Postingan

Menampilkan postingan dari Februari, 2018

Sumuko na umano’y recruiter ni Joanna Demafilis, itinangging siya ang nag-recruit sa OFW

Itinanggi ng sumukong si Agnes Tuballes na siya ang nag-recruit kay Joanna Demafelis, ang OFW na natagpuang patay sa loob ng freezer sa Kuwait. Ayon kay Tuballes, siya lamang ang nag-refer kay Demafelis sa Mt. Carmel recruitment agency. Sinabi ni Tuballes na nagpasya siyang kusang magtungo sa PNP-CIDG para linisan ang kaniyang pangalan matapos na malantad maging ang kaniyang larawan at sabihin sa mga balita na siya ang recruiter ni Demafelis. Tinukoy ni Tuballes ang isang nagngangalang “Mariz” na siyang nagproseso ng mga papeles ni Demafelis at nag-deploy dito sa Kuwait. Ani Tuballes, hindi siya empleyado ng Mt. Carmel peri aminado ito na mayroon siyang porsyento sa bawat manggagawa na maire-refer niya sa ahensya. Noong ni-refer niya si Demafelis ay nakatanggap umano siya ng P13,000. Ayon kay Tuballes, hindi niya ginusto ang sinapit ni Demafelis sa Kuwait at hindi rin niya agad nalaman na mayroon na palang problema ang nasabing OFW sa kaniyang amo.        ...

Marawi leaders kay Duterte: ‘Walang dapat ihingi ng tawad sa Marawi attack’

Gambar
CAGAYAN DE ORO CITY – Pinanindigan ng ilang lider mula sa Maranao Muslims na walang dapat ihingi ng tawad si Pangulong Rodrigo Duterte sa nangyaring pagkasira ng Marawi City dahil umatake ang grupong Maute-ISIS noong Mayo 2017. Ito ay matapos inulit ni Duterte ang paghingi nang pang-unawa at patawad mula sa Maranao-Muslims na naghihirap sa kanilang kalagayan dahil sa epekto ng mga pagkawala ng mga bahay at kabuhayan dahil sa giyera noong nakaraang taon. Sinabi sa Bombo Radyo ni Lanao del Sur Vice Governor Mamintal “Bombit” Adiong, Jr. na hindi kasalanan ang ginawa na hakbang ni Duterte dahil unang-una walang may gusto na sakupin ng grupong ISIS ang kanilang lugar gamit ang pamilyang Maute. Inihayag ni Adiong na kung mayroon man na dapat ihingi ng tawad ng Pangulo ay ang pagkawala lamang ng mga ari-arian ng kanilang mga kapatid na Maranao-Muslims na nakitira pansamantala sa shelters na ibinigay ng gobyerno. Inamin ni Adiong na nalusutan talaga ang gobyerno dahil nagkunwari ang mga ...

Sarangani, Davao Occidental niyanig ng magnitude 3.6 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.6 na lindol ang bayan ng Sarangani sa Davao Occidental. Naganap ang lindol sa 35 kilometers West ng Sarangani alas 8:08 ng umaga. Ayon sa PHIVOLCS 59 kilometers ang lalim ng pagyanig at tectonic ang origin. Hindi naman ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks.                   Source link The post Sarangani, Davao Occidental niyanig ng magnitude 3.6 na lindol appeared first on - News Portal Philippines .

Teen Electrocuted to Death after She Used Her Phone While it Was Still Charging

Gambar
–> They were able to rush her to the hospital, but doctors weren’t able to save her. Many people’s lives revolve around their gadgets nowadays. But who can blame them? We can practically do anything and everything with our phones, and sometimes, losing them or forgetting about them at home can ruin our entire day. Ultimately, our phones need charging—and it is the best time to leave your gadgets alone. However, it was too late for 17-year-old Luiza Pinheiro, from Riacho Frio. The teen from Brazil was reportedly electrocuted after she used her phone while it was still charging. Though her family was able to bring her to the hospital, doctors could no longer save her. According to reports, Luiza was found on the floor of her home at about 5pm on Sunday afternoon, with her headphones “melted” into her ears. According to the rescue team that responded, the teen’s phone was destroyed with a “huge electric charge”, but the authorities have not made a statement on how the girl was...

Isa sa umano’y recruiter ni Demafelis, sumuko sa PNP-CIDG

Hawak na ng PNP Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang kustodiya ng umano’y recruiter ng namatay na Pinay overseas worker na Joanna Demafelis. Kinilala ni PNP-CIDG director Roel Ubusan ang sinasabing recruiter na si Agnes Tubales na umano’y konektado sa Our Lady Of Mt. Caramel Global E-Human Resources Inc., na siyang nag-deploy kay Demafelis sa Kuwait. Itinanggi naman ni Tubales na siya ang recruiter ng OFW, at sinabing ni-refer niya lang ito sa nasabing recruitment agency. Batay sa salaysay ng sumuko, dati siyang empleado ng recruitment firm pero wala na umano siya doon at nagtratrabaho narin sa Hong-Kong bilang OFW nang ni-refer niya si Joanna. Sinabi ni Tuballes sumuko siya sa otoridad para linisin ang kaniyang pangalan, kasabay ng pagtanggi nito na siya ang nag proseso sa mga papeles ni Joanna. Source link The post Isa sa umano’y recruiter ni Demafelis, sumuko sa PNP-CIDG appeared first on - News Portal Philippines .

Guro arestado matapos magpaputok ng baril sa paaralan sa north Georgia

Arestado ang isang guro sa Dalton High School sa north Georgia matapos siyang magpaputok ng baril sa loob ng silid-aralan. Nakilala ang guro na si Randall Davidson, 53 taong gulang. Naganap ang insidente dakong 11:30 ng umaga, oras sa Georgia, nang magkulong si Davidson sa classroom at tumangging magpapasok ng mga estudyante. Nang magdesisyon ang principal na gamitan na ng susi ang silid-aralan, doon na nagpaputok ng handgun si Davidson sa bintana na nakaharap sa labas ng kwarto. Agad na nagpatupad ng lockdown ang paaralan na sinundan ng mabilis na pag-responde ng mga pulis para mailikas ang mga nasa paligid ng classroom. Makalipas ang nasa 30 hanggang 45 minuto, kusa nang sumuko si Davidson sa mga pulis. Ayon kay police spokesman Bruce Frazier, wala silang nakikitang ebidensyang nagpapakitang may balak talaga si Davidson na paputukan ang sinuman. Mapalad namang walang nasaktan dahil sa pagpapaputok ni Davidson ng baril, pero mayroon lang isang estudyante na natapilok matapos tu...

Would You Spend Thousands on Plastic Surgery or Just Photoshop Your Pictures Like This?

Gambar
–> Just make sure you never meet your social media friends in person! People today are turning to plastic surgery just to become what they think is beautiful. People spend thousands just to make their skin look fairer, their bodies look skinnier, and for some, to look like the person or ‘character’ they wish to look like. Plastic surgery is everywhere. It is readily available, and people are drawn more to it. But how far would you go for beauty? There have been reports of people going broke after spending thousands on plastic surgery, yet they are never contended with how they look every time. But what if you can change into someone more beautiful and go back to your normal self offline? Now that’s possible, thanks to Photoshop. A good photo can very often be improved with a few well-placed tweaks and adjustments, but it’s just as easy to kill a perfectly fine photograph by going overboard in Photoshop. However, if you have skills like this, you can go crazy on your ...

