Labor Sec. Bello: ‘Hindi permanente ang ban ng OFW sa Kuwait’
Nilinaw ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang anunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte kamakailan na permanente na ang deployment ban ng mga overseas Filipino workers (OFW) sa Kuwait.
Sa isang panayam sinabi ni Labor Sec. Silvestre Bello III, tanging mga Pilipino lang na nais umuwi ang hinikayat ng pangulo, kung saan nakahanda naman din ang pamahalaan na asistehan ang mga ito.
Binigyang diin ng kalihim ang naunang anunsyo noon ng pangulo na hindi ili-lift ang ban hangga’t hindi naisasakatuparan ng Kuwait ang mga kondisyon na memorandum of understanding at hustisya sa pagkamatay ni Joanna Demafelis.
Nakatakda umanong magtungo sa Kuwait si Bello para personal na kamustahin ang lagay ng mga OFW doon, kasunod ng diskusyon sa pagitan nila ng Pilipinas dahil sa issue ng viral rescue video, at hilin ng dayuhang bansa na patalsikin si Ambassador Renato Villa.
Hinggil dito, nakausap na rin daw ng kalihim ang Kuwaiti ambassador dito sa Pilipinas, kasama ang dating Foreign Affairs Sec. Rafael Seguis.
Nitong Sabado nang himukin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga natitirang OFW sa Kuwait at sinabing permanente na ang ban doon.
“The ban stays permanently. There will be no more recruitment especially of domestic helpers. No more,” ani Duterte.
The post Labor Sec. Bello: ‘Hindi permanente ang ban ng OFW sa Kuwait’ appeared first on - News Portal Philippines.
Komentar
Posting Komentar