Kampo ni Sereno, iginiit na nagbayad siya ng tamang buwis sa BIR

 

Naglabas ng paglilinaw ang kampo ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno kaugnay ng umano’y utang na buwis niya sa Bureau of Internal Revenue (BIR) dahil sa mga kinita bilang abogado ng Philippine International Air Terminals Co. Inc. (PIATCO).

Ayon kasi sa BIR, posibleng mapatawan ng anim na counts ng tax violation si Sereno matapos nilang maimbestigahan na may nasa P2 milyong halaga tax discrepancies sa kinita nito mula 2005 hanggang 2009.

Pero ayon sa kampo ni Sereno, nagbayad si Sereno ng kabuuang P8.67 milyon para sa mga kinita niya sa loob ng nasabing panahon.

Wala rin anilang natanggap si Sereno na kahit anong notice o liham mula sa BIR para tawagin ang kaniyang atensyon tungkol sa mga inihain niyang income tax returns para sa nabanggit na panahon.

Ito anila ay nangangahulugan na walang katotohanan ang sinasabing umano’y discrepancy sa mga ITR ni Sereno na inihain niya walo hanggang 13 taon na ang nakalilipas.

Base sa resulta ng imbestigasyon ng BIR, kabuuang P2,014,223.20 na may kasamang interes at surcharges ang tax discrepancies sa mga natanggap na legal fees ni Sereno.

Source link

The post Kampo ni Sereno, iginiit na nagbayad siya ng tamang buwis sa BIR appeared first on - News Portal Philippines.

Komentar

Postingan populer dari blog ini

Unbelievable Transformation of a Cute Young Boy into a Stunning Lady Wows Netizens

PlayGirls bashed Angel Locsin for misjudgment on PGT

Brave Cancer Survivor Shares Her Story on Social Media to Encourage Other Sufferers