Recruiter ni Joanna Demafelis sumuko sa PNP-CIDG

Boluntaryong sumuko sa PNP-CIDG ang recruiter ng OFW na natagpuang patay sa loob ng freezer sa Kuwit na si Joanna Demafelis. Ang recruiter na si Agnes Tuballes ay nasa kostodiya na ngayon ng PNP. Inaasahang ihaharap ito sa media ngayong umaga. Magugunitang simula nang matagpuan ang bankay ni Demafelis na inabandona sa loob ng freezer sa apartment sa Kuwait ay pinatigil na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapadala ng mga OFW ssa sa nasabing bansa. Ang among Lebanon at Syrian ni Demafelis ay kapwa naaresto noong nakaraang linggo.                         Source link The post Recruiter ni Joanna Demafelis sumuko sa PNP-CIDG appeared first on - News Portal Philippines .

Bangkay ng dalawang lalaki, natagpuan sa Malabon

Dalawang bangkay ng lalaki ang natagpuan sa Barangay Panghulo sa lungsod ng Malabon. Isa dito ay nakasuot ng kulay gray t-shirt at maong na pantalon, ang isa naman ay naka-puting t-shirt habang nakababa ang kanyang maong pants. Isang nagrorondang tanod ang nakakita sa dalawa. Kapwa pa walang pagkakakilanlan ang mga lalaki na mayroong tama ng bala sa katawan. Sa ngayon ay hinihintay pa ang SOCO upang iproseso ang crime scene.                         Source link The post Bangkay ng dalawang lalaki, natagpuan sa Malabon appeared first on - News Portal Philippines .

Instant Karma: Chinese Boy Urinates on Elevator Control Panel and Gets Stuck Inside

Gambar
–> In the end, the boy was forced to touch his own urine in an attempt at exiting the elevator. If not all, many of us tried something stupid in our lives. Ringing somebody else’s doorbell is one of the oldest pranks of today, and it is harmless (most of the time). However, there are pranks that go too far, that many people are inconvenienced, or at times, even harmed. One Chinese boy attempted to “prank” future lift riders by urinating on the elevator’s control panel. The boy thought it was funny to have his urine end up on everyone’s fingers whenever they got on the elevator. However, he failed to realize he was still inside and would have to push the button to get out as well. But as he tried to get out after pushing the button, all the buttons suddenly lit up and door won’t budge. His urine literally wrecked the control panel. He can then be seen to panic, jabbing at the damp buttons as the lift remains motionless. Before the video ends, the elevator goes dark, and the ...

Bawas presyo sa LPG ipinatupad ngayong araw

Sinalubong ng magandang balita ang publiko ngayong unang araw sa buwan ng Marso. Ito ay makaraang magpatupad ng bawas sa presyo ng Liquified Petroleum Gas (LPG) ang mga kumpanya ng langis. Sa abiso ng Petron, epektibo alas 12:01 ng madaling araw ng Huwebes (March 1, 2018), nagpatupad sila ng bawas na P1.65 sa bawat kilo ng kanilang LPG. Katumbas ito ng P18.15 na kaltas sa presyo ng bawat 11-kilogram na LPG cylinder. May bawas din na 90 centavos per liter ang Petron sa kanilang AutoLPG. Samantala, ang kumpanyang Solane naman ay may bawas na P1.64 per kilogram sa kanilang LPG. Katumbas naman ito ng P18.04 na bawas sa 11-kilogram cylinder epektibo alas 6:00 Huwebes ng umaga.                           Source link The post Bawas presyo sa LPG ipinatupad ngayong araw appeared first on - News Portal Philippines .

Filipina Beauty Sophia Senoron Wins First-Ever Miss Multinational Pageant

Sarah Geronimo, wagi sa International Golden Panther Awards 2018

Muling nadagdagan ang listahan ng international awards ng Popstar Royalty na si Sarah Geronimo. Ito ay matapos siyang itanghal na wagi sa kategoryang ‘Best Philippine Act’ ng International Golden Panther Awards 2018 na naganap sa New York, United States. Ginagawaran sa naturang awards ang pinakaimpluwensyal, pinakamabenta at pinakasikat na recording artists sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Sa pamamagitan ng online poll itinakda ang mga bibigyan ng parangal. Samantala, bilang pagdiriwang sa ika-15 taon ni Sarah sa industriya ay isang concert ang hinandog niya sa kanyang fans. Magaganap ang ‘Sarah Geronimo This Is Me’ concert sa Araneta Coliseum sa April 14. Source link The post Sarah Geronimo, wagi sa International Golden Panther Awards 2018 appeared first on - News Portal Philippines .

Mga estudyante ng Marjory Stoneman Douglas High School sa Florida, balik-eskwela na

Balik-eskwela na ang mga mag-aaral ng kontrobersyal na paaralan sa Florida kung saan naganap ang mass shooting na ikinasawi ng 17 katao. Sa labas ng Marjory Stoneman Douglas High School ay nagtipun-tipon ang pamilya ng mga estudyanteng nakaligtas sa kahindik-hindik na massacre bilang suporta sa kanilang pagpasok. Sinimulan na ang kalahating-araw na klase ng mga estudyante base sa nakatakda sa fourth period sa kurikulum. Nasa 3,000 mga estudyante na karamihan ang may dala-dalang puting bulaklak ang nakapila kasama ang mga nakaunipormeng pulis upang pumasok sa paaralan. Labing-pitong katao naman na nakasuot ng costume na pang-anghel ang ipinakita bilang magpaalala sa mga nakaligtas na may mga anghel na nagbabantay sa kanila. Ang mga nakabihis na pang-anghel ay ilan sa mga nakaligtas naman sa nightclub shooting na naganap sa Orlando noong 2016 kung saan 49 ang namatay. Samantala, hindi buong eskwelahan ang binuksan. Mananatiling nakasara ang building kung saan nasawi ang 14 na estu...

MRT-3, walang naitalang aberya sa loob ng nagdaang isang linggo

Ibinida ng pamunuan ng MRT-3 na isang linggong hindi nakaranas ng aberya ang kanilang mga pasahero. Ayon sa media relations officer ng MRT-3 na si Aly Narvaez, wala silang naitalang service interruption at pagpapa-baba sa mga pasahero sa loob ng nagdaang pitong araw mula noong February 21. Malaki rin aniya ang ibinaba ng mga insidente ng pagkaantala ng kanilang serbisyo at pagbabawas ng mga tren. Ang huling naitalang unloading incident ay noong February 21 kung saan nasa 900 na mga pasahero ang kinailangang bumaba dahil sa aberya sa MRT-3. All-time high aniya ito sa kanilang record mula nang mag-take over ang MRT-3 Maintenance Transition Team o MTT na pumalit sa Busan Universal Rail Inc. (BURI). Ibinahagi rin ni Narvaez sa INQUIRER.net na nagsimulang magdatingan ang mga bagong biling spare parts para sa mga bagon noong ikalawang linggo ng Pebrero na magpapatuloy hanggang ngayong buwan ng Marso. Dahil dito ay sinimulan na rin nila ang unti-unting pagkakabit ng mga piyesa na maari ...

