aabot sa P100 Million kada linggo

Ibinulgar ni PBA Party list Rep. Jericho Nograles na aabot lang P100 Million na overcharged ang Grab kada linggo. Ayon kay Nograles, hiwalay pa ang nasabing halaga sa sinisingil na P2 kada minuto ng Grab. Paliwanag ni Nograles, mayroon pang P40 hidden charge na sinisingil ito sa mga pasahero. Iginiit nito na maliban sa P3.2 Billion na travel time charge na unang siningil sa mga pasahero, mayroon pang hiwalay na P40 dagdag na singil na dapat i-refund sa publiko. Sa inaprubahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board, ang singil lamang ng GRAB ay P40 para sa base fare at dagdag na P10 hanggang P14 per kilometer charge at hanggang 2x surge sa bawat kilometro. Gusto ni Nograles na kaagad na imbestigahan ng ahensya ang sinasabing paniningil ng sobra ng Grab. Source link The post Nograles: Sobrang kita ng Grab aabot sa P100 Million kada linggo appeared first on - News Portal Philippines .

MalacaƱang: Pilipinas hindi makikipag-away sa Kuwait

Tiniyak ng MalacaƱang na mananatili ang ugnayan ng Pilipinas at Kuwait. Ito ay matapos magkaroon ng lamat ang relasyon ng dalawang bansa dahil sa ginawang rescue operation ng ilang tauhan ng embahada ng Pilipinas sa mga distressed Overseas Filipino Workers sa Kuwait. Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, walang balak ang pangulo na makipag away sa mga lider ng nasabing bansa. “He is not picking a fight with Kuwait. The statement was very—the President was very somber. He was very calm. He says that if Kuwait does not want our workers then he would ask them to come home”, dagdag pa ng opisyal. Pinipilit aniya ng Pilipinas na ibalik sa normalidad ng relasyon ng bansa sa Kuwait. Binigyang diin ni Roque na hindi naman naging confrontational ang pangulo sa kanyang mga inihayag para sa mga OFWs. Kalmado aniya ang pangulo sa naturang usapin lalo’t kapakanan ng mga Pinoy ang nakasalalay dito. Kasabay nito, ayaw na ng pangulo na manisi ng ibang opisyal ng pamahalaan dahil sa resc...

Narco list hindi dahilan pagbasura sa kandidatura ng ilang Brgy. officials ayon sa Comelec

Nilinaw ng Comelec na walang mababasura na certificate of candidacy (COC) dahil sa drug watchlist na inilabas ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA). Sinabi ni Comelec Spokesman James Jimenez na ang sinasabing narco list ay maaring magsilbing gabay ng mga botante para sa mga iboboto nila sa papalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan elections. Paglilinaw pa ni Jimenez sa mga kandidato na walang epekto sa kanilang kandidatura kung sila man ay kasama sa listahan ng PDEA. Aniya, hindi mababasura ang kanilang kandidatura para sa eleksyon sa Mayo 14 kung sila ay kasama sa listahan. Una nang sinabi ni PDEA Director General Aaron Aquino na bibigyan niya ng kopya ng kanilang narco list ang Comelec. Source link The post Narco list hindi dahilan pagbasura sa kandidatura ng ilang Brgy. officials ayon sa Comelec appeared first on - News Portal Philippines .

Sec: Teo: Walang masama sa P60 Million ads sa PTV 4

Hugas-kamay si Tourism Secretary Wanda Tulfo-Teo sa inilagay na P60 Million na halaga ng advertisements sa show ng kanyang dalawang kapatid sa PTV 4. Iginiit ni Teo na wala siyang nakikitang conflict of interest sa paglalagay ng kanyang opisina ng advertisements sa government-owned television station. Sinabi pa nito na ang kinukuwestiyon ng Commission on Audit na kasunduan ay sa pagitan ng DOT at television network. Dagdag pa nito, ang istasyon ng telebisyon na ang bahala kung saan mga programa ilalabas ang kanilang advertisements o commercials. Unang ibinunyag ng COA na naglabas ang Philippine Television Network Inc., ng P60 Million tseke sa Bitag Media Unlimited Inc, na pag aari ni Ben Tulfo, kapatid ni Teo. Si Tulfo at isa pa nilang kapatid na si Erwin Tulfo ay may programa sa network kung saan inilagay ng kagawaran ang kanilang advertisements. Source link The post Sec: Teo: Walang masama sa P60 Million ads sa PTV 4 appeared first on - News Portal Philippines .

Pagbasura sa ENDO posible pa rin ayon sa MalacaƱang

Umaasa pa rin si Presidential Spokesman Harry Roque na magkakaroon pa rin ng Executive Order si Pangulong Rodrigo Duterte para tuldukan ang endo o end of contractualization sa mga ordinaryong manggagawa. Ayon kay Roque, may nakatakdang pagpupulong mamayang gabi sina Pangulong Duterte at Labor Secretary Silvestre Bello III para talakayin kung ano ang magandang ireregalo bukas sa mga manggagawa. Pangungunahan bukas ng pangulo ang Labor Day Celebration sa lalawigan ng Cebu. Tiniyak naman ni Roque na maraming good news na ipinagkaloob ang pangulo sa mga manggagawa gaya halimbawa ang libreng tuition sa mga estudyante, libreng irgasyon at iba pa. Sinabi pa ni Roque na tanging sa administrasyong Duterte lamang ang nagbigay ng libreng matrikula sa mga State Universities and Colleges (SUCs) sa ibat ibang bahagi ng bansa. Bukas ay may mga jobs fair rin na magaganap sa ilang mga lugar sa bansa. Source link The post Pagbasura sa ENDO posible pa rin ayon sa MalacaƱang appeared first on - N...

‘Usec at asec ng DoJ naghain na ng resignation letters’ – Guevarra

Kinumpirma ni Justice Secretary Menardo Guevarra na nakapaghain na ng kani-kanilang courtesy resignation ang lahat ng undersecretaries at assistant secretaries ng Department of Justice (DoJ) na kasabay noon ni dating Justice Secretary Vitaliano Aguirre II na nanungkulan. Ito ay matapos maglabas ng memorandum si Guevarra na nag-aatas sa lahat ng undersecretaries at assistant secretaries ng DoJ na magsumite na ng kanilang unqualified courtesy resignation kay Pangulong Rodrigo Duterte na ipadadaan sa opisina ng justice secretary. Nakasaad sa isang pahinang memorandum na inilabas noong April 24 na hanggang ngayong araw o April 30 ang deadline para sa paghahain ng resignation. Ito ay para mabigyan ng laya ang bagong justice secretary na mamili ng mga undersecretaries at assistant secretaries na kanyang makakatrabaho sa DoJ. Kabilang sa mga naging undersecretaries ni Aguirre noon sina Usec. Erickson Balmes, Raymund Mecate, Reynante Orceo, Deo Marco at Antonio Kho Jr. Source link The po...

Sec. Teo mananatili sa DOT ayon sa MalacaƱang

Wala pang nakikitang rason ang MalacaƱang para sibakin na sa puwesto ni Pangulong Rodrigon Duterte si Tourism Secretary Wanda Teo. Ito ay sa kabila ng pagkwestyun ng Commission on Audit sa P60 Million advertisement budget na pinasok ng DOT sa programa ng Tulfo brothers sa PTV 4. Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, hindi pa naman tapos ang ginagawang imbestigasyon ng MalacaƱang sa isyu. Una dito, sinabi ni Roque na ipinag-utos na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsasagawa ng imbestigasyon sa kaso ni Teo. Nakaabot na aniya sa pangulo ang balita at nais nitong malaman ang puno’t dulo ng kontrobersiya. Nauna na ring sinabi ni Teo na wala siyang kinalaman sa mga placements ng advertisement ng kagawaran. Source link The post Sec. Teo mananatili sa DOT ayon sa MalacaƱang appeared first on - News Portal Philippines .

MalacaƱang, nilinaw din na hindi permanente deployment ban sa Kuwait

Naniniwala si Presidential Spokesman Harry Roque na hindi magiging permanente ang total deployment ban sa Kuwait. Ayon kay Sec. Roque, mismong si Pangulong Rodrigo Duterte naman ang nagsabi na sa sandaling magkaroon na ng kasunduan, maaari nang tanggalin ang ban sa pagpapadala ng mga manggagawang Pilipino sa Kuwait. Kaya habang wala pa aniyang kasunduan ay tigil muna ang deployment ng mga overseas Filipino workers (OFWs) sa nabanggit na bansa. Inihayag ni Sec. Roque na sa ngayon, walang Overseas Employment Certificate na pinoproseso papuntang Kuwait. “Pero lilinawin ko naman po, hindi naman po siguro permanente iyan kasi ang sabi naman talaga ng Pangulo, kapag mayroon ng kasunduan ay baka pupuwede nang i-lift iyong deployment ban,” ani Sec. Roque. Source link The post MalacaƱang, nilinaw din na hindi permanente deployment ban sa Kuwait appeared first on - News Portal Philippines .

