Postingan

Menampilkan postingan dari Desember, 2017

New Year’s message ni Kim Jong-un: Buong USA, kayang sakupin ng Nuclear Weapons ng NoKor

May kakayahan ang North Korea na targetin ng kanilang nuclear weapons ang buong mainland ng Estados Unidos. Ito ang nilalaman ng New Year’s message ni North Korean leader Kim Jong-un. Ayon kay Kim, hinding-hindi kakayanin ng US na magsimula ng giyera laban sa NoKor. Ani Kim, ang buton para sa nuclear weapons ng NoKor at nasa kaniya lamang lamesa at kayang-kaya nitong targetin ang buong US. “The entire United States is within range of our nuclear weapons, and a nuclear button is always on my desk. This is reality, not a threat,” ayon kay Kim sa kaniyang New Year’s Day speech. Ngayong taong 2018, sinabi ni Kim na mas sesentro pa sila sa mass producing ng nuclear warheads at ballistic missiles para sa operational deployment. Nilinaw naman ni Kim na gagamitin lamang nila ang mga ito kapag may banta sa seguridad. Kabilang naman sa binanggit ni Kim ang posibilidad na magpadala siya ng delegasyon sa gaganapin na Winter Olympics Games sa Pyeongchang, South Korea sa Pebrero. Oportunidad...

2 patay, 16 sugatan sa pagsabog na naganap sa Maguindanao

Patay ang dalawa katao habang sugatan ang labing anim na iba sa pagsabog ng isang improvised explosive device (IED) sa loob ng isang tricycle sa Sultan Kudarat. Ayon kay Senior Supt. Raul Supiter, Sultan Kudarat police director, naganap ang pagsabog bandang 11:05 ng gabi sa kahabaan ng national highway sa Barangay Buenaflor, Tacurong City. Sumabog ang IED sa loob ng umaandar na tricycle na patungo sana sa Isulan, Sultan Kudarat. Kinilala ang mga nasawi sa pagsabog na sina Dominador Datahan ng Barangay New Isabela, at ang kanyang pasahero na si Aladin Laguiab, residente sa bayan ng Datu Abdullah Sangki sa Maguindanao. Sugatan naman ang isa pang pasahero kasama ang labinglimang iba pa sa naturang pagsabog. Inaalam pa ngayon ng mga imbestigador kung ang mga pasahero ang may dala ng sumabog na bomba.                     Source link The post 2 patay, 16 sugatan sa pagsabog na naganap sa Maguindanao appeared first on - News P...

25 katao sugatan sa palyadong paputok sa Pangasinan

Dalawampu’t limang katao ang nasugatan matapos masabugan ng palyadong paputok sa kasagsagan ng pagsalubong sa bagong taon sa Dagupan, Pangasinan. Ang mga biktima ay nagtamo ng mga sugat sa ibat ibang bahagi ng kanilang katawan. Nabatid na magsasagawa sana ng fireworks display sa lugar pero pumalpak ito. Imbes na lumipad at pumutok paitaas ay biglang sumabog ang paputok habang nasa ibaba pa. Kasama sa mga tinamaan ay mga bata at mga matatanda na nanonood sa fireworks. Pinauwi naman na ang mga biktima matapos malapatan ng lunas sa ospital.           Source link The post 25 katao sugatan sa palyadong paputok sa Pangasinan appeared first on - News Portal Philippines .

‘191 firecracker related cases; lowest in 5 yrs’ – DoH

Pinakamababa na sa nakalipas na limang taon ang recorded firecracker injuries sa sa pagsalubong sa taong 2018. Ito ang malugod na ibinalita ni Health Sec. Francisco Duque III, na itinuturing niyang tagumpay ng gobyerno at ilang pribadong sektor, sa tulong ng media. Sa talaan ng DoH, 77 percent na mas mababa umano ang 191 cases na kanilang nai-record mula noong Disyembre 21, 2017. Pinakamarami pa rin sa mga naputukan ay mula sa Metro Manila, na may 115 cases o katumbas ng 60 percent. Kasunod dito ang Western Visayas na may 15 cases. Habang pare-parehong may 13 kaso sa Central Luzon, Calabarzon at Bicol region. Sa Metro Manila, nangunguna ang Maynila na may 63 injuries, sinusundan ng Quezon City na may 14, pangatlo ang Pasig City na may 11 at anim naman mula sa Valenzuela. Inaasahang madadagdagan pa ang naturang data, lalo’t ilang report ang hindi nakahabol sa cut off time ng DoH ngayong araw. Source link The post ‘191 firecracker related cases; lowest in 5 yrs’ – DoH appeared ...

