EcoWaste Coalition, hinikayat ang mga tatakbo sa Brgy & SK elections na iwasang gumamit ng tarpaulins sa kampanya

Hinikayat ng EcoWaste Coalition ang mga tatakdong kandidato sa 2018 Barangay at Sangguniang Kabataan elections na limitahan ang paggamit ng cadmuim-laced tarpaulin sa kampanya.

Ayon kay chemical safety campaigner Thony Dizon, lubhang mapanganib ang paggamit ng mga tarpaulin na yari sa polyvinyl chloride (PVC) plastic na kadalasan ay may cadmium.

Sa datos ng World Health Organization (WHO), kabilang ang cadmium sa mga 10 kemikal na magdudulot ng panganib sa kalusugan ng tao.

Makakaapekto anila ang naturang kemikal sa bato, skeletal at respiratory system ng tao.

Payo ni Dizon, tiyak na mas matatandaan ng mga botante ang mga kandidatong personal na bibisitahin at pakikipagkamay at kumustahan sa mga residente ng barangay.

Magsisimula ang kampanya ng eleksyon sa May 4 hanggang May 12, 2018.

Source link

The post EcoWaste Coalition, hinikayat ang mga tatakbo sa Brgy & SK elections na iwasang gumamit ng tarpaulins sa kampanya appeared first on - News Portal Philippines.

Komentar

Postingan populer dari blog ini

Unbelievable Transformation of a Cute Young Boy into a Stunning Lady Wows Netizens

PlayGirls bashed Angel Locsin for misjudgment on PGT

Brave Cancer Survivor Shares Her Story on Social Media to Encourage Other Sufferers