Grupo ng mga dolphins, naligaw sa Manila bay

Isang grupo ng labindalawang dolphins ang naligaw at nakitang paikot-ikot sa Manila Bay, araw ng Miyerkules. Unang rumesponde sa pambihirang insidente ang mga tauhan ng Manila Maritime Police Station dahil napadpad ang mga ito malapit sa kanilang tanggapan. Halos dalawang oras nilang sinubukang itaboy ang mga ito, ngunit nagpatuloy ang pagpapaikot-ikot ng mga ito kaya nagpasaklolo na sila sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR). Ayon sa information office ng BFAR na si Len Conant, mahalagang makaalis sa bahaging iyon ang mga dolphins dahil mapanganib ito sa kanila. Marami aniya kasing basura sa Manila bay na maaring makain ng mga dolphins at ikapapahamak lang ito ng kanilang kalusugan. Ginabayan ng BFAR ang mga ito na makabalik sa malalim na bahagi ng dagat kung saan sila ay mas ligtas. Hinala ng mga otoridad, napadpad sa Manila bay ang mga dolphins dahil mayroon silang kasamahan na may sakit o nasugatan, o kaya naman ay naghahanap ng makakain. Posible ring naingaya...

Man Sentenced to 34 Years for Sexually Assaulting and Raping His Mistress’ Daughter for 7 Years

Gambar
–> According to reports, the man started raping his mistress’ daughter since the girl was just 7 years old. A man was sentenced to 34 years’ jail and the maximum 24 strokes of the cane on Monday (Feb 26) after pleading guilty to four charges of statutory rape. The man, who cannot be named so as to protect the victim’s identity, had reportedly raped the young girl since she was just 7 years old, and continued to do so for 7 more years. The sentencing was also based on other 17 charges—including statutory rape, molestation, committing an indecent act, and sexual penetration of a minor. Reports say that the man started sexually abusing the girl when she was just 7 years old. The girl claimed to have reported the man to her mother, but the later refused to believe her and got mad at her instead. This allowed the man to progress to raping her and forcing her to perform oral sex on him. The man was so confident that he won’t be punished or caught that he even did the acts in br...

Foreign fishing at research sa Phl Rise, bawal; magkakagiyera tayo – Duterte

Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na walang banyagang papayagang makapangisda o magsagawa ng exploration sa Philippine Rise o Benham Rise. Ginawa ni Pangulong Duterte ang pahayag sa kanyang pagbisita sa Marawi City para pangunahan ang inagurasyon ng Bahay Pag-asa Phase II. Sinabi ni Pangulong Duterte, nagpadala na siya ng isang batalyon ng Philippine Marines para bantayan ang Philippine Rise na pag-aari ng Pilipinas. Ayon kay Pangulong Duterte, walang papayagang banyagang mangingisda o researchers sa Philippine Rise hangga’t wala siyang pahintulot. Nagbabala si Pangulong Duterte na magkakagiyera kung may magtatangkang dayuhan na magsasagawa ng pangingisda o scientific research sa nasabing teritoryong nasa loob ng extended continental shelf ng Pilipinas. Ginawa ni Pangulong Duterte ang pahayag matapos umani ng batikos sa walang ginawang aksyon umano ng gobyerno sa pagbibigay pangalan ng China sa ilang undersea features sa Philippine Rise. “Dito naman sa west side if you look at...

Mag-asawa, patay sa pananambang sa Antipolo

Patay ang mag-asawa matapos silang tambangan sa loob mismo ng kanilang sasakyan malapit sa isang mall sa Antipolo, Rizal. Naganap ang pananambang sa Barangay San Roque, bandang alas-5:30 ng hapon ng Miyerkules. Sa post ng tauhan ng barangay na si Lambert Oliveros sa Facebook, makikitang naka-taob na ang sasakyan ng mag-asawa. Ayon kay Oliveros, nakahinto ang sasakyan sa may traffic light, ngunit nang aandar na sana sila, biglang lumapit ang suspek at sila ay pinagbabaril. Dahil dito, nawalan na ng kontrol ang driver, dahilan para mabangga pa ito sa SUV at tricycle na nasa harapan nito kaya tumaob ang sasakyan. Mapalad namang nakaligtas ang mga sakay ng SUV at tricycle, ngunit nasawi naman ang mag-asawang tinambangan. Nagdulot pa ng trapiko ang insidente dahil natagalan ang pagkaka-balagbag nito sa gitna ng kalsada bago tuluyang naialis. Ayon sa mga nakasaksi, kaswal lang na naglakad papalapit sa sasakyan ang suspek, at naglakad rin lang papalayo matapos gawin ang krimen na para...

Nasa 40 mga kabahayan nasunog sa Navotas City

Tinupok ng apoy ang isang residential area sa Barangay Tanza, Navotas City, na umabot sa Task Force Alpha. Ayon kay Navotas City Fire Marshall, Fire Superintendent Edwin Vargas alas-8:23 ng gabi nang sumiklab ang apoy mula sa bahay ng isang Liza Reyes. Mabilis na kumalat ang apoy na tumupok sa nasa 40 kabahayan, kung saan nasa 80 mga pamilya ang nagsilikas at walang matutuluyan ngayong gabi. Dahil sa kipot ng kalsada ay nahirapan ang mga bumbero na makapasok at apulahin ang sunog. Sa ngayon, isang senior citizen pa lamang ang inasistehan ng Philippine Red Cross matapos mahirapang huminga dahil sa kapal ng usok. Patuloy na inaapula ng mga bumbero ang apoy na 10:25 nang ideklarang fire under control. Tinatayang nasa ₱1 milyon ang kabuuang halaga ng mga pinsala dahil sa nasabing pagliliyab. Hindi pa batid kung ano ang pinagmulan ng sunog. Source link The post Nasa 40 mga kabahayan nasunog sa Navotas City appeared first on - News Portal Philippines .

Patas na pagdinig ng impeachment court tiniyak ng liderato ng Senado

Tiniyak ni Senate President Koko Pimentel na bibigyan ng patas na paglilitis si Chief Justice Maria Lourdes Sereno sakaling umabot sa Senado ang impeachment case nito. Ipinahayag ni Pimentel na kumpyansa siya na kung walang ebidensya, iaabswelto ng mga senador si Sereno pero kung mayroong ebidensya, dapat nilang ikunsidera na i-convict ang Punong Mahistrado. Sinabi ni Pimentel na dapat na maghanda ang Kamara na mapatunayan ang kanilang kaso. Giit niya, walang kaibi-kaibigan sa hanay ng mga mambabatas. Kumpyansa rin si Pimentel na isasantabi ng mga senador ang kani-kanilang partido kapag nag-convene na ang Senado bilang impeachment court. Ayon sa senador, isinasapinal na nila ang impeachment rules bago ang nakatakda nilang recess. Paliwanag ni Pimentel, mapatatalsik lamang sa pwesto si Sereno kapag 2/3 ng 23 senador, o 16 sa mga ito ang pumabor sa impeachment. Source link The post Patas na pagdinig ng impeachment court tiniyak ng liderato ng Senado appeared first on - News Port...

