Marawi leaders kay Duterte: ‘Walang dapat ihingi ng tawad sa Marawi attack’

CAGAYAN DE ORO CITY – Pinanindigan ng ilang lider mula sa Maranao Muslims na walang dapat ihingi ng tawad si Pangulong Rodrigo Duterte sa nangyaring pagkasira ng Marawi City dahil umatake ang grupong Maute-ISIS noong Mayo 2017.

Ito ay matapos inulit ni Duterte ang paghingi nang pang-unawa at patawad mula sa Maranao-Muslims na naghihirap sa kanilang kalagayan dahil sa epekto ng mga pagkawala ng mga bahay at kabuhayan dahil sa giyera noong nakaraang taon.

Sinabi sa Bombo Radyo ni Lanao del Sur Vice Governor Mamintal “Bombit” Adiong, Jr. na hindi kasalanan ang ginawa na hakbang ni Duterte dahil unang-una walang may gusto na sakupin ng grupong ISIS ang kanilang lugar gamit ang pamilyang Maute.

Inihayag ni Adiong na kung mayroon man na dapat ihingi ng tawad ng Pangulo ay ang pagkawala lamang ng mga ari-arian ng kanilang mga kapatid na Maranao-Muslims na nakitira pansamantala sa shelters na ibinigay ng gobyerno.

Inamin ni Adiong na nalusutan talaga ang gobyerno dahil nagkunwari ang mga terorista na mga delegado ng dalawang malaking religious activities ng Islam kaya malayang nakapasok sa Marawi City noong taong 2017.

Magugunitang napatungo muli si Duterte sa Marawi City upang pangunahan ang inagurasyon sa Bahay Pag-asa para sa libu-libong internally displaced persons (IDPs).

Inulit ni Duterte na hindi ito galit sa kanyang mga kapatid na Maranao kaya humingi rin siya ng patawad dahil sa idinulot na danyos sa tinaguriang islamic city sa Mindanao.

Ito ang dahilan na hinakayat din ni Duterte ang kanyang mga kababayang Maranao na huwag nang papasuking muli ang mga banyagang terorista upang maiwasan ang pagsiklab muli ng kaguluhan sa Marawi City.

Source link

The post Marawi leaders kay Duterte: ‘Walang dapat ihingi ng tawad sa Marawi attack’ appeared first on - News Portal Philippines.

Komentar

Postingan populer dari blog ini

Unbelievable Transformation of a Cute Young Boy into a Stunning Lady Wows Netizens

PlayGirls bashed Angel Locsin for misjudgment on PGT

Brave Cancer Survivor Shares Her Story on Social Media to Encourage Other Sufferers