Sustainable development at kooperasyon sa seguridad, palalakasin ng Pilipinas at Indonesia

Muling pinagtibay nina Pangulong Rodrigo Duterte at Indonesian President Joko Widodo ang kanilang pangako na mapalawig pa ang relasyon ng Pilipinas at Indonesia.

Kasabay nito, pag-iibayuhin pa umano ng dalawang lider ang pagtutulungan upang matugunan ang mga isyu na may kaugnayan sa seguridad at maging sa pagtamo sa ‘sustainable development’.

Ito ang sinabi ng MalacaƱang matapos ang naging pagpupulong nina Duterte at Widodo bago ang dinner na pinangunahan ni Singapore Prime Minister Lee Hsien Loonng sa kasagsagan ng 32nd Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa Singapore.

Sinabi pa sa isang press release ng Presidential Communications Operations Office na napag-usapan ng dalawang lider ang posibilidad na muling magpulong muli sa hinaharap sa petsang sasang-ayunan ng dalawang partido.

Matatandaang dalawang beses na tumungo sa Pilipinas si Widodo noong nakaraang taon para sa isang state visit at dumalo sa biannual ASEAN Summit sa pangunguna ni Duterte bilang Chairman.

Source link

The post Sustainable development at kooperasyon sa seguridad, palalakasin ng Pilipinas at Indonesia appeared first on - News Portal Philippines.

Komentar

Postingan populer dari blog ini

Unbelievable Transformation of a Cute Young Boy into a Stunning Lady Wows Netizens

PlayGirls bashed Angel Locsin for misjudgment on PGT

Brave Cancer Survivor Shares Her Story on Social Media to Encourage Other Sufferers