Umali: Sereno walang babalikang pwesto sa Supreme Court

Kumpyansa si House Commitee on Justice Chairman Rey Umali na wala nang mababalikan pa si Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa Korte Suprema sakaling manalo man ito sa Senate impeachment court. Ayon kay Umali, kung hindi man ma-impeach si Sereno sa Kataas-taasang hukuman, “divided” na ang Supreme Court. Sinabi nito na marami ring kumukuwestiyon ngayon na mga associate justices sa liderato ng punong mahistrado. Iginiit nito na magiging kawawa lamang daw ang Pilipinas sa oras na magpapatuloy ang ganitong uri ng sitwasyon. Samantala, ikinatuwa naman ni Umali ang “indefinite leave” ni Sereno. Makabubuti anya ito hindi lamang sa Kamara at Senado kundi pati na rin sa taumbayan. Pinayuhan pa nito ang punong hukom na mag-resign katulad ng ginawa ni dating Commission on Elections Chairman Andres Bautista na naharap din sa impeachment complaint. Ito anya ay upang hindi na maaksaya pa ang kanilang oras, gayundin ang resources ng bansa. Source link The post Umali: Sereno walang babalikang...

Duterte sasabak sa giyera para sa Philippine Rise

Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na magkakaroon ng giyera kapag may nangisda sa Philippine Rise na mula sa ibang bansa. Sa talumpati ng Pangulo sa turnover ng Bahay Pag-asa Phase 2sa Brgy. Mipaga, Marawi City, sinabi ng pangulo na sisiklab ang kaguluhan kapag may magsasagawa ng pananaliksik o anumang uri ng aktibidad sa Philippine Rise nang walang paalam mula sa gobyerno ng Pilipinas. Nanindigan ang pangulo na pag-aari ng Pilipinas ang Philippine Rise. Sa ngayon, sinabi ng Pangulo na mayroon nang nakaposisyon na isang batallion ng Philippine Marines para magbantay sa Philippine Rise. Una rito, inatasan ng Pangulo ang Philippine Navy na barilin ang sinumang dayuhan na mangangahas na pumasok sa Philippine Rise nang walang pahintulot mula sa gobyerno. Source link The post Duterte sasabak sa giyera para sa Philippine Rise appeared first on - News Portal Philippines .

Pinoy na nang-rape sa turistang Swiss nat’l sa Surigao, kakasuhan na

(Update) BUTUAN CITY – Kasong rape ang kakaharapin ng isang sound system operator matapos nitong samantalahin ang isang turistang Swiss national sa General Luna, Surigao del Norte. Kinilala ng pulisya ang suspek na si Ronel Espejon Consigna na taga-Barangay Consuelo nang nasabing bayan. Ayon sa hepe ng Police Regional Office-13 na si C/Supt. Noli Ramana, positibong kinilala si Consigna ng hindi na pinangalanang biktima at ng mga nakasaksi habang dinala nito sa isang hotel sa Barangay 3 Poblacion ang banyaga. Una nang dumulog sa General Luna Municipal Police Station ang Swiss tourist dahil ito umano ay ginahasa habang pauwi na galing sa dinaluhang party. Base sa imbestigasyon, isang Ricky Toloy na kinalaunan ay natukoy na si Consigna ang naghatid sa biktima sa hotel at saka ito iniwan. Source link The post Pinoy na nang-rape sa turistang Swiss nat’l sa Surigao, kakasuhan na appeared first on - News Portal Philippines .

PAO at PGH pinayuhan ng Malacañang na magkaisa kaugnay sa Dengvaxia controversy

Nanawagan ang Malacañang sa iba’t ibang sangay ng pamahalaan na magkaisa para masigurong mabibigyan ng katarungan ang mga batang naturukan ng Dengvaxia anti-dengue vaccine. Pahayag ito ng Palasyo sa gitna ng iringan sa pagitan ng Public Attorney’s Office at University of the Philippines-Philippine General Hospital dahil sa magkaibang autopsy report sa mga bangay na hinihinalang nabiktima ng naturang bakuna. Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, mahalaga na ipagpatuloy ang fact-finding at imbestigasyon kapag nagsampa ng kasong kriminal ang gobyerno laban sa kumpanyang Sanofi Pasteur na siyang manufacturer ng Dengvaxia iba pang responsable sa kontrobersiya… ay magiging proof beyond reasonable doubt ang resulta. Iginiit ni Roque na dapat na nagkakaisa ang gobyerno sa pagsusulong ng interes ng publiko. Habang nagbabangayan aniya ang iba’t ibang sangay ng pamahalaan ay tiyak na natutuwa lamang ang multinational company na Sanofi Pasteur. Dagdag ni Roque, dapat magkabit-bisig an...

A Man Believed to be a Pimp and Two Women Were Arrested for Soliciting Sexual Services Online

Gambar
–> Reports say the man was managing both women, and they were operating in several hotels in the area. A 45-year-old man and two women aged between 27 and 30, were arrested for their suspected involvement in vice-related activities along Middle Road and Balestier Road in Singapore on Monday, February 26. Preliminary investigations by authorities revealed that the women had advertised their sexual services on websites and were operating from hotels in Middle Road and Balestier Road. The man is believed to be the one managing the women and their “activities”. The police said they “will continue to take tough enforcement action against those who are involved in such illegal activities” and added: “Anyone found assisting in vice activities in any way will be dealt with in accordance with the law.” Though prostitution in Singapore in itself is not illegal, various prostitution-related activities are criminalized. This includes public solicitation, living on the earnings of...

Sereno sa mga naghain ng impeachment complaint: ‘I will fight fairly and squarely’

Nanawagan ngayon si Supreme Court (SC) Chief Justice Maria Lourdes Sereno ng dasal at suporta sa kinakaharap nitong impeachment complaint na kasalukuyang tinatalakay sa Kamara. Sa pagharap nito bilang keynote speaker sa 25th national convention of the Regional Trial Court Clerks of Court, sinabi ng punong mahistrado na gagamitin niya ang kanyang leave para makapaghanda sa impeachment trial kung umusad na sa Senado. Ayon kay Sereno, lalaban siya ng patas hindi lamang para sa kanyang sarili kundi para sa buong hudikatura. Kasabay nito, hinimok din niya ang mga kawani ng korte na pagpatuloy lamang nilang gampanan at tutukan ang kanilang trabaho. “I need to prepare to fight the accusations againts me fairly and squarely, with honor, dignity and grace. I want to give you the assurance that while I will be taking a leave of absence, the ship of state of the judiciary remains on course,” wika ni Sereno. Samantala, nakatakdang maglabas ang Supreme Court ng statement kaugnay ng mainit pa r...

