Duterte, sana hindi palaban sa Kuwait issue – ex-Phl envoy to UN

Umaasa si dating Permanent Representative to the United Nations Amb. Lauro Baja na hindi magiging palaban ang iaanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na “course of action” kaugnay sa diplomatikong problema sa Kuwait.

Mamayang gabi pagbalik mula Singapore, inaasahang ihahayag ni Pangulong Duterte ang nabuo nitong hakbang sa pakikitungo sa Kuwait na nagpalayas sa ambasador ng Pilipinas na si Renato Villa.

Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Amb. Baja na bagama’t kailangang panindigan ang proteksyon ng mga kababayang nagtatrabaho sa Kuwait, kailangang idaan ito sa diplomatikong paraan.

Ayon kay Amb. Baja, umaasa siyang hindi hindi akto at magsasalita si Pangulong Duterte sa karaniwan nitong ginagawa na palaban at matapang, bagkus dapat itong maging mas diplomatiko at mas “statesman.”

Mahalaga umanong unawain ang sitwasyon ng Kuwait habang dapat unawain din ng Kuwait ang ating posisyon.

“The President will not be in his usual fighting stance, hindi siguro ngayon. But of course we must stand our ground in the protection of our nationals abroad as I think Kuwait will stand on the protectiopn of their national integrity,” ani Amb. Baja.

Source link

The post Duterte, sana hindi palaban sa Kuwait issue – ex-Phl envoy to UN appeared first on - News Portal Philippines.

Komentar

Postingan populer dari blog ini

Unbelievable Transformation of a Cute Young Boy into a Stunning Lady Wows Netizens

PlayGirls bashed Angel Locsin for misjudgment on PGT

Brave Cancer Survivor Shares Her Story on Social Media to Encourage Other Sufferers