Baclayon Church na nawasak ng lindol sa Bohol, muli nang binuksan
Muli nang binuksan ang La Purisima Concepcion de la Virgen Maria Parish na mas kilala bilang Baclayon church, na nawasak nang yanigin ng magnitude 7.2 na lindol ang Bohol noong 2013.
Pinangunahan ni National Historical Commission of the Philippines (NHCP) Chairman Rene Escalante ang seremonya sa simbahan na kakatapos lang sumailalim sa restoration.
Sinaksihan ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Gabriel Giordano Caccia ang inagurasyon at pag-turnover ng NHCP sa simbahan sa Diocese of Tagbilaran.
Kabilang rin sa mga naroon sa seremonya sina Cabinet Sec. Leoncio Evasco, Diocese of Tagbilaran Bishop Alberto Uy, Bohol Gov. Edgar Chatto at Rep. Art Yap.
Idineklara ng NHCP bilang isang Historical culturel value ang nasabing simbahan, na itinanghal rin na National Cultural Treasure ng National Museum.
Kabilang din ito sa UNESCO World Heritage Tentative List sa Pilipinas, dahil ang Baclayon church ay itinayo noon pang 1596.
Kung natapos na ang restoration sa Baclayon church, patuloy namang isinasaayos ang iba pang mga simbahang nawasak din ng lindol gaya ng Holy Trinity Chirch sa Laoy at Santa Cruz Parish Church sa Maribojoc.
The post Baclayon Church na nawasak ng lindol sa Bohol, muli nang binuksan appeared first on - News Portal Philippines.
Komentar
Posting Komentar