DOTr, naninindigan sa pagsibak sa LTFRB Region 5 director

Nanindigan ang Department of Transportation (DOTr) sa ginawa nitong pagsibak kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Region 5 Director Jun Abrazaldo dahil sa sinasabing pagkakasangkot nito sa kurapsyon.

Sa isang pahayag, sinabi ni DOTr Secretary Arthur Tugade na wala siyang sisinuhin sa kanyang departamento na masasangkot sa anumang uri ng kurapsyon. Paliwanag nito, sinusunod lamang niya ang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Aniya pa, ang kaso laban kay Abrazaldo ay batay sa report ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA), bukod pa sa ilang mga report na mula naman sa DOTr.

Sinabi pa ni Tugade na nanggaling sa pangulo ang utos na sibakin na sa pwesto si Abrazaldo.

Samantala, nilinaw naman ni LTFRB Chairman Martin Delgra na hindi personal ang dahilan sa pagkakatanggal kay Abrazaldo.

Aniya, masyado nang maraming reklamo ang lumalabas laban kay Abrazaldo ay hindi naman aniya maaaring isantabi lamang niya ito.

Samantala, inakusahan naman ni Abrazaldo si Delgra na sangkot rin umano ito sa kurapsyon. Hinamon pa niya ito na magbitiw sa kanyang posisyon.

Source link

The post DOTr, naninindigan sa pagsibak sa LTFRB Region 5 director appeared first on - News Portal Philippines.

Komentar

Postingan populer dari blog ini

Unbelievable Transformation of a Cute Young Boy into a Stunning Lady Wows Netizens

PlayGirls bashed Angel Locsin for misjudgment on PGT

Brave Cancer Survivor Shares Her Story on Social Media to Encourage Other Sufferers