Mas masikip na trapiko sa QC, inaasahan simula ngayong araw
Nagbabala ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mas mabigat na trapikong mararanasan sa Quezon City simula ngayong araw.
Ito ay bunsod ng pagsasara sa ilang kalsada dahil sa konstruksyon ng Metro Rail Transit (MRT 7).
Dahil sa ginagawang coping beam ay ipatutupad ag one-way traffic sa Regalado mula Mindanao Avenue hanggang Commonwealth Avenue mula alas-5 ng umaga hanggang alas-10 ng gabi.
Sa May 6 hanggang July 30 naman tuwing alas-10 ng gabi hanggang alas-5 ng umaga ay isasara ang Regalado mula Mindanao Avenue hanggang Commonwealth Avenue dahil sa paglalagay ng box griders para sa track ng MRT-7.
Inaasahan naman ang mabigat na trapiko sa intersection ng Commonwealth at Tandang Sora Avenue mula May 1 dahil sisimulan na ang konstruksyon ng MRT-7 Tandang Sora station.
Aabot ang paglalagay ng pundasyon ng istasyon sa loob ng limang buwan.
Bubuo rin ng elevated guideway at idedemolish ang Tandang Sora flyover at inaasahang matatapos ng 13 buwan.
Walong buwan naman ang aabutin ng paghuhukay para sa MRT 7 underground guideway mula North Avenue hanggang Commonwealth.
Bunsod nito, dalawang lanes ng North Avenue hanggang Elliptical Road ang isasara sa mga motorista.
The post Mas masikip na trapiko sa QC, inaasahan simula ngayong araw appeared first on - News Portal Philippines.
Komentar
Posting Komentar