‘Course of action’ sa Kuwait, iaanunsyo ni Duterte pagbalik mamayang gabi mula Singapore – Palasyo
SINGAPORE – Inaabangan na ngayon ang magiging anunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte pagbalik nito sa bansa mamayang gabi kaugnay sa susunod na hakbang sa sigalot sa diplomatic relations ng Pilipinas at Kuwait.
Si Pangulong Duterte ay nakatakdang aalis sa Singapore mamayang 7:45 ng gabi matapos ang pagdalo sa 32nd ASEAN Summit at diretso na ito sa Davao City.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, nais ni Pangulong Duterte na gagawin ang anunsyo sa mismong lupain ng Pilipinas.
Ayon kay Sec. Roque, ang desisyon ni Pangulong Duterte ay isang “course of action” na siya lamang ang nagpasya at walang ibang nagrekomenda.
Magugunitang nagalit ang Kuwaiti government at pinalayas si Philippine Ambassador Renato Villa dahil sa ginawang pag-rescue ng embassy officials sa mga distressed overseas Filipino workers (OFWs) na kumalat pa ang video sa social media.
The post ‘Course of action’ sa Kuwait, iaanunsyo ni Duterte pagbalik mamayang gabi mula Singapore – Palasyo appeared first on - News Portal Philippines.
Komentar
Posting Komentar