Barangay narcolist magsisilbing guide sa halalan ayon sa MalacaƱang

Gusto lamang ng MalacaƱang na mabigyan ng giya ang mga botante sa pagpili ng mga Barangay officials sa darating na halalan sa May 14 kung kaya binigyan na ng kumpas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na ilabas na ang narcolist. Paliwanag ni Presidential Spokesman Harry Roque, nasa botante na ang huling pagpapasya kung iboboto pa rin ang mga kandidato na sangkot sa ilegal na droga. Naniniwala si Roque na wala namang nilalabag na batas ang PDEA sa paglalabas ng listahan. Base sa talaan ng PDEA, aabot sa dalawang daan at pitong barangay officials ang sinasabing protektor ng iligal na droga sa kani-kanilang mga nasasakupang lugar. Mas makakabuti rin ayon sa opisyal na mabigyan ng pagkakataon na maglingkod sa mga barangay ang mga kandidatong walang kinasasangkutan na iligal na gawain. Source link The post Barangay narcolist magsisilbing guide sa halalan ayon sa MalacaƱang appeared first on - News Portal Philippines .

Avengers: Infinity War nagtalaga ng global record matapos kumita ng $630M sa unang linggo ng showing

Nagtala ng record sa highest global opening of all time ang pelikulang Avengers: Infinity War makaraang kumita ng $630 million. Ayon sa datos ng industry tracker na Exhibitor Relations, ang nasabing halaga ang pinakamalaking global weekend tally sa kasaysayan. Hindi pa kasama sa nasabing datos ang halaga na kinita ng pelikula sa China dahil mas late ang opening ng pelikula doon. Tinalo na ng Avengers ang “The Fate of the Furious,” na kumita ng $530 million sa buong mundo sa opening nito noong 2017. Winasak din ng Infinity War ang record sa North America at nakapagtala ng pinakamataas na kinita na $250 million.                                             Source link The post Avengers: Infinity War nagtalaga ng global record matapos kumita ng $630M sa unang linggo ng showing appeared first on - News Portal Philippines .

Labor Sec. Bello: ‘Hindi permanente ang ban ng OFW sa Kuwait’

Nilinaw ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang anunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte kamakailan na permanente na ang deployment ban ng mga overseas Filipino workers (OFW) sa Kuwait. Sa isang panayam sinabi ni Labor Sec. Silvestre Bello III, tanging mga Pilipino lang na nais umuwi ang hinikayat ng pangulo, kung saan nakahanda naman din ang pamahalaan na asistehan ang mga ito. Binigyang diin ng kalihim ang naunang anunsyo noon ng pangulo na hindi ili-lift ang ban hangga’t hindi naisasakatuparan ng Kuwait ang mga kondisyon na memorandum of understanding at hustisya sa pagkamatay ni Joanna Demafelis. Nakatakda umanong magtungo sa Kuwait si Bello para personal na kamustahin ang lagay ng mga OFW doon, kasunod ng diskusyon sa pagitan nila ng Pilipinas dahil sa issue ng viral rescue video, at hilin ng dayuhang bansa na patalsikin si Ambassador Renato Villa. Hinggil dito, nakausap na rin daw ng kalihim ang Kuwaiti ambassador dito sa Pilipinas, kasama ang dating Foreign Affairs Sec....

PNR magbibigay ng libreng sakay sa mga manggagawa bukas, Labor Day

May libreng sakay din ang Philippine National Railways sa mga manggagawa bukas sa paggunita ng Labor Day. Sa abiso ng Department of Transportation (DOTr) at ng PNR, para sa mga patungong Alabang, libre ang sakay ng mga manggagawa sa pagitan ng alas 6:07 ng umaga at alas 7:37 ng umaga. Para naman sa mga patungo ng Alabang, libre ang sakay sa pagitan ng alas 5:46 ng umaga at alas 7:30 ng umaga. Sa hapon naman, ang biyaheng patungo ng Alabang ay libre ang sakay ng mga manggagawa sa pagitan ng alas 4:07 ng hapon hanggang alas 5:37 ng hapon. At sa mga patungo ng Tutuban ay alas 4:00 ng hapon hanggang alas 5:30 ng hapon. Kailangan lamang ipakita ang company ID para maka-avail ng libreng sakay.                                             Source link The post PNR magbibigay ng libreng sakay sa mga manggagawa bukas, Labor Day appeared first on - News Portal ...

Mas masikip na trapiko sa QC, inaasahan simula ngayong araw

Nagbabala ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mas mabigat na trapikong mararanasan sa Quezon City simula ngayong araw. Ito ay bunsod ng pagsasara sa ilang kalsada dahil sa konstruksyon ng Metro Rail Transit (MRT 7). Dahil sa ginagawang coping beam ay ipatutupad ag one-way traffic sa Regalado mula Mindanao Avenue hanggang Commonwealth Avenue mula alas-5 ng umaga hanggang alas-10 ng gabi. Sa May 6 hanggang July 30 naman tuwing alas-10 ng gabi hanggang alas-5 ng umaga ay isasara ang Regalado mula Mindanao Avenue hanggang Commonwealth Avenue dahil sa paglalagay ng box griders para sa track ng MRT-7. Inaasahan naman ang mabigat na trapiko sa intersection ng Commonwealth at Tandang Sora Avenue mula May 1 dahil sisimulan na ang konstruksyon ng MRT-7 Tandang Sora station. Aabot ang paglalagay ng pundasyon ng istasyon sa loob ng limang buwan. Bubuo rin ng elevated guideway at idedemolish ang Tandang Sora flyover at inaasahang matatapos ng 13 buwan. Walong buwan naman ...

Anakbayan, kinondena ang pamamaslang sa pari sa Cagayan

Mariing kinondena ng grupong Anakbayan ang karumal-dumal na pamamaslang kay Father Mark Ventura sa lalawigan ng Cagayan. Pinagbabaril ng naka-helmet na suspek ang pari ilang sandali lamang matapos nitong ipagdiwang ang banal na misa alas-8 ng umaga ng Linggo. Ayon sa Anakbayan, kilala ang pari dahil sa mga adbokasiya nito laban sa pagmimina at sa pagtulong sa mga indigenous peoples sa lalawigan. Inaakusahan ng grupo ang administrasyong Duterte sa pasista nitong kampanya na nagsanhi ng masamang bunga partikular ang pagtarget sa mga miyembro ng religious sector bilang mga bagong biktima ng harassment at patayan. Ito anila ay dahil sa paninidigan ng mga ito sa madugong kampanya sa giyera kontra droga at iba pang social at political injustices na pinaiiral ng administrasyon. Binanggit din ng grupo ang kinasadlakan ng misyonerong si Sr. Patricia Fox na ipinaaresto at nahaharap sa deportation. Sinabi pa ng grupo na ginagamit ng gobyerno ang lahat ng makinarya nito sa paglulunsad ng mad...

Streetsweeper nagpakamatay matapos iwan ng misis

Uminom ng silver cleaner ang isang streetsweeper sa Binondo, Maynila na naging sanhi ng kanyang pagkamatay. Nakilala ang lalaki na si Marcelo Flores Aguirre, 53 anyos, residente ng Vitas, Tondo, Maynila na napag-alamang iniwan ng kanyang misis. Nag-iwan pa si Aguirre ng ‘suicide note’ na narekober sa tabi ng kanyang mga labi kung saan humihingi ito ng tawad sa kanyang mga anak. Ang naturang ‘suicide note’ ay nakuha ng kaibigang tricycle driver ni Aguirre na si alyas Jeck-jeck. Ayon kay SPO3 Donald Panaligan ng Homicide Section Manila Police District, nakita ni alyas Jeck-jeck ang nakalugmok nang si Aguirre sa nakaparada nitong sidecar sa panulukan ng Pinpin at Carvajal Streets. Isang Rodel Baez, 40 anyos at isa ring tricycle driver pa ang umagaw sa silver cleaner kay Aguirre, hinagis ito sa ilog at kinumbinse itong masarap mabuhay. Gayunman, nang bumalik anya siya sa terminal bandang tanghali ay nakita niya lamang na nagkakagulo ang mga tao at nadiskubre ang wala ng malay si Agui...

