‘Usec at asec ng DoJ naghain na ng resignation letters’ – Guevarra

Kinumpirma ni Justice Secretary Menardo Guevarra na nakapaghain na ng kani-kanilang courtesy resignation ang lahat ng undersecretaries at assistant secretaries ng Department of Justice (DoJ) na kasabay noon ni dating Justice Secretary Vitaliano Aguirre II na nanungkulan.

Ito ay matapos maglabas ng memorandum si Guevarra na nag-aatas sa lahat ng undersecretaries at assistant secretaries ng DoJ na magsumite na ng kanilang unqualified courtesy resignation kay Pangulong Rodrigo Duterte na ipadadaan sa opisina ng justice secretary.

Nakasaad sa isang pahinang memorandum na inilabas noong April 24 na hanggang ngayong araw o April 30 ang deadline para sa paghahain ng resignation.

Ito ay para mabigyan ng laya ang bagong justice secretary na mamili ng mga undersecretaries at assistant secretaries na kanyang makakatrabaho sa DoJ.

Kabilang sa mga naging undersecretaries ni Aguirre noon sina Usec. Erickson Balmes, Raymund Mecate, Reynante Orceo, Deo Marco at Antonio Kho Jr.

Source link

The post ‘Usec at asec ng DoJ naghain na ng resignation letters’ – Guevarra appeared first on - News Portal Philippines.

Komentar

Postingan populer dari blog ini

Unbelievable Transformation of a Cute Young Boy into a Stunning Lady Wows Netizens

PlayGirls bashed Angel Locsin for misjudgment on PGT

Brave Cancer Survivor Shares Her Story on Social Media to Encourage Other Sufferers