191, naitalang firecracker related injuries sa pagsalubong ng 2018; 68% na mas mababa ayon sa DOH

Umabot sa 191 ang naitalang firecracker related injuries ng Department of Health (DOH) sa pagsalubong sa taong 2018. Ang nasabing bilang ay naitala ng DOH mula noongDecember 21, 2017 hanggang umaga ng January 1, 2018. Kung ikukumpara sa nakalipas na taon sa parehong period, bumaba ng 68 percent ang naitala ng ahensya na mga naputukan. Ayon kay Health Sec. Francisco Duque, ito na rin ang maituturing na pinakamababa na kaso sa nakalipas ng limang taon o mula 2012 hanggang 2016. Wala naman naitala ang ahensya na casualties at fireworks ingestion maliban na lang sa isang kaso ng stray bullet sa Caloocan City na kinumpirma ng Philippine National Police. Karamihan sa mga naputukan na naitala ng DOH ay galing sa National Capital Region na binubuo ng 115 na kaso o katumbas ng 60%. Sinundan ng Western Visayas na may 15, Central Luzon, CALABARZON at Bicol Region na may tig-13 kaso. Mayorya naman sa mga naging biktima ang lalaki na nasa 84% habang 64% o katumabas ng 123 kaso ay active use...

Trillanes pinagbabayad ng P6.6M para sa paninira sa pamilyang Duterte

Sinuportahan ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang naging hakbang ng kaniyang asawa at kapatid na pagsasampa ng kasong sibil laban kay Senador Antonio ‘Sonny’ Trillanes IV. Ayon sa Alkalde, panahon na para kumilos laban sa ginagawang paninira ni Trillanes sa kanilang pamilya. Ipinagkibit-balikat lamang ni Mayor Sara ang pahayag ni Trillanes na isa itong uri ng harassment dahil ang senador aniya ang nauna kaya’t sumasagot lamang sila sa mga ginagawa nito. Humihingi ng danyos na P6.6 milyon si Davao City Vice Mayor on leave Paolo ‘Pulong’ Duterte at bayaw nitong si Atty. Manases ‘Mans’ Carpio sa kasong sibil na isinampa nila laban sa senador. Nag-ugat ang reklamo ng magbayaw sa panayam sa senador ng isang istasyon ng radyo sa Cebu City noong buwan ng Setyembre, kung saan inakusahan sila na nakipagkutsabahan umano sa director ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Region 7 na si Ahmed Cuison para kotongan ang Uber kapalit ng kanilang prangkisa sa rehiyon...

Malamig na temperatura, naitala sa Baguio City sa unang araw ng 2018 – PAGASA

Nakapagtala ng malamig na temperatura sa Baguio City sa unang araw ng taong 2018. Ayon sa PAGASA, sa kanilang monitoring, 12.2 degrees Celsius ang naitala sa Baguio City alas 6:00 ng umaga ng January 1. Mas malamig ito kung ikukumpara sa 12.4 degrees Celsius na naitala kahapon sa lungsod. Pero ayon sa PAGASA, ngayong holiday season, pinakamalamig na naitalang temperature sa Baguio City ay noong December 16, 2017 alas 5:00 ng umaga na umabot sa 11.5 degrees Celsius. Samantala, sa Metro Manila, nakapagtala ng malamig na 21.1 degrees Celsius alas 6:00 ng umaga. Noon ding December 16 naitala ang pinakamababang temperature sa Metro Manila ngayong holiday season na umabot sa 21.0 degrees Celsius.                 Source link The post Malamig na temperatura, naitala sa Baguio City sa unang araw ng 2018 – PAGASA appeared first on - News Portal Philippines .