Task force binuo para sa pagresolba ng pagkakapatay kay Father Ventura

Bumuo na ng task force ang Cagayan Valley Regional Police upang imbestigahan ang pamamaslang kay Father Mark Ventura. Sa isang pahayag, sinabi ng Police Regional Office 2 (PRO2) na ipinag-utos ni Chief Superintendent Jose Mario Espino ang pagbuo sa Special Investigation Task Group-Ventura para mabilis na ikareresolba ng kaso. Matapos ang insidente ng pamamaril ay ipinag-utos ni Espino ang ‘intensified hot pursuit operations’ laban sa riding-in-tandem na nasa likod ng krimen. Inatasan ni Espino ang lahat ng hepe sa bayan ng Gattaran na magtayo ng checkpoint sa lahat ng posibleng daanan ng mga salarin. Ayon pa kay Espino, ipinag-utos niya sa lahat ng mga pulis na kanyang nasasakupan na magsagawa ng masusing imbestigasyon upang makilala at maaresto ang mga suspek sa lalong madaling panahon. Source link The post Task force binuo para sa pagresolba ng pagkakapatay kay Father Ventura appeared first on - News Portal Philippines .

Pope Francis nagtalaga ng dalawang bagong obispo sa Mindanao

Mayroong dalawang bagong obispong itinalaga ang Vatican sa dalawang diyosesis sa Mindanao. Itinalaga bilang bagong obispo ng Diocese of Marbel sa South Cotabato si Rev. Cerilo Casicas. Ang appointment ni Casicas ay matapos ang resignation ng dating obispo ng Marbel na si Bishop Dinualdo Gutierrez na 79 taong gulang na ngayon. Napalawig ang termino ni Gutierrez ng apat na taon habang naghahanap ang Vatican ng kanyang kapalit. Si Casicas na tubong Duero, Bohol, ay 51 anyos pa lamang ay siyang ikaapat na obispo ng Marbel. Naordinahan itong pari taong 1994 at kasalukuyang naninilbihan bilang director ng Pastoral Formation at professor sa Saint John Vianney Theological Seminary. Sakop ng Diocese of Marbel ang mga lalawigan ng South Cotabato, ilang bahagi ng Sarangani at Sultan Kudarat. Samantala, naitalaga naman bilang bagong obispo ng Diocese of Mati ng Davao Oriental si Bishop Abel Apigo. Nagsimula na sa kanyang trabaho si Apigo noong April 25. Tubong Davao City si Bishop Apigo ...

Agarang pagkakahuli sa pumaslang sa isang pari nais ng LP

Hinimok ng Liberal Party ang mga otoridad ng Gattaran, Cagayan na mabilisang umakto para sa ikadarakip ng salarin sa pamamaslang kay Father Mark Ventura, Linggo ng umaga. Sa isang pahayag ay sinabi ni Senador Francis Pangilinan na siyang pangulo ng LP na sana ay hindi matengga ang imbestigasyon sa naturang insidente. Inihalimbawa ni Pangilinan ang kaso ng pamamaslang kay Father Marcelito Paez noong December 2017 sa Jaen, Nueva Ecija. Hanggang sa ngayon ay hindi pa rin nareresolba ang kaso. Samantala, umaasa ang senador na hindi sumalamin sa karakter ng Pilipinas ang pagkakapatay kay Father Ventura, kasunod ng pagpapaalis kay Sister Patricia Fox dahil sa umano’y pagsama sa mga kilos protesta sa bansa. Source link The post Agarang pagkakahuli sa pumaslang sa isang pari nais ng LP appeared first on - News Portal Philippines .

Rufa Mae Quinto ibinahagi ang sikreto sa pagpapapayat

Masayang ibinahagi ni Rufa Mae Quinto na narating na niya ang kanyang target figure matapos manganak. Sa Instagram post ng komedyante ay sinabi nito na proud siya sa kanyang sarili dahil matapos madagdagan ang kanyang timbang ng 85 pounds dahil sa pagbubuntis ay naibalik na niya ang kanyang dating figure. Ibinahagi ni Rufa Mae na pumayat siya dahil nagbawas siya ng pagkain ng matatamis, kanin, mga maaalat, at pritong pagkain. Nakatulong din aniya ang pag-aalaga niya sa kanyang baby girl na si Athena Alexandria. Ayon pa sa aktres, ibabahagi niya ang iba pa niyang sikreto para makapagbawas ng timbang at magkaroon ng muscles sa kanyang vlog na mapapanood na si susunod na mga araw. Source link The post Rufa Mae Quinto ibinahagi ang sikreto sa pagpapapayat appeared first on - News Portal Philippines .

Nuclear facility ng NoKor isasara na sa Mayo

Pumayag na ang pamahalaan ng North Korea na isara ang kanilang nuclear weapons testing facility sa Punggye-ri sa buwan ng Mayo. Ito ang inihayag ni Cheong Wa Dae Senior Public Relations Secretary Yoon Young-chan matapos magkausap ni North Korean leader Kim Jong Un at South Korean President Moon Jae-in. Kasunod ng pagsasara sa nuclear test site ng NoKor ay papayagan ng kanilang pamahalaan na magsagawa ng inspeksyon dito ang South Korean at US experts, kasama ang mga kawani ng media. Ayon pa kay Yoon, itinanggi ni Kim ang mga alegasyon na kaya umano ito nagdesisyon na isara ang nuclear test site dahil mayroon nang structural damage sa lugar. Katunayan umano ay mayroong dalawang maayos na tunnel papunta sa lugar. Ani Yoon, bilang bahagi ng pagsasaayos ng relasyon ng dalawang Korean countries ay ipinag-utos ni Kim na i-synchronize na ang oras ng NoKor sa standard time ng South Korea. Source link The post Nuclear facility ng NoKor isasara na sa Mayo appeared first on - News Portal P...

Gaisano Grand Mall nasunog – DZIQ Radyo Inquirer 990AM

Patuloy na inaapula ng mga bumbero ang sunog na sumiklab sa ikaapat na palapag ng Gaisano Grand Mall sa Lapu-Lapu City, Cebu. Alas-4:27 ng hapon ng Sabado nang magsimula ang apoy na umabot hanggang sa Task Force Alpha. Ayon kay FO3 Ruffred Amores ng Lapu-Lapu City Fire Department, storage room ng mga kagamitan sa bahay at diaper ang nasa ikaapat na palapag ng nasabing mall. Maswerte namang hindi kumalat ang apoy sa katabing gusali, at wala ring naitalang nasugatan o namatay dahil sa sunog. Ayon pa kay Amores, ligtas ang lahat ng mga empleyado ng mall. Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad tungkol sa pinagmulan ng sunog at kung magkano ang kabuuang pinsala na idinulot nito. Source link The post Gaisano Grand Mall nasunog – DZIQ Radyo Inquirer 990AM appeared first on - News Portal Philippines .

Ilang barangay sa Batangas kulang sa SK candidates

Nababahala ang Commission on Elections (COMELEC) sa Batangas dahil sa kakulangan ng mga kakandidato para sa Sangguniang Kabataan election sa May 14. Batay sa datos na hawak ng COMELEC Batangas, limang barangay ang walang kandidato para sa SK chairman, habang 16 naman ang walang kandidato para sa SK kagawad. Partikular na walang mga kandidato para sa SK chairman ang mga barangay: Barangay 16, Batangas City Barangay San Pablo, Bauan Barangay San Juan, Mabini Barangay Pook Kapitan, San Pascual Barangay San Juan, Tingloy Samantala, ang mga barangay naman na walang kandidato para sa SK kagawad ay ang: Barangay 7 Poblacion, Batangas City Barangay 16 Poblacion, Batangas City Barangay Mahacot, Batangas City Barangay San Miguel, Batangas City Barangay Silangan, Batangas City Barangay San Pablo, Bauan Barangay Poblacion 4, Calatagan Barangay Apar, Lobo Barangay Calo, Lobo Barangay Lagadlarin, Lobo Barangay Pinaghawanan, Lobo Barangay San Juan, Mabini Barangay Mabalanoy, S...

Ateneo wagi kontra UP sa Filoil Preseason Cup

Pinataob ng Ateneo de Manila Blue Eagles ang koponan ng University of the Philippines Fighting Maroons sa kanilang naging tapatan para sa Filoil Flying V Preseason Cup. Natapos ang laro sa iskor na 100-72, pabor sa Blue Eagles. Kaya naman sa ngayon 3-0 ang win-loss record ng Ateneo, habang 0-3 naman ang Fighting Maroons. Pinangunahan ni Anton Asistio ang Ateneo matapos nitong magtala ng 14 puntos. Sinundan naman siya ni Raffy Verano na nakapagbigay naman ng 11 points. Para sa UP, si Bright Akhuetie ang nanguna sa pamamagitan ng kanyang 20 points. Samantala, sa kasunod na laban para sa Filoil Preseason Cup ay tinalo ng College of St. Benilde ang Jose Rizal University sa iskor na 104-83. Habang wagi naman ang Mapua Cardinals laban sa Emilio Aguinaldo College sa iskor na 77-74. Source link The post Ateneo wagi kontra UP sa Filoil Preseason Cup appeared first on - News Portal Philippines .

