Lahat ng Pinoy sa Kuwait, pinauuwi na ni Pangulong Duterte sa Phl
Umapela ngayon si Pangulong Rodrigo Duterte sa lahat ng mga overseas Filipino workers (OFW’s) na kasalukuyang nasa Kuwait na umuwi na lamang sa bansa at dito magtrabaho.
Ito ay sa gitna pa rin ng tensiyon ng Pilipinas at Kuwait dahil sa pagpapalabas ng video ng kontrobersiyal na rescue operation sa mga OFW’s sa naturang bansa.
Ito ang inihayag ng pangulo sa libo-libong OFW’s sa Singapore ngayong gabi lamang bago ito umuwi sa Pilipinas.
Ayon sa pangulo, marami naman umanong trabaho na puwedeng pasukan ng mga OFW’s pagdating sa bansa.
Handa rin umanong mangutang ang Pangulong Duterte para mapauwi lamang ang lahat ng mga Pilipino sa Kuwait.
Titingnan din daw ng pangulo kung puwede niyang gamitin ang P5 billion aid mula China para mai-pull out lang ang lahat ng mga manggagawa doon.
Mistulang death sentence naman ang plano ni Duterte sa memorandum of understanding (MOU) na nakatakda sanang pirmahan ng dalawang bansa para sa proteksiyon ng mga kababayan natin sa Kuwait.
Pero bukas pa rin naman umano ang pangulo na pag-usapan ang MOU kapag napauwi na ang lahat ng mga manggagawang Pinoy doon
Samantala, dakong alas-9:40 ng gabi nang umalis si Duterte sa Singapore at asahang dadating sa Davao dakong ala-1:10 ng madaling araw.
The post Lahat ng Pinoy sa Kuwait, pinauuwi na ni Pangulong Duterte sa Phl appeared first on - News Portal Philippines.
Komentar
Posting Komentar