Most wanted person sa Makati City naaresto na

Timbog ang tinaguriang most wanted person sa Makati City na sangkot sa ilang kaso ng panghoholdap at pagpatay. Inaresto ng Makati Police Distrcit si Allein Hussein Sumadlayon, 27 taong gulang, dakong alas-3:00 ng madaling araw. Nahuli ang suspek sa isinagawang Oplan Sita sa Bluevoz Street corner Milkweed Street sa Barangay Rizal, Makati City kung saan nakuha sa kanya ang isang Cal. 38 na baril at listahan ng mga bahay na kanyang target pasukin. Si Sumadlayon ay nasa Top 2 rin ng most wanted person ng Southern Police District. Siya ang suspek sa pagpatay sa call center agent sa lungsod noong July 2017. Sa ginawang pagtatanong ng mga pulis ay inamin rin ng suspek na sangkot siya sa pagpatay sa dalawang dentist sa lungsod pero hindi naman daw niya sinasadya. Source link The post Most wanted person sa Makati City naaresto na appeared first on - News Portal Philippines .

OSG pinayuhang pag-aralan ang legalidad ng appointment ni Sereno sa SC

Iminungkahi ni House Speaker Pantaleon Alvarez sa Office of the Solicitor General ang pag-aaral upang kuwestyunin ang appointment sa Supreme Court ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno. Ito ayon kay Alvarez ay kaugnay mga lumabas sa pagdinig sa Kamara na hindi ito kwalipikado sa posisyon. Paliwanag ng House Speaker, ang ginagawang impeachment proceedings ng Kamara ay may kaugnayan sa mga grounds na nangyari matapos itong maitalaga sa posisyon. Ang pagkuwestyon naman anya sa korte ay may kaugnayan sa mga batayan bago ito naging Punong Mahistrado. Ipinauubaya naman ni Alvarez sa korte kung ano ang mangyayari sa mga kaso na pinagpasyahan kasama si Sereno sakaling ideklara na hindi valid ang appointment dito. Sa ginawang pagdinig sa Kamara, lumabas na hindi nagsumite ng sampung taong Statement of Assets Liabilities and Net Worth si Sereno bukod pa kinakitaan ito ng mental discrepancies ng mga sumuring psychiatrists at psychologists. Source link The post OSG pinayuhang pag-aralan ang...

Bilang ng traffic enforcers ng MMDA nabawasan na

Nabawasan ang bilang ng traffic constables ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) dahil sa katiwalian. Ayon sa MMDA, sa nakalipas na siyam na buwan ay marami ang nagbitiw sa pwesto o nasibak sa hanay ng mga traffic constables. Sa tala ng ahensya mula Mayo, nalagasan sila nang mahigit 30%  sa bilang ng kanilang mga tauhan, mula sa dating 3,180 ay bumaba ito sa 2,158 ngayong buwan. Ayon kay Jojo Garcia, acting general manager ng MMDA, ang mga nagbitiw sa pwesto o sinibak sa pwesto ay posibleng dahil “guilty” sila sa mga alegasyon gaya ng extortion. Nasa 7,000 constables ang ideal na bilang para maging epektibo sa pagmamando ng trapiko sa Metro Manila. Sinabi naman ni Garcia na bagaman mas kaunti ang kanilang traffic constables ay hindi naman ito nangangahulugang hindi na sila magiging epektibo sa kanilang trabaho. Iginiit ng opisyal na ang mga naiwang tauhan ngayon ay mas tutok sa pagpapatupad ng batas trapiko kaysa mangikil sa mga motorista. Dagdag ni Garcia, ni...

Sanofi Pasteur nanindigan na hindi nila itinago sa publiko ang panganib ng Dengvaxia

Nilinaw ng Dengvaxia vaccine manufacturer na Sanofi Pasteur na hindi nila itinago sa pamahalaan ng Pilipinas ang panganib na posibleng dulot ng nasabing anti-dengue vaccine nang ipakilala ito sa bansa noong 2015. Ito ay dahil noong November, 2017 lamang nila natuklasan na pwede palang maging sanhi ng development ng severe dengue ang nasabing bakuna para sa mga naturukan nito na hindi pa nagkakaroon ng dengue. Nilinaw rin ng Sanofi na kaagad nilang isinapubliko ang kanilang findings base sa isinagawang clinical data analysis noong November 29, 2017. Sa kanilang media advisory ay sinabi ng Sanofi, “For the dengue vaccine, from the time of the sale, until November 2017, we had no information or data with regards to the serostatus of the vaccinees showing a different product profile in the population of 9 years old and above”. Sa ginawang pagdinig ng Kamara ay sinabi ni Food and Drug Administrastion (FDA) Director General Nela Charade Puno na alam na ng Sanofi ang side effects ng Dengv...

P5-M halaga ng shabu nakumpiska sa raid sa motel sa Cebu

CEBU CITY – Tinatayang aabot sa p5 milyon na halaga ng pinaniniwalang shabu ang narekober ng mga tauhan ng Drug Enforcement Group (DEG) Visayas sa isinagawang buy bust operation sa isang motel sa lungsod ng Cebu kaninang madaling araw. Ang subject ng operasyon ay kinilalang si Wlater Oliamot, 23, residente ng Sitio Gatepass, Brgy. Guadalupe, Cebu City. Sa panayam ng Bombo Radyo Cebu kay P/Supt. Glenn Ayam, hepe ng DEG Visayas, sinabi nito na mahigit tatlong buwan na nilang minamanmanan ang kanilang subject mula nang makatanggap sila ng impormasyon tungkol sa iligal na gawain nito. Aniya, hinintay lang umano nilang dumating ang stocks mula sa hindi pa natukoy na supplier nito saka nila isinagawa ang operasyon. Sinabi nito na isang bigtime distributor ang subject dahil hindi bababa sa 50 grams ang madi-dispose nito at malawak na rin ang kanyang area of distribution. Samantala, hndi naman itinanggi ng suspek ang mga nakuhang kargamento sa kanya ngunit sinabi nitong napag-utusan lama...

P4.7M na halaga ng shabu nasabat mula sa isang 23-anyos na high-value target sa Cebu City

Aabot sa P4.7 milyon na halaga ng ilegal na droga ang nasabat mula sa isang 23-anyos na lalaki na itinuturing na “high-value target” sa Cebu City. Ayon kay Supt. Glenn Mayam, hepe ng Drug Enforcement Group ng Philippine National Police sa Central Visayas, nadakip si Walter Villamor, alas 2:00 ng madaling araw ng Miyerkules sa isang buy-bust operation sa loob ng isang motel sa V. Rama Avenue, Barangay Calamba. Si Villamor na residente ng Sitio Gatepass, Barangay Guadalupe, Cebu City ay tatlong buwan na isinailalim sa surveillance ng pulisya. Natukoy sa imbestigasyon na hindi lang ordinaryong drug peddler ang suspek kundi isang “big time” drug pusher na nakapagbebenta ng ilegal ng droga na 50 gramo pataas. Sa isinagawang operasyon, nagpanggap ang asset ng pulis na bumili ng droga kay Villamor at dinakip ito matapos maiabot ang P400,000 na halaga ng shabu. Ayon kay Mayam aabot sa 400 gramo ng shabu ang nakuha sa suspek. WATCH: P4.7M worth of illegal drugs seized by authorities fro...