CAFGU napatay ng NPA sa Negros Oriental

Tinambangan ng mga hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang isang miyembro ng Philippine Army – Citizen Armed Force Geographical Unit (CAFGU) sa bayan ng Santa Catalina sa Negros Oriental. Kinilala ang biktimang si Bobby Sarino, 46 na taong gulang at miyembro ng Cogon Patrol Base ng CAFGU sa katimugang bahagi ng Negros Oriental. Batay sa imbestigasyon ng mga otoridad, pauwi na si Sarino sa Barangay Nagbinlod nang harangin at tambangan ito ng apat na miyembro ng NPA. Anim na tama ng bala sa ulo at katawan ang tumapos sa buhay ni Sarino. Samantala, nakasagupa naman ng mga kasamahan ni Sarino sa CAFGU at Philippine Army 15th Infantry Battalion ang nasa 30 mga mitembro ng NPA habang tinutugis ang mga umatake kay Sarino. Sa ngayon ay itinuturing na ‘priority province’ ang Nergros Oriental para sa kinakailangang seguridad sa May 14 barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections. Ilan sa mga barangay ng Santa Catalina ay kabilang sa election hot spot ng mga otoridad. Sourc...

Pangulong Duterte dinepensahan ang pagtanggal ng comfort woman statue sa Roxas Boulevard

Nilinaw ni Pangulong Duterte na walang dapat ipag-aalala sa pagtanggal sa comfort woman statue sa Roxas Boulevard sa Maynila. Sa isang punong balitaan na ginanap sa Davao City pagkauwi ng pangulo mula Singapore ay sinabi nito na sa katunayan ay hindi niya alam na mayroon palang comfort woman statue. Aniya pa, hindi niya rin alam kung sino ang nagpatanggal nito. Ayon pa kay Duterte, maaari namang ilipat sa ibang lugar ang comfort woman statue. Ngunit aniya, hindi niya gustong insultuhin ang mga Hapon sa pamamagitan ng nasabing rebulto. Paliwanag pa ng pangulo, hindi kasi bahagi ng polisiya ng pamahalaan ng Pilipinas na galitin ang ibang mga nasyon. Pero kung itatayo ito sa pribadong lupa ay irerespeto ito ng gobyerno. Ayon pa kay Duterte, masakit man para sa mga kamag-anak ng tinaguriang comfort women ang ginawa ng mga sundalong Hapon noong World War II ay humingi na ng tawad ang Japanese government tungkol dito. Samantala, noong Enero ay sinabi ni Department of Foreign Affairs (DF...

Gabriela kinundena ang pagpapatanggal ng comfort woman statue

Sinisi ng Gabriela Women’s Party ang administrasyong duterte, maging ang Japan sa pagkakatanggal ng comfort woman statue na dating nakatayo sa kahabaan ng Roxas Boulevard, malapit sa Japanese Embassy sa Maynila. Sa isang pahayag, mariing kinundena ng Gabriela ang pagkakatanggal ng naturang rebulto. Ayon sa grupo, isang insulto para sa daan-daang biktima ng sex slavery ng mga sundalong Hapon noong World War II ang pagpapatanggal ng nasabing rebulto. Sinabi ng Gabriela na ang ginawang pagpapatanggal ng gobyerno sa comfort woman statue ay isang paalala kung paano hindi pinahahalagahan ng administrasyong Duterte ang dignidad ng mga kababaihan at ng buong Pilipinas, kapalit ng pagpapautang dito ng bansang Japan. Samantala, patuloy na inaalam ng iba’t ibang grupo at personalidad kung sino ang nag-utos ng pagtatangal ng comfort woman statue. Partikular na hinihingan ng paliwanag ng Gabriela ang Department of Public Works and Highways (DPWH) at ang lokal na pamahalaan ng Maynila. Source l...

P2.5M halaga ng shabu, nasamsam sa Bacoor Cavite

Aabot sa P2.5 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Bacoor, Cavite, Linggo ng umaga. Kasabay nito, naaresto ng mga otoridad ang isang Nigerian national at ilang kasamahang Pilipino. Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), namataan ang inilagay na 500 gramo ng shabu sa side mirror ng sasakyan. Sa ngayon, patuloy ang imbestigasyon ng PDEA sa mga nasamsam na droga. Source link The post P2.5M halaga ng shabu, nasamsam sa Bacoor Cavite appeared first on - News Portal Philippines .

EcoWaste Coalition, hinikayat ang mga tatakbo sa Brgy & SK elections na iwasang gumamit ng tarpaulins sa kampanya

Hinikayat ng EcoWaste Coalition ang mga tatakdong kandidato sa 2018 Barangay at Sangguniang Kabataan elections na limitahan ang paggamit ng cadmuim-laced tarpaulin sa kampanya. Ayon kay chemical safety campaigner Thony Dizon, lubhang mapanganib ang paggamit ng mga tarpaulin na yari sa polyvinyl chloride (PVC) plastic na kadalasan ay may cadmium. Sa datos ng World Health Organization (WHO), kabilang ang cadmium sa mga 10 kemikal na magdudulot ng panganib sa kalusugan ng tao. Makakaapekto anila ang naturang kemikal sa bato, skeletal at respiratory system ng tao. Payo ni Dizon, tiyak na mas matatandaan ng mga botante ang mga kandidatong personal na bibisitahin at pakikipagkamay at kumustahan sa mga residente ng barangay. Magsisimula ang kampanya ng eleksyon sa May 4 hanggang May 12, 2018. Source link The post EcoWaste Coalition, hinikayat ang mga tatakbo sa Brgy & SK elections na iwasang gumamit ng tarpaulins sa kampanya appeared first on - News Portal Philippines .

Pari sa Gattaran, Cagayan patay matapos pagbabarilin

Dead-on-the-spot ang isang pari makaraang pagbabarilin pagkatapos magsagawa ng misa sa Gattaran, Cagayan, Linggo ng umaga. Ayon kay CInsp. Rodel Tabulog, hepe ng Gattaran police, nilapitan at binaril ng hindi pa nakikilalang salarin ang biktimang si Fr. Mark Anthony Ventura pagkatapos ng isinagawang misa sa isang gymnasium sa Barangay PiƱa Weste dakong 8:00, Linggo ng umaga. Si Fr. Ventura ay mula sa San Isidro Labrador ng Barangay Maubo. Aniya, nakatakas agad ang suspek matapos dali-daling sumakay sa isang motorsiklo na nakaabang sa lugar. Sa ngayon, patuloy ang imbestigasyon ng pulisya para alamin ang motibo sa pamamaril. Source link The post Pari sa Gattaran, Cagayan patay matapos pagbabarilin appeared first on - News Portal Philippines .

2 holdupper patay sa police operation sa Davao City

Hindi na umabot pa ng buhay sa ospital ang dalawang lalaking holdupper matapos manlaban sa mga pulis sa Davao City. Kinilala ang isa sa mga holdupper na si Cris Tomboboy, 28 taong gulang, habang inaam pa ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng kanyang lalaking kasama. Ayon kay Talomo Police chief, Chief Inspector Ronald Lao, nagsasagawa sila ng manhunt operation laban sa dalawa dahil sa talamak na insidente ng robbery-holdup sa lugar. Nang tangkang aarestuhin na ang mga ito ay nagpaputok ang mga suspek sa mga otoridad, na sila namang gumanti rin ng putok. Narekober mula sa mga napatay na salarin ang isang kalibre 45 barila at kalibre 38 revolber at 5 sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu. Mayroon pa umanong isang kasamahan ang dalawa na patuloy na pinaghahanap ng mga otoridad. Source link The post 2 holdupper patay sa police operation sa Davao City appeared first on - News Portal Philippines .

