Foreign fishing at research sa Phl Rise, bawal; magkakagiyera tayo – Duterte

Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na walang banyagang papayagang makapangisda o magsagawa ng exploration sa Philippine Rise o Benham Rise.

Ginawa ni Pangulong Duterte ang pahayag sa kanyang pagbisita sa Marawi City para pangunahan ang inagurasyon ng Bahay Pag-asa Phase II.

Sinabi ni Pangulong Duterte, nagpadala na siya ng isang batalyon ng Philippine Marines para bantayan ang Philippine Rise na pag-aari ng Pilipinas.

Ayon kay Pangulong Duterte, walang papayagang banyagang mangingisda o researchers sa Philippine Rise hangga’t wala siyang pahintulot.

Nagbabala si Pangulong Duterte na magkakagiyera kung may magtatangkang dayuhan na magsasagawa ng pangingisda o scientific research sa nasabing teritoryong nasa loob ng extended continental shelf ng Pilipinas.

Ginawa ni Pangulong Duterte ang pahayag matapos umani ng batikos sa walang ginawang aksyon umano ng gobyerno sa pagbibigay pangalan ng China sa ilang undersea features sa Philippine Rise.

“Dito naman sa west side if you look at the map of the Philippines ‘yung right side is east your left side is west sa eastern ‘yung Philippine Rise, ‘yan atin talaga ‘yan may pinadala ako Marines isang battalion. Sinabi ko talaga walang mag-experiment na diyan hangga’t wala sila permiso galing sa akin but the Armed Forces will have to recommend it otherwise no I will not allow fishing, I will not magka-giyera tayo kung ano sa atin economic zone at territorial pati ‘yung,” ani Pangulong Duterte.

Source link

The post Foreign fishing at research sa Phl Rise, bawal; magkakagiyera tayo – Duterte appeared first on - News Portal Philippines.

Komentar

Postingan populer dari blog ini

Unbelievable Transformation of a Cute Young Boy into a Stunning Lady Wows Netizens

PlayGirls bashed Angel Locsin for misjudgment on PGT

Brave Cancer Survivor Shares Her Story on Social Media to Encourage Other Sufferers