P5-M halaga ng shabu nakumpiska sa raid sa motel sa Cebu

CEBU CITY – Tinatayang aabot sa p5 milyon na halaga ng pinaniniwalang shabu ang narekober ng mga tauhan ng Drug Enforcement Group (DEG) Visayas sa isinagawang buy bust operation sa isang motel sa lungsod ng Cebu kaninang madaling araw.

Ang subject ng operasyon ay kinilalang si Wlater Oliamot, 23, residente ng Sitio Gatepass, Brgy. Guadalupe, Cebu City.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cebu kay P/Supt. Glenn Ayam, hepe ng DEG Visayas, sinabi nito na mahigit tatlong buwan na nilang minamanmanan ang kanilang subject mula nang makatanggap sila ng impormasyon tungkol sa iligal na gawain nito.

Aniya, hinintay lang umano nilang dumating ang stocks mula sa hindi pa natukoy na supplier nito saka nila isinagawa ang operasyon.

Sinabi nito na isang bigtime distributor ang subject dahil hindi bababa sa 50 grams ang madi-dispose nito at malawak na rin ang kanyang area of distribution.

Samantala, hndi naman itinanggi ng suspek ang mga nakuhang kargamento sa kanya ngunit sinabi nitong napag-utusan lamang umano siya na i-deliver ito sa isang motel.

Isang nagngangalang Siao na nakakulong umano ngayon sa Cebu City Jail ang kanyang kontak kung mayroong delivery.

Nakuha sa posisyon nito ang mga malalaking pakete ng pinaghihinalaang shabu na may timbang na mahigit 400 grams.

Nasa kustodiya na ngayon ng Police Regional Office Region 7 ang subject habang inihahanda na ang kasong isasampa laban sa kanya.

Source link

The post P5-M halaga ng shabu nakumpiska sa raid sa motel sa Cebu appeared first on - News Portal Philippines.

Komentar

Postingan populer dari blog ini

Unbelievable Transformation of a Cute Young Boy into a Stunning Lady Wows Netizens

PlayGirls bashed Angel Locsin for misjudgment on PGT

Brave Cancer Survivor Shares Her Story on Social Media to Encourage Other Sufferers