Palasyo: Sana makapagnilay si Sereno sa kanyang ‘wellness leave’
Umaasa ang Malacañang na sasamantalahin ni Supreme Vourt (SC) Chief Justice Maria Lourdes Sereno ang kanyang “wellness leave” para magnilay sa gitna ng kinakaharap na hamon sa pagka-punong mahistrado.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, hangad nilang magsisilbing oportunidad ang pagkakataon kay Sereno para pagnilayan ang iiwang pamana sa SC at ikonsidera ang pinakamagandang desisyon para institusyong pinamumunuan.
Ayon kay Sec. Roque, kumpiyansa naman silang habang naka-leave si Sereno, hindi maaantala ang araw-araw na operasyon sa SC at magpapatuloy ang pagbibigay serbisyo
Kinikilala naman ng Malacañang na personal matter ang paghahain ni Sereno ng Sereno.
“The decision of Chief Justice Ma. Lourdes Sereno to file a wellness leave is a personal matter. We are confident that there would be no interruption on the day-to-day operations of the High Court and services would continue unhampered. As the Chief Justice takes her wellness leave, we hope she would take this as an opportunity to reflect on her time and legacy at the Supreme Court and to consider what would be best for the institution which she heads as top magistrate,” ani Sec. Roque.
The post Palasyo: Sana makapagnilay si Sereno sa kanyang ‘wellness leave’ appeared first on - News Portal Philippines.
Komentar
Posting Komentar