25 sugatan sa pumalpak na fireworks display sa Dagupan City

DAGUPAN CITY – Sugatan ang 25 katao matapos masabugan ng pumalyang paputok na sinindihan para sana sa pagdiriwang ng New Year’s eve sa Brgy. Calmay sa lungsod ng Dagupan. Isinugod sa ospital ang mga biktima matapos silang magtamo ng sugat mula sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan dahil na rin sa sumablay na fireworks display. Ayon sa mga otoridad, isasagawa sana noon ang fireworks display bilang bahagi ng selebrasyon sa pagsalubong sa bagong taon, ngunit pumalpak umano ito. Taliwas sa inaasahan ng mga manonood na lilipad at puputok ito paitaas ay bigla na lamang umano itong sumabog sa baba o kaya sa kinalalagyan. Dahil dito, tinamaan ang 25 bilang ng mga indibidwal na noon ay nanonood lamang. Kabilang sa mga biktima ay mga bata, matatanda at ilang mga kalalakihan. Agad namang dinala ang mga ito sa pagamutan upang lapatan ng paunang lunas na ngayon ay nasa mabuti ng kalagayan. Nasa 24 din ang pinayagan ng makauwi sa kani-kanilang mga tahanan habang patuloy pang inoobserbahan...

Mindanao, todo na ang paghahanda sa pananalasa ng panibagong bagyo

Hindi pa man nakakabangon sa pananalasa ng Tropical Storm Vinta, naghahanda muli ang Mindanao sa panibagong bagyo na patuloy na lumalapit sa rehiyon. Ayon kay Lanao del Norte Gov. Imelda Dimaporo, noong nakaraang Sabado pa lamang ay lumikas na ang mga residente sa bayan ng Kolambugan at Tubod sa ilang evacuation centers dahil sa patuloy na pagtaas ng tubig sa kanilang lugar. Ang nasabing mga bayan ay kabilang sa mga lugar na malubhang naapektuhan ng bagyong Vinta noong nakaraang linggo. Sinabi naman ni Abeliza Manzano, disaster management officer ng Lanao del Norte, hindi pa niya maibibigay ang eksaktong bilang ng mga evacuee dahil tinutugunan din nila nasa 1,797 na pamilya mula sa apat na bayan na lumikas din dahil sa pananalasa ng bagyong Vinta. Naka-standby na aniya ang mga heavy equipments mula sa provincial engineering office, Department of Public Works and Highways, at Army engineers sakaling kailanganin. Naglunsad na din ng rescue operations sa ilang barangay kabilang na an...

Low pressure, magla-landfall mamaya sa Eastern Visayas at Mindanao – Pagasa

Asahan ang landfall ng binabantayang low pressure area (LPA) sa pagitan ng Eastern Visayas at Caraga region ngayong araw. Ayon kay Pagasa forecaster Shiela Reyes, huling namataan ang namumuong sama ng panahon sa layong 454 kilometro sa silangan ng Surigao City, Surigao del Norte. Malaki rin ang tyansa nitong maging bagyo kapag nakatawid na sa […] The post Low pressure, magla-landfall mamaya sa Eastern Visayas at Mindanao – Pagasa appeared first on Bombo Radyo Philippines . Source link The post Low pressure, magla-landfall mamaya sa Eastern Visayas at Mindanao – Pagasa appeared first on - News Portal Philippines .

12 ang patay kabilang ang isang buong pamilya sa plane crash sa Costa Rica

Patay ang labingdalawang katao sa pagbagsak ng isang mallit na eroplano sa northwest ng Costa Rica. Kabilang sa nasawi ang limang miyembro ng isang pamilya na pawang American tourists. Sakay ng eroplano ang 10 turista mula Amerika at dalawa crew nang ito ay bumagsak sa bulubunduking bahagi ng Guanacaste, Costa Rica. Lima sa mga nasawi ay ang mag-anak na sina Bruce, Irene, Matthew, William at Zachary Steinberg. Ang iba pang biktima ay sina Thibault Astruc, Amanda Geissler, Charles Palmer, Leslie Weiss, Sherry Wuu at ang mga piloto na sina Emma Ramos at Juan Manuel Retana. Sa larawan mula sa Public Safety Ministry ng Costa Rica, halos hindi na makilala ang eroplano at tanging sunog na mga bahagi na lamang nito ang makikita sa crash site. Patungo sana sa Juan Santamaria International Airport ang eroplano nang ito ay mag-crash.                             Source link The post 12 ang patay kabilang a...

