Malacañang, nilinaw din na hindi permanente deployment ban sa Kuwait
Naniniwala si Presidential Spokesman Harry Roque na hindi magiging permanente ang total deployment ban sa Kuwait.
Ayon kay Sec. Roque, mismong si Pangulong Rodrigo Duterte naman ang nagsabi na sa sandaling magkaroon na ng kasunduan, maaari nang tanggalin ang ban sa pagpapadala ng mga manggagawang Pilipino sa Kuwait.
Kaya habang wala pa aniyang kasunduan ay tigil muna ang deployment ng mga overseas Filipino workers (OFWs) sa nabanggit na bansa.
Inihayag ni Sec. Roque na sa ngayon, walang Overseas Employment Certificate na pinoproseso papuntang Kuwait.
“Pero lilinawin ko naman po, hindi naman po siguro permanente iyan kasi ang sabi naman talaga ng Pangulo, kapag mayroon ng kasunduan ay baka pupuwede nang i-lift iyong deployment ban,” ani Sec. Roque.
The post Malacañang, nilinaw din na hindi permanente deployment ban sa Kuwait appeared first on - News Portal Philippines.
Komentar
Posting Komentar