ITCZ, magpapaulan sa Southern Mindanao

Walang namomonitor o nababantayang low pressure area (LPA) o namumuong bagyo ang Pagasa sa kasalukuyan. Gayunman, patuloy na umiiral ang Inter-Tropical Convergence Zone (ITCZ) sa Timog Mindanao na magdudulot ng pag-ulan sa Soccsksargen, Zamboanga Peninsula at Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM). Samantala, sa nalalabing bahagi naman ng bansa ay patuloy na makararanas ng mainit at maalinsangang panahon bunsod ng Easterlies maliban sa localized thunderstorms sa hapon o gabi. Kahapon, araw ng Sabado, naitala ang pinakamataas na temperature sa Cabanatuan City sa 37 degrees Celsius. Naitala naman ang pinakamataas na heat index ay naitala sa San Jose Occidental Mindoro sa 46.2 degrees Celsius. Pinapayuhan ng weather bureau ang publiko na magdala ng payong at palagiang uminom ng tubig dahil sa patuloy na pag-iral ng mainit na panahon. Source link The post ITCZ, magpapaulan sa Southern Mindanao appeared first on - News Portal Philippines .

Squad leader ng NPA sumuko sa otoridad sa Mountain Province

Dalawang miyembro ng New People’s Army (NPA), kabilang ang isang squad leader ang sumuko sa mga otoridad sa Paracelis sa Mountain Province. Nakilala ang mga sumukong NPA na sina Rogelio del Rosario alyas Ka Eric na isang squad leader, at Benny Tuginay alyas Ka Manny. Kapwa kabilang ang dalawa sa Frank Guerilla Unit na nag-ooperate sa Gonzaga, Cagayan. Kasabay ng kanilang pagsuko sa Paracelis Municipal Police ang kanilang pag-surrender ng isang carbine rifle at dalawang magazine na kargado ng sampung bala; at isang M16 at isang magazine na kargado ng 5 bala. Ayon kay Cordillera Police Regional Office information officer Chief Inspector Carolina Lacuata, titiyakin nila na maayos na makakabalik sa normal na pamumuhay ang dalawang sumukong rebelde. Source link The post Squad leader ng NPA sumuko sa otoridad sa Mountain Province appeared first on - News Portal Philippines .

‘Deployment ban sa mga OFW’s sa Kuwait, permanente nang ipatutupad’ – Duterte

Pinanindigan ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte na mananatili nang permanente ang deployment ban ng mga overseas Filipino workers (OFW’s) sa bansang Kuwait. Aniya, wala na umanong recruitment na mangyayari lalo na sa mga domestic helpers na ipapadala sa naturang bansa. Kasabay nito, muling hinimok din ni Duterte ang mga kababayang blue-collar workers na nasa Kuwait na umuwi na ng bansa at ang pamahalaan na ang bahala sa kanila para magkaroon ng trabaho. Target naman ng pangulo na magpasaklolo sa China lalo na’t nangangailangan daw ang naturang bansa ng 100,000 English teachers. Maliban dito, nangangailangan din aniya ang bansa ng mga manggagawa para sa “Build, Build, Build” infrastracture program ng pamahalaan. Pero sa kabila ng pagpapauwi ng Pangulong Duterte sa lahat ng mga Pinoy workers sa Kuwait ay wala raw itong sama ng loob sa Kuwaiti government o sa mga Kwaiti nationals. Umaasa naman itong tatratuhin ng Kwaiti government nang maayos ang mga Pilipinong nais pang manati...

Tawag ng Tanghalan Kids, nagpasiklab sa Little Big Shots US

Pinabilib nina Francis Concepcion, Mackie Empuerto at Kiefer Sanchez ang US audience maging sina Steve Harvey at Ellen Degeneres sa kanilang guesting sa Little Big Shots US. Ang tatlong batang ito ay finalists ng Tawag ng Tanghalan Kids ng It’s Showtime. Mismong si Ellen Degeneres ang nag-upload ng kanilang performance sa show kung saan ‘effortless’ nilang inawit nila ang kantang “Listen” ni Beyonce. Agad na nagviral sa Facebook ang naturang video at sa ngayon ay nagtala na ng halos 15 million views, 252,000 reactions at 134,000 shares. Kitang-kita sa video kung paano halos magtatatalon si Steve Harvey sa tuwing bibirit ang tatlong bata. Sa kanyang caption naman sa video ay hinimok ni Ellen Degeneres si Beyonce na panoorin ang episode ng palabas na ieere ngayong araw ng Linggo. Nakatanggap ng standing ovation ang TNT kids sa US audience. Bago ang kanilang guesting sa Little Big Shots US ay nagkaroon din ng guesting ang tatlo sa edisyon ng palabas sa United Kingdom. Source lin...

Deployment ban sa Kuwait, permanente nang ipapatupad – Duterte

Matapos makabalik mula Singapore ay sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na permanente nang mananatili ang deployment ban sa Kuwait. Sa press briefing sa Davao City, sinabi ni Duterte na hindi na magpapadala pa ang Pilipinas ng mga manggagawa sa naturang bansa partikular ng mga domestic workers. Muling hinimok ng pangulo ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) partikular ang mga domestic helpers na bumalik na ng Pilipinas. Ipinagmalaki ng pangulo na may ilang posibleng destinasyon para sa mga manggagawa tulad ng bansang China na mangangailangan umano ng higit-kumulang 100,000 English Teacher.s Ipinagmalaki rin ni Duterte ang gumagandang ekonomiya ng bansa at sinabing maaaring mangailangan ang Pilipinas ng mas maraming manggagawa dahil sa economic policy ng administrasyon na ‘Build Build Build’ program. Aminado si Duterte na magiging mahirap sa una ang sitwasyon ngunit umaasa anya siya na magiging maganda rin ito kalaunan. Nanawagan ang pangulo sa mga employers sa Kuwait na itigil...

Pangulong Duterte pinauuwi na ang mga OFW sa Kuwait

Nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na umuwi na ng Pilipinas ang mga overseas Filipino worker (OFW) na kasalukuyang nagtatrabaho sa Kuwait. Sa talumpati ng pangulo sa Singapore sa harap ng Filipino community ay hinimok nito ang nasa 260,000 na mga OFW na bumalik na ng bansa. Aniya, marami namang trabaho sa Pilipinas na maaaring kuhanin ng mga OFW. Paglilinaw naman ng pangulo, wala siyang galit sa Kuwaiti government bagaman pinauuwi na niya ang mga nagtatrabahong Pilipino doon. Sa katunayan aniya ay nagpapasalamat siya sa Kuwait dahil sa pagbibigay nito ng trabaho sa mga Pilipino. Aniya pa, hindi niya intensyong palalain pa ang gusot sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait; ngunit hindi rin naman maaaring pabayaan na lamang niya ang mga kababayang Pilipino na nakararanas ng pang-aabuso sa kanilang bansa. Sa kabila nito, sinabi ni Duterte na handa pa rin siyang makipag-usap sa pamahalaan ng Kuwait matapos makauwi ang mga OFW na nagtatrabaho doon. Panawagan pa ng pangulo sa Kuwait, sigurad...

Engineer patay makaraang magbaril sa kanyang sarili sa Mindoro

Patay makaraang magbaril sa sarili ang isang opisyal ng Oriental Mindoro Electric Cooperative (ORMECO). Kinilala ng Mimaropa police ang biktima na si Armando Gunay, 57-anyos, isang engineer at director ng ORMECO na nasa bayan ng Bansud at Bongabong. Ayon sa ulat ng pulisya, alas-9:20 Biyernes ng gabi, habang nakikipag-inuman si Gunay sa bahay ng kanyang kaibigan sa Barangay Bagong Bayan II ay nagpakamatay ito sa pamamagitan ng pagbaril sa ulo gamit ang kanyang Caliber .357 magnum revolver. Nabatid na panay umano ang kwento ni Gunay sa kanyang problema kaugnay ng nalalapit na eleksyon sa directorial post ng ORMECO. Bagaman pawang nagulat sa pangyayari ang kanyang mga kainuman ay sinikap pa rin ng mga ito na isugod sa ospital ang biktima na binawian din ng buhay habang itinatakbo sa ospital. Hindi na nagsagawa ng imbestigasyon sa crime scene ang otoridad sa kahilingan na rin ng pamilya ni Gunay na naniniwalang walang anumang foul play sa pangyayari. Source link The post Engineer p...

Lahat ng Pinoy sa Kuwait, pinauuwi na ni Pangulong Duterte sa Phl

Umapela ngayon si Pangulong Rodrigo Duterte sa lahat ng mga overseas Filipino workers (OFW’s) na kasalukuyang nasa Kuwait na umuwi na lamang sa bansa at dito magtrabaho. Ito ay sa gitna pa rin ng tensiyon ng Pilipinas at Kuwait dahil sa pagpapalabas ng video ng kontrobersiyal na rescue operation sa mga OFW’s sa naturang bansa. Ito ang inihayag ng pangulo sa libo-libong OFW’s sa Singapore ngayong gabi lamang bago ito umuwi sa Pilipinas. Ayon sa pangulo, marami naman umanong trabaho na puwedeng pasukan ng mga OFW’s pagdating sa bansa. Handa rin umanong mangutang ang Pangulong Duterte para mapauwi lamang ang lahat ng mga Pilipino sa Kuwait. Titingnan din daw ng pangulo kung puwede niyang gamitin ang P5 billion aid mula China para mai-pull out lang ang lahat ng mga manggagawa doon. Mistulang death sentence naman ang plano ni Duterte sa memorandum of understanding (MOU) na nakatakda sanang pirmahan ng dalawang bansa para sa proteksiyon ng mga kababayan natin sa...