Pulis na madadawit sa indiscriminate firing, ‘di kukunsintihin; posibleng sibakin sa serbisyo – PNP

Binigyang-diin ng PNP na hindi umano nila papalusutin ang kanilang mga miyembrong mapapatunayang sangkot sa indiscriminate firing. Ayon kay PNP spokesperson C/Supt. Dionardo Carlos, kanilang kakasuhan ang sinumang pulis na lalabag sa direktiba ni PNP chief Ronald dela Rosa na nagbabawal sa iligal na pagpapaputok ng kanilang mga baril. Malaki rin aniya ang posibilidad na madi-dismiss sa serbisyo ang sinumang pulis na susuway sa nasabing kautusan. Binanggit din ng opisyal na nagpatupad sila ng one-strike policy sa mga ground commanders na hindi magagawang maresolba ang mga kaso ng stray bullets sa kanilang nasasakupan sa loob ng 24 oras. Una rito, napaulat na may pulis umanong nagpaputok ng kanyang baril noong bisperas ng Bagong Taon sa may bahagi ng lungsod ng Las Piñas. Samantala, sinabi naman ni Carlos na hinihintay pa rin nila ang mga updates tungkol sa mga firecracker-related incidents. Aniya, kanila pang inaabangan ang mga datos na manggagaling sa Department of Health. Sa mg...

LOOK: Mga kanseladong flight ngayong araw dahil sa sama ng panahon

Sa unang araw ng taong 2018, may mga kanseladong biyahe ng eroplano dahil sa sama ng panahon. Sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA), kanselado ang ilang flights sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Kabilang dito ang flights 2P 2921 at 2922 na biyaheng Manila – Legazpi – Manila ng PAL Express. Ayon sa PAGASA, dahil sa extension ng Low Pressure Area (LPA), kabilang ang Bicol Region sa makararanas ng kalat-kalat na pag-ulan ngayong araw. Pinayuhan naman ng MIAA ang mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa airline company para sa rebooking ng flight o refund ng pamasahe.                   Source link The post LOOK: Mga kanseladong flight ngayong araw dahil sa sama ng panahon appeared first on - News Portal Philippines .

Dose-dosenang biktima ng paputok, stray bullet, mga sunog, naitala sa pagsalubong sa 2018

Kabila-kabilang biktima pa rin ng firecracker related cases ang naitala sa iba’t-ibang bahagi ng Metro Manila at mga lalawigan, kahit mahigpit ang pagbabawal ng mga lokal na pamahalaan. Sa East Avenue Medical Center pa lang ay 14 na ang naputukan sa nakalipas lang na magdamag. Nasa 12 sa mga biktima ay pawang kalalakihan, habang dalawa sa kanila ay mga babae. Isa sa mga isinugod dito ay natutulog lang nang matamaan ng paputok. Sa Jose Reyes Memorial Medical Center, naman ay may ilang tinamaan ng bala. Isa sa kanila ay 10-anyos na pinaniniwalaang biktima ng stray bullet, habang ang isa pa ay 27-anyos na may multiple gunshot wound. Ayon kay Dr. Mark Anthony Arias, kapit-bahay lang ng 10 taong gulang na bata ang nagdala rito sa kanilang pagamutan. Makikita umano sa trajectory ng bala na tumama muna ito sa may braso, bago tumagos sa dibdib, saka tumama sa atay. Maliban sa stray bullet victim, 16 na iba pa ang dinala rin dito dahil sa tama ng paputok. Sa lungsod ng Marikina, 17 ang...

6 na sunog naitala sa Metro Manila sa magdamag; 1 ang patay

Anim na magkakasunod na sunog ang sumiklab sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila sa kasagsagan ng pagsalubong sa Bagong Taon. Patay ang isang lalaki matapos hindi makalabas sa nasunog na residential area sa Caniogan, Pasig City. Kinilala ang biktima na si Elmer Lanora, 58 anyos, may sakit at naiwang mag-isa lang sa bahay. Sumiklab ang sunog bago ang salubong sa Bagong Taon na iniakyat sa 4th alarm. Dahil gawa sa light materials, gumapang ang apoy sa magkakatabi na bahay kung saan 15 bahay ang natupok at aabot sa 30 pamilya ang naapektuhan. Tinatayang nmang nasa P2 milyon ang halaga ng mga ari-arian na nasunog. Sa inisyal na imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection hindi naman paputok ang pinagmulan ng sunog gayunman, hindi nila isinasantabi ang angulo na ito. Samantala, kambal na sunog naman ang sumiklab sa Maynila sa kasagsagan ng pagsalubong sa Bagong Taon. Nilamon ng apoy ang isang unit ng commercial building sa Alvarado St. Binondo, Manila makaraan umanong tamaan ng firew...

