Presidential federal government, iminungkahi sa Con-Com

 

Ipinanukala ni dating Senate president Nene Pimentel sa en banc session ng Consultative Committe (Con-Com) na nagsisiyasat sa 1987 Constitution ang pagpapatupad ng presidential federal form of government.

Sa ilalim nito, maliban sa kasalukuyang setup ng national government, magkakaroon ng individual federal states na may sari-sariling federal legislature at local governments.

Ihahalal sa pamamagitan ng national elections ang pangulo at pangalawang pangulo sa ilalim ng panukala ni Pimentel.

Gayunman, magkakaroon ng mas striktong kwalipikasyon sa mga maaring tumakbo bilang presidente at bise presidente.

Maliban kasi sa mga kasalukuyang kwalipikasyon, pawang ang dalawang pinakamataas na opisyal sa bansa ay dapat pawang mga “baccalaureate degree holders” mula sa mga kinikilalang kolehiyo o unibersidad ng gobyerno.

Sa kasaulukuyan kasing Saligang Batas, ang mga kwalipikasyon para sa pagiging presidente at bise presidente ay ang pagiging natural-born citizen ng Pilipinas, rehistradong botante, kayang magbasa at magsulat, hindi bababa sa 40 taong gulang pagsapit ng araw ng halalan, at residente ng Pilipinas sa loob ng 10 taon bago ang eleksyon.

Bagaman mananatili ang dalawang kapulungan ng Kongreso na Senado at Kamara de Representantes, ipinunto ni Pimentel na dapat katawanin ng anim na senador ang bawat estado, habang anim din sa Metro Manila at siyam naman na overseas senators.

Sa kabuuan, 87 ang ihahalal na senador sakaling maipatupad ang ganitong uri ng pamahalaan.

Mananatili rin ang Supreme Court, ayon kay Pimentel.

Samantala, tataas naman ang revenue shares ng Federal States at local government units.

Iminungkahi rin ni Pimentel na 80 percent ng kabuuang revenues ng bansa ay ilalaan sa mga states, habang ang 20 percent ay para sa federal government.

Ang nasabing pondong ilalaan para sa mga states ay mahahati sa dalawa; 70 percent dito ang ilalaan sa mga lalawigan, lungsod, munisipalidad, at barangay; habang ang nalalabing 30 percent ang mapupunta naman sa state government.

Source link

The post Presidential federal government, iminungkahi sa Con-Com appeared first on - News Portal Philippines.

Komentar

Postingan populer dari blog ini

Unbelievable Transformation of a Cute Young Boy into a Stunning Lady Wows Netizens

PlayGirls bashed Angel Locsin for misjudgment on PGT

Brave Cancer Survivor Shares Her Story on Social Media to Encourage Other Sufferers