Barangay officials na walang ginawang kampanya kontra droga kakasuhan ng DILG

Mahigit sa 70 Barangay officials ang nahaharap sa kasong administratibo dahil sa kabiguan ng mga ito na magbuo ng Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC). Sinabi ni DILG Undersecretary for Barangay Affairs Martin Dino na sasampahan nila ng reklamo sa Office of the Ombudsman ang nasabing mga ospisyal ng Barangay na hindi nakapagsumite ng BADAC report. Ayon kay DiƱo, limang taon na ang BADAC na itinatakda aniya ng batas kaya walang dahilan ang sinumang barangay para makapag-comply dito. Matapos maghain ng reklamo, sinabi ni Dino na ilalabas nila sa Lunes ang listahan ng mga Barangay officials na bigong magbuo ng ganitong konseho. Sa lunes din inaasahang isasapubliko ng PDEA ang pangalan ng mga Barangay officials na nasa narco list. Source link The post Barangay officials na walang ginawang kampanya kontra droga kakasuhan ng DILG appeared first on - News Portal Philippines .

Duterte maglalagay ng hotline para sa mga negosyanteng biktima ng katiwalian

Maglalagay ng isang dedicated hotline si Pangulong Rodrigo Duterte para sa mga negosyanteng biktima ng pangongotong at kurapsyon ng ilang tauhan ng pamahalaan. Sa kanyang pagharap sa grupo ng mga negosyante sa Singapore, sinabi ng pangulo na gusto niyang gawing simple ang pagnenegosyo sa bansa. Isa umano ang kurapsyon sa mga dahilan kung bakit tinataggihan ng mga investors ang Pilipinas sa mga nagdaang panahon. Nakahanda umanong makinig ang pangulo sa mga reklamo ng mga mamumuhunan lalo na kung sila ay biktima ng mga tiwaling tauhan ng gobyerno. Kasabay nito ay nakiusap si Duterte sa mga negosyante na huwag magbigay ng anumang lagay para mapadali ang kanilang mga inaayos na dokumento sa pamahalaan. Kapag may problema ay nakahanda naman umanong makinig ang mga opisyal ng kanyang administrasyon. Nanakahanda umano siyang gamitin ang buong pwersa ng pamahalaan para labanan ang lahat ng uri ng katiwalian sa ating bansa. Dagdag pa ng pangulo, “As long as you pay your taxes, just obey...

Presyo ng gasolina at diesel muling tataas sa susunod na linggo

Magpapatupad ng big time oil price hike ang mga kumpanya ng langis sa susunod na linggo. Ito na ang ikaapat na linggo na magkakasunod na nagpatupad sila ng dagdag singil sa kanilang mga produktong petrolyo. Sa ipinadalang advisory ng mga industry players sa Department of Energy (DOE), aabot sa piso kada litro ang dagdag sa presyo ng bawat litro ng gasolina. Dagdag naman na P0.70 hanggang P0.80 sa bawat litro ng diesel at kerosene o gaas ang inaasahang dagdag sa halaga nito sa papasok na linggo. Nauna nang sinabi ng mga oil companies na apektado ang presyo ng mga petroleum products sa bansa dahil nananatiling malikot ang presyo nito sa world market. Malaki rin daw ang epekto ng paghina ng halaga ng piso kontra dolyar sa halaga ng mga produktong petrolyo sa bansa. Source link The post Presyo ng gasolina at diesel muling tataas sa susunod na linggo appeared first on - News Portal Philippines .

Kanal na naglalabas ng maruming tubig sa Boracay sarado na

Mismong ang pinuno ng Boracay Foundation Incorporated na isa sa mga may-ari ng mga establishemento sa naturang isla ang itinuturong lumalabag sa ilang environmental protocols sa isla. Sinabi ni Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA) Boracay Drainage Project Engineer David Tapispisan na konektado sa iligal na koneksyon ng drainage system ang Hennan Garden Resort. Ang nasabing istraktura ay pag-aari ni Henry Chusuey na siyang pinuno ng nasabing foundation. Naayos na umano ng mga tauhan ng TIEZA ang dalawang malalaking tubo na naglalabas ng maruming tubig sa mismong shoreline ng Bolabog Beach. Sa kabuuan ay umaabot sa 24 na mga establishemento na kinabibilangan ng ilang mga restaurant ang konektado sa nasabing iligal na koneksyon ng drainage system. Sinabi rin ng opisyal ng TIEZA na nailipat na nila ang koneksyon ng mga kanal sa Boracay Island Water Company. Ang nasabing kumpanya ang mangangasiwa sa water treatment bago pakawalan sa dagat ang mga nagamit na tu...

Dagdag na tulong apela ng mga biktima ng malaking sunog sa Maynila

Pare-pareho ngayon na nananawagan ng tulong ang mga residente na biktima malaking sunog na tumupok sa nasa 200 bahay sa Sta. Cruz, Maynila Biyernes ng gabi. Marami sa mga residente ang walang nailigtas na gamit maliban sa mga mahal sa buhay at damit na kanilang suot. Pawang mga gawa sa mga light materials ang mga bahay sa lugar kaya mabilis na lumaki at kumalat ang apoy. Kanya-kanyan puwesto ngayon sa bangketa ng Doroteo Jose, Oroquieta at Fabella street ang mga residente habang naghihintay ng tulong. Tiniyak naman ng pamahalaang Lungsod ng Maynila na nakahanda silang tumulong sa mga biktima Tuloy -tuloy sa kasalukuyan ang feeding program ng City Social Welfare Department ng Maynila sa mga apektadong residente. Almusal na sopas samantalang nilaga at abodong manok naman sa tanghalian ang isinilbi sa mga nasunugan. Nagbibigay ayuda rin sa mga residente ang Manila Health Department na nag-asikaso sa mga may karamdaman at nasaktan sa sunog. Inabutan pa ng Radyo Inquirer si Mang Re...

Serbisyo ng Globe Telecom nagka-aberya

Nakaranas umpisa kaninang umaga ng system issue ang Globe Telecom na naka-apekto sa text o SMS, call at mobile data service. Apekatado nito ang kanilang mga prepaid customer sa buong bansa. Ayon kay Yoly Crisanto, Globe Senior Vice President for Corporate Communications nagsasagawa sila ngayon ng ilang hakbang para sa restoration service. Magpapalabas aniya sila ng isa pang advisory oras na maresolba na ang nasabing isyu. Dahil dito, humihingi ang Globe ng paumanhin sa kanilang mga customer dahil sa idinulot nitong aberya. Ngayong hapon naman ay sinasabi sa pamamagitan ng social media ng ilang Globe prepaid subscribers na nagagawa nilang tumawag o magpadala ng text messages kahit na sila ay walang load. Source link The post Serbisyo ng Globe Telecom nagka-aberya appeared first on - News Portal Philippines .

Pagbaba ng ratings ni Duterte ibinabala dahil sa ENDO

Hindi dapat maging kampante si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang mataas na trust rating dahil ito ay bubulusok rin pababa sa susunod na mga linggo. Iyan ang naging pahayag ni Partido Manggagawa Chairman Rene Magtubo dahil sa umano’y kabiguan ng pangulo na tuldukan ang kanyang pangako na wawakasan na ang contractualization sa hanay ng mga manggagawa. Sinabi pa ni Magtubo na hindi biro ang 10-point dive sa trust ratings ng pangulo base sa pinakahuling Social Weather Station (SWS) survey. Indikasyon na umano ito na marami na ang nagagalit dahil sa kabiguan ng pangulo na tapusin ang ENDO. Samantala, nagbanta rin ang grupo na maglulunsad sila ng mga kilos-protesta hanggang sa pagsapit ng Labor Day sa Mayo 1 para ipakita ang kanilang disgusto sa desisyon ng pangulo na pabor lamang umano sa mga negosyante. Magugunita na noong nakalipas na linggo ay sinabi ni Labor Sec. Silvestre Bello III na ipauubaya na lamang ng pangulo sa Kongreso ang pag-amyenda sa ilang mga batas para tuluyang ma...

