89 estudyante ng Olongapo High School, nahilo dahil sa ammonia leak
Umaabot sa 89 na mag-aaral ng Olongapo City National High School ang nadala sa ospital matapos makalanghap ng kemikal na ammonia Martes ng hapon.
Agad na nirespondehan ng mga emergency rescue teams at dinala sa ospital ang mga mag-aaral matapos magreklamo ng pananakit ng dibdib, hirap ng paghinga at pagsusuka.
Ilan naman sa mga estudyante ang nadala rin sa ospital matapos masaktan sa panic na idinulot ng insidente.
Matapos malapatan ng paunang lunas, pinayagan namang makauwi ang mga estudyante ng mga doctor.
Ayon sa imbestigasyon ng Olongapo City Police Office, lumitaw na nagkaroon ng leak sa isang ice plant na malapit sa paaralan.
Dahil dito, nalanghap ng mga estudyante ang amoy ng tumagas na ammonia na ginagamit sa paggawa ng yelo.
Ayon kay Olongapo city Mayor Rolen Paulino, suspendido muna ang klase sa Olongapo City National High School ngayong araw upang maisagawa muna ang paglilinis sa paaralan.
The post 89 estudyante ng Olongapo High School, nahilo dahil sa ammonia leak appeared first on - News Portal Philippines.
Komentar
Posting Komentar