‘Deployment ban sa mga OFW’s sa Kuwait, permanente nang ipatutupad’ – Duterte
Pinanindigan ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte na mananatili nang permanente ang deployment ban ng mga overseas Filipino workers (OFW’s) sa bansang Kuwait.
Aniya, wala na umanong recruitment na mangyayari lalo na sa mga domestic helpers na ipapadala sa naturang bansa.
Kasabay nito, muling hinimok din ni Duterte ang mga kababayang blue-collar workers na nasa Kuwait na umuwi na ng bansa at ang pamahalaan na ang bahala sa kanila para magkaroon ng trabaho.
Target naman ng pangulo na magpasaklolo sa China lalo na’t nangangailangan daw ang naturang bansa ng 100,000 English teachers.
Maliban dito, nangangailangan din aniya ang bansa ng mga manggagawa para sa “Build, Build, Build” infrastracture program ng pamahalaan.
Pero sa kabila ng pagpapauwi ng Pangulong Duterte sa lahat ng mga Pinoy workers sa Kuwait ay wala raw itong sama ng loob sa Kuwaiti government o sa mga Kwaiti nationals.
Umaasa naman itong tatratuhin ng Kwaiti government nang maayos ang mga Pilipinong nais pang manatili at magtrabaho sa naturang bansa.
Maalalang nagkaroon ng lamat ang relasyon ng Pilipinas at Kuwait matapos kumalat ang video ng pagsakip sa mga Filipino workers sa Kuwait.
The post ‘Deployment ban sa mga OFW’s sa Kuwait, permanente nang ipatutupad’ – Duterte appeared first on - News Portal Philippines.
Komentar
Posting Komentar