Gobyerno binatikos ng Migrante dahil sa pag-rescue sa mga OFWs sa Kuwait

Binatikos ng Migrante International ang pamahalaan kaugnay sa ginawang pag-rescue ng ilang embassy officials sa ilang mga distressed Overseas Filipino Workers (OFWs) sa bansang Kuwait. Dahil sa nasabing pangyayari ay mas lalo umanong nalagay sa panganib ang buhay ng mga manggagawa sa nasabing bansa. Sinabi ni Migrante International Spokesman Arman Hernando na dapat humingi ng paumanhin si Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano hindi lamang sa Kuwaiti government kundi lalo na sa mga OFWs doon. Dagdag pa ni Hernando, mas lalo umanong pag-iinitan ang mga Pinoy sa Kuwait ganun rin sa ilan pang bansa sa Middleast. Nauna dito ay humingi na ng paumanhin si Cayetano sa pamahalaan ng Kuwait. Dahil sa nasabing pangyayari ay kaagad na idineklara bilang persona non grata sa nasabing bansa si Philippine Ambassador Renato Villa na sinundan pa ng pag-aresto ng ilang opisyal ng embahada sa Kuwait. Bukas ay nakatakdang magbigay ng kanyang advisory si Pangulong Rodrigo Duterte hingil sa kasaluk...

Duterte, sana hindi palaban sa Kuwait issue – ex-Phl envoy to UN

Umaasa si dating Permanent Representative to the United Nations Amb. Lauro Baja na hindi magiging palaban ang iaanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na “course of action” kaugnay sa diplomatikong problema sa Kuwait. Mamayang gabi pagbalik mula Singapore, inaasahang ihahayag ni Pangulong Duterte ang nabuo nitong hakbang sa pakikitungo sa Kuwait na nagpalayas sa ambasador ng Pilipinas na si Renato Villa. Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Amb. Baja na bagama’t kailangang panindigan ang proteksyon ng mga kababayang nagtatrabaho sa Kuwait, kailangang idaan ito sa diplomatikong paraan. Ayon kay Amb. Baja, umaasa siyang hindi hindi akto at magsasalita si Pangulong Duterte sa karaniwan nitong ginagawa na palaban at matapang, bagkus dapat itong maging mas diplomatiko at mas “statesman.” Mahalaga umanong unawain ang sitwasyon ng Kuwait habang dapat unawain din ng Kuwait ang ating posisyon. “The President will not be in his usual fighting stance, hindi siguro ngayon. But of course we must...

Sustainable development at kooperasyon sa seguridad, palalakasin ng Pilipinas at Indonesia

Muling pinagtibay nina Pangulong Rodrigo Duterte at Indonesian President Joko Widodo ang kanilang pangako na mapalawig pa ang relasyon ng Pilipinas at Indonesia. Kasabay nito, pag-iibayuhin pa umano ng dalawang lider ang pagtutulungan upang matugunan ang mga isyu na may kaugnayan sa seguridad at maging sa pagtamo sa ‘sustainable development’. Ito ang sinabi ng MalacaƱang matapos ang naging pagpupulong nina Duterte at Widodo bago ang dinner na pinangunahan ni Singapore Prime Minister Lee Hsien Loonng sa kasagsagan ng 32 nd Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa Singapore. Sinabi pa sa isang press release ng Presidential Communications Operations Office na napag-usapan ng dalawang lider ang posibilidad na muling magpulong muli sa hinaharap sa petsang sasang-ayunan ng dalawang partido. Matatandaang dalawang beses na tumungo sa Pilipinas si Widodo noong nakaraang taon para sa isang state visit at dumalo sa biannual ASEAN Summit sa pangunguna ni Duterte bilang Chairm...

Denuclearization ng Korean Peninsula, ikinalugod ng MalacaƱang

Relieved. Ganito isinalarawan ng MalacaƱang ang pakiramdam ng Pilipinas makaraang magdesisyon na ang North at South Korea na tuldukan ang higit anim na dekadang hindi pagkakasundo. Sa press briefing sa Singapore, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na welcome sa bansa ang naging pasya ng dalawang bansa na itigil na ang nuclearization efforts nito at tuldukan na ang alitan. Anya parang nabunutan ng tinik ang lahat dahil sa tuwing magsasagawa ng missile test ang NoKor ay bumabagsak ito sa karagatang sakop ng Pilipinas. Matatandaang kahapon, isang makasaysayang tagpo ang sinaksihan ng mundo sa pagkikita nina North Korean leader Kim Jong Un at South Korean President Moon Jae in sa Panmunjon village na nasa demilitarized zone na naghihiwalay sa dalawang Koreanong bansa. Sinabi pa ni Roque na maaaring talakayin din sa nagaganap na 32nd Association of South East Asian Nations Summit ang naturang development sa Korean Peninsula. Source link The post Denuclearization ng Kore...

‘Course of action’ sa Kuwait, iaanunsyo ni Duterte pagbalik mamayang gabi mula Singapore – Palasyo

SINGAPORE – Inaabangan na ngayon ang magiging anunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte pagbalik nito sa bansa mamayang gabi kaugnay sa susunod na hakbang sa sigalot sa diplomatic relations ng Pilipinas at Kuwait. Si Pangulong Duterte ay nakatakdang aalis sa Singapore mamayang 7:45 ng gabi matapos ang pagdalo sa 32nd ASEAN Summit at diretso na ito sa Davao City. Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, nais ni Pangulong Duterte na gagawin ang anunsyo sa mismong lupain ng Pilipinas. Ayon kay Sec. Roque, ang desisyon ni Pangulong Duterte ay isang “course of action” na siya lamang ang nagpasya at walang ibang nagrekomenda. Magugunitang nagalit ang Kuwaiti government at pinalayas si Philippine Ambassador Renato Villa dahil sa ginawang pag-rescue ng embassy officials sa mga distressed overseas Filipino workers (OFWs) na kumalat pa ang video sa social media. Source link The post ‘Course of action’ sa Kuwait, iaanunsyo ni Duterte pagbalik mamayang gabi mula Singapore – Palasyo appeared...

ITCZ, magpapaulan sa malaking bahagi ng Mindanao ngayong araw

Bagaman walang posibilidad na magkaroon ng bagyo sa mga susunod na araw ay uulanin ang malaking bahagi ng Mindanao bunsod ng Inter-Tropical Convergence Zone (ITCZ). Ayon kay PAGASA weather forecaster Obet Badrina, mararanasan ang maulap na kalangitan sa malaking bahagi ng rehiyon na may kasamang pag-ulan, pagkulog at pagkidlat. Sa Luzon at Visayas naman ay patuloy na mararanasan ang maalinsangang panahon bunsod pa rin ng Easterlies maliban sa mga isolated rainshowers dulot ng localized thunderstorms. Kahapon, araw ng Biyernes, naranasan ang pinakamataas na temperatura sa Cabanatuan, Nueva Ecija sa 38.1 degrees Celsius habang ang pinakamataas na heat index ay naranasan sa Dagupan City, Pangasinan sa 45.9 degrees Celsius. Muling nagpaalala ang weather bureau sa publiko na mag-ingat sa maiinit na lugar at palagiang pag-inom ng tubig dahil magpapatuloy umano ang mainit na panahon. Source link The post ITCZ, magpapaulan sa malaking bahagi ng Mindanao ngayong araw appeared first on - ...

Vietnam, magbebenta ng mura at dekalidad na bigas sa Pilipinas – MalacaƱang

Sinabi ng Palasyo ng MalacaƱang na nanindigan ang Vietnam na kung kakailanganin ay susuplayan nito ang Pilipinas ng bigas sa mura at dekalidad na halaga. Sa pulong balitaan sa MalacaƱang, sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na ito ang naging pangako ng Vietnam sa bansa matapos ang naganap na bilateral meeting sa pagitan nina Pangulong Rodrigo Duterte at Vietnamese Prime Minister Nguyen Xuan Phuc. Naganap ang pulong sa pagitan ng dalawang leader sa sidelines ng 32nd Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa Singapore at napag-usapan umano ang isyu sa bigas. Ayon kay Roque, wala pa umanong tiyak na volume ng dami ng bigas ang handang ibenta ng Vietnam. Sinabi pa ng kalihim na sa pulong na naganap ay sumang-ayon si Duterte na talagang maganda ang kalidad ng bigas sa naturang bansa. Anya pa, umaasa ang Pilipinas na mapalawig pa ang kalakalan at pamumuhunan sa pagitan ng Pilipinas at Vietnam. Samantala, nagpasalamat naman si Nguyen sa naging magandang pagtrato...

