Ilang bahagi ng Metro Manila at kalapit na lalawigan, nakaranas ng power interruption dahil sa kapos na suplay ng kuryente

Maraming lugar na sinesebisyuhan ng MERALCO ang nakaranas ng power interruption dahil sa kakulangan ng suplay ng kuryente.

Ayon sa MERALCO nagkaroon ng pansamantalang kakulangan sa suplay ng kuryente at tumagal ng 30 to 45 minutes ang naranasang interruption.

Sinabi ng MERACLO nakaranas sila ng Temporary System Imbalance dahil sa hindi inaasahang plant outage.

“Your power supply may have been affected by a Temporary System Imbalance due to a sudden plant outage and may last for 30-45 minutes. Please bear with us,” ayon sa post ng MERALCO sa twitter.

Kabilang sa mga nakaranas ng power interruption ang mga bahagi ng Caloocan City; Quezon City; Antipolo City; Tondo, Paco, Pandacan, at Sampaloc, Maynila; Norzagaray, Malolos, Baliwag, San Jose Del Monte sa Bulacan; at Batangas City base sa post ng mga apektadong netizens sa social media.

Ayon sa Meralco, as of 8:31AM ay restored na ang kuryente sa mga apektadong lugar at tumagal lang ng hanggang 45 minutes ang interruption.

Gayunman, ilang netizens ang nag-tweet at sinabing tumagal ng tatlong oras ang power interruption sa kanilang lugar.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Source link

The post Ilang bahagi ng Metro Manila at kalapit na lalawigan, nakaranas ng power interruption dahil sa kapos na suplay ng kuryente appeared first on - News Portal Philippines.

Komentar

Postingan populer dari blog ini

Unbelievable Transformation of a Cute Young Boy into a Stunning Lady Wows Netizens

PlayGirls bashed Angel Locsin for misjudgment on PGT

Brave Cancer Survivor Shares Her Story on Social Media to Encourage Other Sufferers