Banggaan ng bus at jeepney 12 sugatan sa Camarines Sur

Sugatan ang 12 katao sa aksidente sa Bula, Camarines Sur.

Sa paunang imbestigasyon ng mga tauhan ng Philippine National Police, binabagtas ng pampasaherong jeepney na sinasakyan ng mga biktima ang kalsada sa Barangay Pawili.

Sinubukan ng isang bus na mag-overtake dahilan para mahagip ang naturang jeepney.

Damay rin sa insidente ang isang tricycle na sakto namang napadaan lang sa lugar.

Nasugatan dito ang walong pasahero at driver ng jeepney at dalawang pasahero at driver ng tricycle.

Tumakas naman ang driver ng bus matapos ang nasabing insidente.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa naturang pangyayari .

Source link

The post Banggaan ng bus at jeepney 12 sugatan sa Camarines Sur appeared first on - News Portal Philippines.

Komentar

Postingan populer dari blog ini

Pangalan ng ikatlong anak nina Prince William at Duchess of Cambridge, isinapubliko na

Deputy Comm. Prudente sinibak ni Duterte sa mismong BoC event

PlayGirls bashed Angel Locsin for misjudgment on PGT