Rain or Shine wagi kontra Alaska sa 2018 PBA Commissioner’s Cup

Hindi nagpatinag ang Rain or Shine sa challenging na overtime game kontra Alaska sa laban nila kagabi sa 2018 PBA Commissioner’s Cup sa Smart Araneta Coliseum. Wagi sa iskor na 109-103 ang Rain or Shine sa pangunguna ni Reggie Johnson na may 32 points at 22 rebounds at Chris Tiu na nagtala ng 18 points, six assists at three rebounds. Tie sa 94-94 ang dalawang koponan sa pagtatapos ng 4th quarter. Ito ang unang panalo ng Elasto Painters sa serye ng torneo. Nanguna naman para sa Aces si Antonio Campbell na nagtala ng 40 points. Source link The post Rain or Shine wagi kontra Alaska sa 2018 PBA Commissioner’s Cup appeared first on - News Portal Philippines .

Nasa 200 kabahayan, nasunog sa Maynila

Nasa 200 kabahayan na pawang gawa sa light materials ang natupok ng apoy sa Oroqueta Street kanto ng Doroteo Jose sa Sta. Cruz, Maynila. Bandang alas-7 ng gabi ng sumiklab ang sunog na umabot sa Task Force Bravo. Walang nagawa ang ilang mga residente kundi pagmasdan mula sa mga bus terminal at kalsada ang nasusunog nilang mga bahay. Dahil sa sunog pansamantalang isinara ang tulay na nagkokonekta sa LRT 1 Doroteo Jose Station at LRT 2 Recto Station at maging ang North Entrance ng Recto Station. Ilang mga pasyente rin ng Fabella Hospital ang kinailangang ilikas sa covered court ng ospital. Dahil kalapit din ng nasusunog na mga kabahayan ang Manila City Jail, kinailangang magpapasok ng bumbero sa piitan upang hindi ito madamay. Ayon sa Manila Fire Department, nasa halos 500 pamilya ang apektado. Sa inisyal na ulat nasa lima ang sugatan kabilang ang isang bumbero. Patuloy ang imbestigasyon sa pinagsimulan ng sunog. Naapula ang sunog alas-12:34 na ng madaling araw ng Sabado. Sourc...

5 arestado sa buy bust operation sa Zamboanga Sibugay

Arestado ang limang katao sa anti-drug raid sa Malangas, Zamboanga Sibugay. Ayon kay Laurefel Gabales, head ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Western Mindanao, nakumpiska sa mga suspek ang pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng P200,000. Ginawa ng buy bust operation sa mag-asawang sina Bonifacio at Wilma Abao sa Barangay La Dicha. Ang iba pang hinuli ay sina Marlon Dulom Abao, Al-Shaida Jundam Balpaki at John Ryan Tabunon Morcilla. Kakasuhan ang lima dahil sa umanoy pagsasabwatan sa pagbebenta ng droga, possession of illegal drugs at possession of drug paraphernalia. Nakakulong na ngayon ang mga suspek sa Malangas Police detention facility. Source link The post 5 arestado sa buy bust operation sa Zamboanga Sibugay appeared first on - News Portal Philippines .

Color-coding system ipatutupad ng Comelec sa pagtukoy sa election hotspots

Gagamit ang Commission on Elections (Comelec) color-coded “calibrated categorization system” para sa pagtukoy ng mga generally peaceful area at mga kritikal na lugar para sa nalalapit na Barangay at Sanggunian Kabatan elections. Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez hahatiin nila sa apat na kategorya ang sistema. Gagamitin ang kulay green para sa mga lugar na itinuturing na “nominal” ang sitwasyon, yellow kapag ang lugar ay may history ng political unrest, orange kapag may presensya ng armed groups at organized movements at pula kapag “critical areas.” Ani Jimenez, mayorya ng bansa ay nasa green category. Isinasapinal pa aniya ngayon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) ang pagtukoy sa mga lugar base sa nabanggit na mga kategorya. Ang termino namang “election hotspot” ay opisyal nang papalitan ng Comelec at tatawagin na lamang na “areas of concern”.                       ...

North at South Korea nagkasundong wakasan ang military confrontation

Naging makabuluhan ang makasaysayang pulong ng lider ng North Korea at South Korea matapos magkasundo silang tapusin na ang military confrontation at anumang mapaghamon na mmga hakbang sa Korean peninsula. Nagkasundo rin sina President Moon Jae-in at North Korean leader Kim Jong-un na isulong ang trilateral talks sa U.S. o kaya ay magkaroon ng four-way negotiations kasama ang China. Simula May 1, 2018, sususpindihin na ang lahat ng loudspeaker propaganda broadcasts ng NoKor at South Korea. Nagkasundo rin ang dalawang lider na alsin na ang kani-kanilang broadcasting equipment. Kabilang din sa ihihinto ang pagpapamudmod ng propaganda leaflets sa kanilang border. Para maiwasan ang komprontasyon sa western maritime border magtatalaga ng “peace zone” na gagarantiya sa kaligtasan ng mga mangingisda ng dalawang lugar. Sa Mayo, plano namang isagawa ang military talks sa pagitan ng NoKor at South Korea.                     ...

P448M na pondo inilabas ng DBM para sa Boracay

Inilabas na ng Department of Budget and Management (DBM) ang P448 million na pondo na gagamitin ng Department of Labor and Employment (DOLE) para matulungan ang mga manggagawa na apektado ng anim na buwang pagsasara ng Boracay island. Ayon sa DBM, sasakupin ng nasabing pondo ang pagbibigay ng financial assistance sa 17,735 registered formal sector workers sa Malay, Aklan. Gagamitin ng DOLE ang pondo para sa emergency employment, livelihood, at pagbibigay ng training programs sa mga apektadong manggagawa. Hinugot ang pondo sa 2018 Contingent Fund sa ilalim ng national budget. Batay sa General Appropriations Act (GAA) of 2018 mayroong P13 billion na inilaan bilang Contingent Fund na maaring magamit sa mga bago o urgent projects o activities ng national government agencies at government-owned or controlled corporations basta’t aprubado ng pangulo. Inilunsad na ng DOLE ang Boracay Emergency Employment Program (BEEP) nito. Sa ilalim ng programa ang mga worker-beneficiaries ay makatat...

P5M halaga ng shabu nasabat sa 2 miyembro ng drug syndicate sa Cotabato City

Arestado ang dalawang miyemrbo ng drug syndicate na nag-ooperate sa National Capital Region (NCR) sa isinagawang operasyon ng mga otoridad sa Cotabato City. Ayon kay Philippine Drug Enforcement Agency in the Autonomous Region in Muslim Mindanao (PDEA-ARMM) director Juvenal Azurin nasabat nila ang aabot sa P5 million halaga ng shabu mula sa mga suspek na sina Benjie Macmod, 27 at Tahir Sangki, 29 anyos. Ang dalawa ay kapwa residente ng Datu Saudi Ampatuan sa Maguindanao. Nakuha din sa kanila ang dalawang granada, motorsiklo at P5,000 cash. Itinuturing na high-value targets ang dalawang suspek ani Azurin. Ayon sa PDEA, nakatanggap sila ng impormasyon na may taglay na malaking halaga ng shabu ang dalawa kaya agad silang nagkasa ng operasyon. Nakuha mula sa kanila ang 19 na sachets ng shabu. Ani Azurin, bahagi ang mga suspek ng drug group na nag-ooperate sa Maguindanao, Cotabato City at sa National Capital Region.                 ...

Ilang bahay sa Sta. Cruz, Manila, nasunog

Sumiklab ang apoy sa ilang kabayahan sa Oroqueta Street kanto ng Doroteo Jose sa Sta. Cruz, Manila. Ayon sa Txtfire Philippines, nagsimula ang sunog 7:00 ng gabi at agad na kumalat sa ilang bahay sa lugar. Itinaas na ang mga bumbero ang alarma ng sunog sa Task Force Bravo. Patuloy na inaapula ng mga bumbero ang sunog. BREAKING: Fire razing residential area along Oroqueta Street corner Doroteo Jose, Sta. Cruz, Manila @inquirerdotnet pic.twitter.com/3Ex5lrSzXB — Julius N. Leonen (@JLeonenINQ) April 27, 2018 LOOK: Residents fleeing the scene as fire continues to engulf residential area near LRT-1 Doroteo Jose Station in Sta. Cruz, Manila @inquirerdotnet pic.twitter.com/FcukRQ9HbL — Julius N. Leonen (@JLeonenINQ) April 27, 2018             Source link The post Ilang bahay sa Sta. Cruz, Manila, nasunog appeared first on - News Portal Philippines .