Nasa 200 kabahayan, nasunog sa Maynila
Nasa 200 kabahayan na pawang gawa sa light materials ang natupok ng apoy sa Oroqueta Street kanto ng Doroteo Jose sa Sta. Cruz, Maynila.
Bandang alas-7 ng gabi ng sumiklab ang sunog na umabot sa Task Force Bravo.
Walang nagawa ang ilang mga residente kundi pagmasdan mula sa mga bus terminal at kalsada ang nasusunog nilang mga bahay.
Dahil sa sunog pansamantalang isinara ang tulay na nagkokonekta sa LRT 1 Doroteo Jose Station at LRT 2 Recto Station at maging ang North Entrance ng Recto Station.
Ilang mga pasyente rin ng Fabella Hospital ang kinailangang ilikas sa covered court ng ospital.
Dahil kalapit din ng nasusunog na mga kabahayan ang Manila City Jail, kinailangang magpapasok ng bumbero sa piitan upang hindi ito madamay.
Ayon sa Manila Fire Department, nasa halos 500 pamilya ang apektado.
Sa inisyal na ulat nasa lima ang sugatan kabilang ang isang bumbero.
Patuloy ang imbestigasyon sa pinagsimulan ng sunog.
Naapula ang sunog alas-12:34 na ng madaling araw ng Sabado.
The post Nasa 200 kabahayan, nasunog sa Maynila appeared first on - News Portal Philippines.
Komentar
Posting Komentar