PAO at PGH pinayuhan ng Malacañang na magkaisa kaugnay sa Dengvaxia controversy

Nanawagan ang Malacañang sa iba’t ibang sangay ng pamahalaan na magkaisa para masigurong mabibigyan ng katarungan ang mga batang naturukan ng Dengvaxia anti-dengue vaccine.

Pahayag ito ng Palasyo sa gitna ng iringan sa pagitan ng Public Attorney’s Office at University of the Philippines-Philippine General Hospital dahil sa magkaibang autopsy report sa mga bangay na hinihinalang nabiktima ng naturang bakuna.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, mahalaga na ipagpatuloy ang fact-finding at imbestigasyon kapag nagsampa ng kasong kriminal ang gobyerno laban sa kumpanyang Sanofi Pasteur na siyang manufacturer ng Dengvaxia iba pang responsable sa kontrobersiya… ay magiging proof beyond reasonable doubt ang resulta.

Iginiit ni Roque na dapat na nagkakaisa ang gobyerno sa pagsusulong ng interes ng publiko.

Habang nagbabangayan aniya ang iba’t ibang sangay ng pamahalaan ay tiyak na natutuwa lamang ang multinational company na Sanofi Pasteur.

Dagdag ni Roque, dapat magkabit-bisig ang ang pamahalaan dahil aabot sa walong daang libong bata ang naturukan ng Dengvaxia vaccine kaya importang matiyak ang kaligtasan ng mga ito.

Source link

The post PAO at PGH pinayuhan ng Malacañang na magkaisa kaugnay sa Dengvaxia controversy appeared first on - News Portal Philippines.

Komentar

Postingan populer dari blog ini

Unbelievable Transformation of a Cute Young Boy into a Stunning Lady Wows Netizens

PlayGirls bashed Angel Locsin for misjudgment on PGT

Brave Cancer Survivor Shares Her Story on Social Media to Encourage Other Sufferers