P2.5M halaga ng shabu, nasamsam sa Bacoor Cavite
Aabot sa P2.5 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Bacoor, Cavite, Linggo ng umaga.
Kasabay nito, naaresto ng mga otoridad ang isang Nigerian national at ilang kasamahang Pilipino.
Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), namataan ang inilagay na 500 gramo ng shabu sa side mirror ng sasakyan.
Sa ngayon, patuloy ang imbestigasyon ng PDEA sa mga nasamsam na droga.
The post P2.5M halaga ng shabu, nasamsam sa Bacoor Cavite appeared first on - News Portal Philippines.
Komentar
Posting Komentar