‘Impeachment lang makatatanggal kay CJ Sereno, hindi ang ‘pambabraso’ – spokesperson

Gambar
Four justices of the Supreme Court (SC) appeared as witnesses before the House justice committee in determining probable cause for impeachment of Chief Justice Maria Lourdes Sereno last December 11, 2017. Associate Justices Teresita Leonardo-de Castro, Noel Tijam, Francis Jardeleza and retired associate justice Arturo Brion were invited by the committee to testify on allegations by Atty. Lorenzo Gadon. (Photo from CMBE/GE) Umalma ngayon ang kampo ni Supreme Court (SC) Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa puwersahang pagpapa-leave sa punong mahistrado sa isinagawang en banc session kahapon. Inamin sa Bombo Radyo ng isa sa tagapagsalita ni Sereno na si Atty. Josalee Deinla, nabigla sila sa tila pagbraso ng mga mahistrado kay Sereno para mag-indefinite leave. Labis daw nilang ikinabahala  ang hakbang ng mga mahistrado dahil sila dapat ang pinakamarurunong sa batas pero tila hindi na nila alam ang proseso nito. Patuloy pa rin umano ang impeachment proceedings sa Kamara at ito ...

Ilang bahagi ng Metro Manila at kalapit na lalawigan, nakaranas ng power interruption dahil sa kapos na suplay ng kuryente

Gambar
Maraming lugar na sinesebisyuhan ng MERALCO ang nakaranas ng power interruption dahil sa kakulangan ng suplay ng kuryente. Ayon sa MERALCO nagkaroon ng pansamantalang kakulangan sa suplay ng kuryente at tumagal ng 30 to 45 minutes ang naranasang interruption. Sinabi ng MERACLO nakaranas sila ng Temporary System Imbalance dahil sa hindi inaasahang plant outage. “Your power supply may have been affected by a Temporary System Imbalance due to a sudden plant outage and may last for 30-45 minutes. Please bear with us,” ayon sa post ng MERALCO sa twitter. Kabilang sa mga nakaranas ng power interruption ang mga bahagi ng Caloocan City; Quezon City; Antipolo City; Tondo, Paco, Pandacan, at Sampaloc, Maynila; Norzagaray, Malolos, Baliwag, San Jose Del Monte sa Bulacan; at Batangas City base sa post ng mga apektadong netizens sa social media. Ayon sa Meralco, as of 8:31AM ay restored na ang kuryente sa mga apektadong lugar at tumagal lang ng hanggang 45 minutes ang interruption. Gayunman, ...

South Korea, iginiit na hindi nila intensyon pabagsakin ang North Korea gamit ang mga sanctions

Nanindigan ang South Korea na hindi nila intensyong pabagsakin ang North Korea sa pamamagitan ng mga ipinatutupad na sanctions laban sa nasabing bansa. Ito ay ayon mismo kay South Korean Foreign Minister Kang Kyung-wha sa U.N. Conference on Disarmament, na dinaluhan rin ng kinatawan ng North Korea. Ayon kay Kang, layon lang nilang ipaunawa sa North Korea na hindi naka-depende ang kanilang kinabukasan sa nuclear weapons, bagkus sa pakikipagtulungan sa global community tungo sa denuclearization. Ang tangi lang aniya nilang mensahe sa North Korea ay ang gawin ang tamang desisyon at sakali mang ito ang kanilang gawin ay handa ang South Korea na makipagtulungan para matiyak ang mas magandang kinabukasan ng naturang bansa. Gayunman, inakusahan ni North Korean ambassador Han Tae Song ang Estados Unidos sa paggawa ng mga aniya’y mapanganib na hakbang na humahamak sa inter-Korean relations na unti-unti nang bumubuti matapos ang Winter Olympics. Giit pa ni Han, kailanman ay hindi kayang tak...

Robin Padilla Pushes a Foreigner in Hong Kong for Allegedly ‘Disrespecting’ a Filipina

Gambar
–> The man apparently wanted a picture with Padilla, and gestured for the woman to move aside. It wasn’t long ago when Filipino actor Robin Padilla made headlines after allegedly “humiliating” a Korean national by forcing him to speak Tagalog in one episode of the popular show “Pilipinas Got Talent”. The controversy hasn’t died down yet, and the PGT judge sets the internet on fire once again. This time, he was in Hong Kong for a show, and apparently pushed a foreigner for “disrespecting” a Filipina. In a video shared by Pinoy News Blogger on YouTube, Robin Padilla was seen sharing laughs with a group of Filipinas in a Hong Kong hotel lobby when a foreign man approached them and asked Padilla for a picture as well. The man then gestured to make the woman leave Robin Padilla’s side, which prompted the actor to push the drunk man away. “Don’t do that to my [fellow] countryman,” the actor blurted. “Don’t do that! Don’t push her!” Apparently, Robin felt that the man’s gesturing ...

Lalaki, patay sa pamamaril sa Sampaloc, Maynila

Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilang mga suspek sa Maceda St. Sampaloc Maynila mag-aalas dose ng hatinggabi. Nakilala ang biktima na si Jon Jon Manawis, 30 taong gulang, at nangangalakal ng basura. Base sa inisyal na imbestigasyon, riding-in-tandem ang bumaril sa biktima na nagtamo ng tama ng bala sa dibdib. Nakatayo lang umano ang biktima sa harapan ng isang kainan nang makarinig ang mga residente ng dalawang putok ng baril. Doon na nakitang tumatakas ang mga salarin na nakasakay sa motorsiklo na hindi naplakahan. Narekober sa lugar ang dalawang basyo ng bala. Samantala, palaisipan naman sa pamilya ng biktima ang motibo sa pamamaril lalo’t wala naman umanong kaaway ang biktima. Patuloy ang imbestigasyon ng mga pulis sa nangyaring krimen.                         Source link The post Lalaki, patay sa pamamaril sa Sampaloc, Maynila appeared first on - News Portal Philippines ....

La Niña, hanggang Abril o Mayo pa mararanasan – PAGASA

Bagaman mahina na, tatagal pa hanggang buwan ng Abril o Mayo ang nararanasang La Niña phenomenon na magdadala ng mas marami sa normal na pag-uulan at bahagyang mas mainit na temperatura sa bansa. Nananaig pa rin ang La Niña sa tropical Pacific na may posibleng paglipat patungong netural condition pagsapit ng susunod na tatlong buwan. Ayon sa PAGASA, magdadala ito ng bahagyang mas mainit na surface temperature sa malaking bahagi ng bansa sa mga susunod na buwan. Inaasahang matatapos na sa katapusan ng Marso ang northeasterly winds, habang ang easterlies naman ay malamang na mararamdaman sa bansa sa kasagsagan ng tagtuyot mula Marso hanggang Mayo. Higit sa normal ang inaasahang mga pag-ulan na mararanasan sa Albay, Camarines Sur, Catanduanes, Basilan, Bukidnon, Lanao del Sur, Maguindanao, Sarangani, South Cotabato, Sultan Kudarat at Davao Region. Gayunman, mas mababa naman sa normal ang mararanasang mga pag-ulan sa Luzon pagsapit ng Marso, habang normal hanggang bahagyang higit sa n...

