Sereno sa mga naghain ng impeachment complaint: ‘I will fight fairly and squarely’
Nanawagan ngayon si Supreme Court (SC) Chief Justice Maria Lourdes Sereno ng dasal at suporta sa kinakaharap nitong impeachment complaint na kasalukuyang tinatalakay sa Kamara.
Sa pagharap nito bilang keynote speaker sa 25th national convention of the Regional Trial Court Clerks of Court, sinabi ng punong mahistrado na gagamitin niya ang kanyang leave para makapaghanda sa impeachment trial kung umusad na sa Senado.
Ayon kay Sereno, lalaban siya ng patas hindi lamang para sa kanyang sarili kundi para sa buong hudikatura.
Kasabay nito, hinimok din niya ang mga kawani ng korte na pagpatuloy lamang nilang gampanan at tutukan ang kanilang trabaho.
“I need to prepare to fight the accusations againts me fairly and squarely, with honor, dignity and grace. I want to give you the assurance that while I will be taking a leave of absence, the ship of state of the judiciary remains on course,” wika ni Sereno.
Samantala, nakatakdang maglabas ang Supreme Court ng statement kaugnay ng mainit pa ring usapin sa pag-indefinite leave ni Sereno.
Ayon sa mga sources ng Bombo Radyo sa Korte Suprema, pinaikot na ang statement sa mga justices para mapirmahan.
Posible umanong naglalaman ito ng paglilinaw sa mga statement na inilabas ng kampo si Sereno kaugnay ng leave ng punong mahistrado na sinasabing wellness at indefinite leave.
Maalalang sa press conference na ipinatawag ng kampo ni Sereno, inamin ng kanyang tagapagsalita na si Atty. Julius Lacanilao na naka-indefinite leave nga ang punong mahistrado mula Marso 1 o bukas.
Ayon pa kay Atty. Lacanilao, dahil naka-indefinite leave daw si Sereno ay hindi pa niya alam kung kailan ito babalik sa trabaho pero nananatili siyang mahistrado ng Korte Suprema.
The post Sereno sa mga naghain ng impeachment complaint: ‘I will fight fairly and squarely’ appeared first on - News Portal Philippines.
Komentar
Posting Komentar