Mga estudyante ng Marjory Stoneman Douglas High School sa Florida, balik-eskwela na
Balik-eskwela na ang mga mag-aaral ng kontrobersyal na paaralan sa Florida kung saan naganap ang mass shooting na ikinasawi ng 17 katao.
Sa labas ng Marjory Stoneman Douglas High School ay nagtipun-tipon ang pamilya ng mga estudyanteng nakaligtas sa kahindik-hindik na massacre bilang suporta sa kanilang pagpasok.
Sinimulan na ang kalahating-araw na klase ng mga estudyante base sa nakatakda sa fourth period sa kurikulum.
Nasa 3,000 mga estudyante na karamihan ang may dala-dalang puting bulaklak ang nakapila kasama ang mga nakaunipormeng pulis upang pumasok sa paaralan.
Labing-pitong katao naman na nakasuot ng costume na pang-anghel ang ipinakita bilang magpaalala sa mga nakaligtas na may mga anghel na nagbabantay sa kanila.
Ang mga nakabihis na pang-anghel ay ilan sa mga nakaligtas naman sa nightclub shooting na naganap sa Orlando noong 2016 kung saan 49 ang namatay.
Samantala, hindi buong eskwelahan ang binuksan.
Mananatiling nakasara ang building kung saan nasawi ang 14 na estudyante at tatlong mga guro.
Ang mass shooting na ito sa eskwelahan sa Florida ay lalong nagpasidhi sa national debate sa Estados Unidos ukol sa gun owenership.
The post Mga estudyante ng Marjory Stoneman Douglas High School sa Florida, balik-eskwela na appeared first on - News Portal Philippines.
Komentar
Posting Komentar