2 drug suspects, patay matapos umanong manlaban sa mga pulis sa Pasig

  Patay ang dalawang drug suspects makaraan umanong manlaban sa mga pulis sa West Bank Road Brgy. Manggaahan Pasig City. Ayon kay Police Sr. Supt. Orlando Yebra, hepe ng Pasig City police, nagsagawa ng buy bust operation ang kanilang Drug Enforcement Unit nang maganap ang engkwentro. Isang Kimron Fontejon alyas Kim at isang hindi pa kilalang lalaki na kasama nito na sakay ng isang motorsiklo ang katransaksiyon ng mga operatiba sa lugar. Nang matunugan na pulis ang kanilang katransaksiyon, pinaputukan umano ng mga suspek ang mga pulis dahilan para gumanti ng putok ang mga operatiba na naging sanhi ng kamatayan ng 2 suspek. Sa ngayon patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa pinangyarihan ng insidente. Source link The post 2 drug suspects, patay matapos umanong manlaban sa mga pulis sa Pasig appeared first on - News Portal Philippines .

Sereno, hindi magbibitiw sa pagiging punong mahistrado

Hindi magbibitiw sa puwesto si Chief Justice Maria Lourdes Sereno. Ito ang binigyang-diin ng kampo ni Sereno kasunod ng pagkalat ng manifesto sa Korte Suprema na nanawagan ng resignation ng punong mahistrado sa gitna ng impeachment hearing sa Kamara. Ayon kay Atty. Josa Deinla, isa sa mga tagapagsalita ni Sereno, mahirap na paniwalaan na malakas ang panawagan sa resignation ng Chief Justice lalo pa at wala naman daw signatories ang tatlong pahinang manifesto na ito. Subalit hindi naman daw nila maintindihan kung bakit tila nagpapasalamat pa raw ang mga nagsulat ng naturang manifesto sa impeachment complainant na si Atty. Larry Gadon. Mistulang kumbensido raw kasi ang mga ito na totoo ang mga alegasyon ni Gadon laban kay Sereno. Gayunman, iginiit ni Deinla na ginagalang pa rin nila ang opinyon ng mga nasa likod ng naturang manifesto. Samantala, sinabi naman ni Gadon na dapat ituloy na ni Sereno ang bakasyon nito at magbitiw na lamang sa puwesto. Napaka-obvious na raw kasi na tala...

Baclayon Church na nawasak ng lindol sa Bohol, muli nang binuksan

  Muli nang binuksan ang La Purisima Concepcion de la Virgen Maria Parish na mas kilala bilang Baclayon church, na nawasak nang yanigin ng magnitude 7.2 na lindol ang Bohol noong 2013. Pinangunahan ni National Historical Commission of the Philippines (NHCP) Chairman Rene Escalante ang seremonya sa simbahan na kakatapos lang sumailalim sa restoration. Sinaksihan ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Gabriel Giordano Caccia ang inagurasyon at pag-turnover ng NHCP sa simbahan sa Diocese of Tagbilaran. Kabilang rin sa mga naroon sa seremonya sina Cabinet Sec. Leoncio Evasco, Diocese of Tagbilaran Bishop Alberto Uy, Bohol Gov. Edgar Chatto at Rep. Art Yap. Idineklara ng NHCP bilang isang Historical culturel value ang nasabing simbahan, na itinanghal rin na National Cultural Treasure ng National Museum. Kabilang din ito sa UNESCO World Heritage Tentative List sa Pilipinas, dahil ang Baclayon church ay itinayo noon pang 1596. Kung natapos na ang restoration sa Baclayon chur...

Palasyo: Sana makapagnilay si Sereno sa kanyang ‘wellness leave’

Umaasa ang Malacañang na sasamantalahin ni Supreme Vourt (SC) Chief Justice Maria Lourdes Sereno ang kanyang “wellness leave” para magnilay sa gitna ng kinakaharap na hamon sa pagka-punong mahistrado. Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, hangad nilang magsisilbing oportunidad ang pagkakataon kay Sereno para pagnilayan ang iiwang pamana sa SC at ikonsidera ang pinakamagandang desisyon para institusyong pinamumunuan. Ayon kay Sec. Roque, kumpiyansa naman silang habang naka-leave si Sereno, hindi maaantala ang araw-araw na operasyon sa SC at magpapatuloy ang pagbibigay serbisyo Kinikilala naman ng Malacañang na personal matter ang paghahain ni Sereno ng Sereno. “The decision of Chief Justice Ma. Lourdes Sereno to file a wellness leave is a personal matter. We are confident that there would be no interruption on the day-to-day operations of the High Court and services would continue unhampered. As the Chief Justice takes her wellness leave, we hope she would take this as an op...

Presidential federal government, iminungkahi sa Con-Com

  Ipinanukala ni dating Senate president Nene Pimentel sa en banc session ng Consultative Committe (Con-Com) na nagsisiyasat sa 1987 Constitution ang pagpapatupad ng presidential federal form of government. Sa ilalim nito, maliban sa kasalukuyang setup ng national government, magkakaroon ng individual federal states na may sari-sariling federal legislature at local governments. Ihahalal sa pamamagitan ng national elections ang pangulo at pangalawang pangulo sa ilalim ng panukala ni Pimentel. Gayunman, magkakaroon ng mas striktong kwalipikasyon sa mga maaring tumakbo bilang presidente at bise presidente. Maliban kasi sa mga kasalukuyang kwalipikasyon, pawang ang dalawang pinakamataas na opisyal sa bansa ay dapat pawang mga “baccalaureate degree holders” mula sa mga kinikilalang kolehiyo o unibersidad ng gobyerno. Sa kasaulukuyan kasing Saligang Batas, ang mga kwalipikasyon para sa pagiging presidente at bise presidente ay ang pagiging natural-born citizen ng Pilipinas, rehistr...

Kampo ni Sereno, iginiit na nagbayad siya ng tamang buwis sa BIR

  Naglabas ng paglilinaw ang kampo ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno kaugnay ng umano’y utang na buwis niya sa Bureau of Internal Revenue (BIR) dahil sa mga kinita bilang abogado ng Philippine International Air Terminals Co. Inc. (PIATCO). Ayon kasi sa BIR, posibleng mapatawan ng anim na counts ng tax violation si Sereno matapos nilang maimbestigahan na may nasa P2 milyong halaga tax discrepancies sa kinita nito mula 2005 hanggang 2009. Pero ayon sa kampo ni Sereno, nagbayad si Sereno ng kabuuang P8.67 milyon para sa mga kinita niya sa loob ng nasabing panahon. Wala rin anilang natanggap si Sereno na kahit anong notice o liham mula sa BIR para tawagin ang kaniyang atensyon tungkol sa mga inihain niyang income tax returns para sa nabanggit na panahon. Ito anila ay nangangahulugan na walang katotohanan ang sinasabing umano’y discrepancy sa mga ITR ni Sereno na inihain niya walo hanggang 13 taon na ang nakalilipas. Base sa resulta ng imbestigasyon ng BIR, kabuuang P2,014,223...

89 estudyante ng Olongapo High School, nahilo dahil sa ammonia leak

  Umaabot sa 89 na mag-aaral ng Olongapo City National High School ang nadala sa ospital matapos makalanghap ng kemikal na ammonia Martes ng hapon. Agad na nirespondehan ng mga emergency rescue teams at dinala sa ospital ang mga mag-aaral matapos magreklamo ng pananakit ng dibdib, hirap ng paghinga at pagsusuka. Ilan naman sa mga estudyante ang nadala rin sa ospital matapos masaktan sa panic na idinulot ng insidente. Matapos malapatan ng paunang lunas, pinayagan namang makauwi ang mga estudyante ng mga doctor. Ayon sa imbestigasyon ng Olongapo City Police Office, lumitaw na nagkaroon ng leak sa isang ice plant na malapit sa paaralan. Dahil dito, nalanghap ng mga estudyante ang amoy ng tumagas na ammonia na ginagamit sa paggawa ng yelo. Ayon kay Olongapo city Mayor Rolen Paulino, suspendido muna ang klase sa Olongapo City National High School ngayong araw upang maisagawa muna ang paglilinis sa paaralan. Source link The post 89 estudyante ng Olongapo High School, nahilo dah...

Yoga instructor na supplier umano ng droga, arestado sa Taguig

  Kaloboso ang isang yoga instructor matapos madiskubre sa kanyang condo unit ang iba’t ibang klase ng illegal na droga sa Bonifacio, Global City sa Taguig. Nakilala ang suspek na si Marie Stephanie Arranz, 31 taong gulang. Inisyu ang search warrant ni Executive Judge Reynaldo Alhambra ng Manila Regional Trial Court Branch 53 para sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act laban sa suspek. Nang isagawa ang operasyon, nasabat sa loob ng kanyang condo ang P100,000 halaga ng mga hinihinalang shabu, cocaine at marijuana. Ayon kay PNP-DEG legal officer Atty. Enrico Rigor, inabot din ng isang buwan ang kanilang surveillance operations sa suspek. Nabatid din na gumagamit siya ng motorsiklo o habal-habal sa pagde-deliver umano ng illegal na droga. Sabi ni Rigor, posibleng bahagi ang suspek sa sindikato ng illegal na droga ng radio DJ at host na si Karen Bordador na unang naaresto noong 2016 dahil din sa droga. Samantala, itinanggi naman ng suspek ang mga paratang sa ka...

Rich Parents Fake Their Own Deaths After Their Son Hired a ‘Hitman’ to Kill Them

Gambar
–> The son had no idea that the ‘hitman’ he hired was actually an undercover cop. A 22-year-old man was born to rich parents but claims that they didn’t give him money. Itching to get his inheritance sooner, he decided to hire a hitman to kill both his parents and his 10-year-old sister in Sochi, Russia. He finally found a hitman and promised to pay him a hefty sum if he’d successfully kill his family. He detailed how and where his family should be murdered, drawing up a floor plan that showed where the cameras were placed and how to avoid guard dogs. Little did he know, the “hitman” he was talking to was actually an undercover policeman. Upon learning of their son’s treacherous plan, both parents were devastated. They couldn’t believe that their son would plan such a thing but later agreed to fake their own deaths. Using fake blood and fake “fatal” wounds from a knife, the killer took pictures of their “deaths” and showed it to the man. The policeman claimed the man was “de...

Con-Com inirekomenda ang pagbuo ng federal-presidential government system

Inirekomenda ng binuo ni Pangulong Rodrigo Duterte na Consultative Committee (Con-Com) ang pagbuo ng federal-presidential system bilang porma ng ating pamahalaan alinsunod sa charter change. Siyam ang bumoto para sa pag-adoft ng federal-presidential system, isa ang bumoto para sa parliamentary system samantalang walo naman para sa hybrid semi-presidential system. Dalawang miyembro naman ng Con-Com ang absent sa ginanap na walong oras na sesyon. Ayon sa Con-Com rules, kailang ang sampung mga boto para makabuo ng majority votes ng mga kasapi nito maliban na lamang kung may mga lumiban sa mismong araw ng botohan. “We cannot afford a system where we see too many parts of the body that we have yet to capture,” ayon kay Retired Chief Justice Reynato Puno na siyang pinuno ng binuong komisyon. Sa ilalim ng federal-presidential system, ang pamahalaan ay pamumunuan ng pangulo, pangalawang pangulo kabilang rin dito ang executive, legislative at judiciary. Magkakaroon din ito ng federal ...

Selfless PUJ Driver Returns Fare Money of a Young Boy Who Didn’t Have Enough in His Pockets

Gambar
–> The driver’s selfless act was lauded by netizens after learning of their story in social media. In the Philippines, working as a taxi or jeepney driver does not yield much income. Yet, many drivers have no choice as they have to survive in a poverty-stricken developing country such as the Philippines. To make things harder, many drivers fall victim to criminals, and sometimes, even passengers get off without paying. While others would refuse to let penniless people ride, this driver returned the money of a young boy who didn’t have enough fare money. Jonee Cañada was lucky to witness such a touching scene inside a PUJ that was en route Calamba – Biñan Hiway. A young boy was about to get on the jeep, but approached the driver first. But before getting on the jeep, the boy, who apparently went to Parian Elementary School, showed the driver his 5-peso coin: “kuya eto lang po pamasahe ko”. (Sir, this is the only money I have for fare.) “O ‘yan lang ba? O siya, sakay ka ...

Malacañang: Duterte walang balak na maging unli ang termino

Hindi gagayahin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang hakbang ng Chinese Communist Party na palawigin pa ang termino ni Chinese President Xi Jinping. Ito ay kahit na matalik na magkaibigan sina Duterte at Xi Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, malinaw ang paninindigan ni Pangulong Duterte na agad na siyang bababa sa puwesto kapag natapos na ang kanyang termino sa 2022. Katunayan kapag naisulong na ang Federalism ay bababa na ang pangulo bago pa man ang nakatakdang pagtatapos ng kanyang termino. Ayon kay Roque, panloob na usapin ang term extension ni Xi kung kaya hindi na makikialam ang Pilipinas Nahalal si Xi noong 2013 at matatapos ang kanyang termino sa 2023. Pero sa hirit ng kanyang partido ay dapat na umano ng alisin ang term limit sa kanilang pangulo. Source link The post Malacañang: Duterte walang balak na maging unli ang termino appeared first on - News Portal Philippines .

Teacher from Ghana Uses a Blackboard to Teach His Students Microsoft Word

Gambar
–> Because they have no access to computers in the area, the teacher improvised and drew Microsoft Word on the blackboard instead.   In many parts of the world, many schools are not as privileged as American and first-world countries are. While first-world schools have massive libraries at the disposal of students, some countries barely have books to teach children with. A teacher tries hard to make IT easy for pupils. He draws virtually everything on the board because there are no computers. pic.twitter.com/dY0bZFMzn8 — I LOVE GHANA Follow Back (@irepghana) February 19, 2018 =–> width=”560″ height=”315″ style=”border:none;overflow:hidden” scrolling=”no” frameborder=”0″ allowTransparency=”true” allowFullScreen=”true”> Fortunately, there are teachers who would do anything and everything just to give their students the education they deserve. One teacher from Ghana received much praise after photos of him teaching his students about Microsoft Word went viral. ...