Binabantayang LPA ng PAGASA nagpapatuloy sa paglapit sa Mindanao

Patuloy na binabagtas ng binabantayang low pressure area (LPA) ng PAGASA ang direksyong kanluran papalapit sa kalupaan ng Mindanao. Sa huling abiso ng PAGASA, huling namataan ang LPA sa layong 545km silangan ng Surigao City sa Surigao del Norte. Inaasahang ngayong araw ay mas lalakas pa ito magiging isang ganap na bagyo at tatawaging Agaton. Magdadala ito ng maulap na kalangitan na may panaka-naka hanggang malawakang pag-uulan at thunderstorms sa Visayas region, CARAGA, at Northern Mindanao. Asahan naman ang panaka-nakang pag-ulan na may kasamang pagkulog at pagkidlat sa Bicol region at natitirang bahagi ng Mindanao. Dahil dito ay mayroong mga posibilidad ng flash floods at landslides sa mga nabanggit na lugar. Samantala, kaunting pag-uulan naman ang mararanasan sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Aurora, probinsya ng Quezon, at Metro Manila, dulot ng nararanasang northeast monsoon o hanging amihan.           Source link The post Bin...

Duterte, nanawagan ng pagkakaisa ng mga Filipino para sa 2018

Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga Filipino na magkaisa upang malampasan ang kinahaharap na mga suliranin sa pagpasok ng bagong taon. Umaasa ang pangulo na ang kooperasyon ng bawat isa ay magiging susi upang maipagpatuloy ang mga nasimulan nang pagbabago sa nakalipas na taon. Anya, marami ang balakid upang matamo ang pag-unlad tulad ng kriminalidad, korapsyon at iligal na droga. Gayunpaman, ang katatagan anya ng mga mamamayan ay magbibigay daan upang malampasan ang mga ito bilang isang bansa. Nanawagan siyang salubungin ng bawat isa ang bagong taon ng may bagong pag-asa at manatiling determinado sa pagkamit sa inaasam na mas magandang bukas. Tinawag naman ni Duterte ang taong 2017 na “Year of Sorrow” o taon ng pighati dahil sa sunud-sunod na mga trahedyang dulot ng kalamidad at gawa ng tao. Umaasa ang presidente na bibigyan ng Diyos ang bansa ng panibagong simula ngayong 2018. Source link The post Duterte, nanawagan ng pagkakaisa ng mga Filipino para sa 2018 appeared...

Bilang ng mga bilanggo umakyat ng mahigit 500% dahil sa drug war

Mahigit limang daang porsyento ang itinaas sa bilang ng mga bilanggo dahil sa kampanya ng pamahalaan laban sa iligal na droga, ayon sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP). Sa datos ng BJMP, bago manungkulan sa pwesto si Pangulong Rodrigo Duterte ay nasa 110,000 na mga bilanggo ang nakapiit sa iba’t ibang detention facilities ng bansa. Ngunit sa pagtatapos ng 2017 ay nasa 149,003 na ang mga bilanggo sa buong bansa. Pinakamarami ang nakapiit sa Manila City Jail na mayroong 5,798 inmates, sinundan ito ng Cebu City Jail sa bilang na 4,995, at Davao City Jail na mayroon namang 3,348. Mula sa naturang kabuuang bilang ng mga bilanggo ay 106,434 dito ay dahil sa kaso tungkol sa iligal na droga. Ang natira naman ay dahil sa iba’t ibang mga kaso kagaya ng murder, robbery, at physical injuries. Isa sa ipinag-aalala ng BJMP ay ang kakulangan nila sa tauhan dahil mayroon lamang itong 12,200 na mga opisyal. Ayon sa tagapagsalita ng BJMP na si Senior Inspector Xavier Solda, pangunahin...

1 patay, 5 sugatan sa pagpapasabog sa Maguindanao

Agad na ikinamatay ng isang pulis at ikinasugat ng limang iba pa ang pagsabog na naganap sa Shariff Aguak sa Maguindanao. Kinilala ang biktima na si SPO4 Max Kaibat, habang ang mga sugatan naman ay sina 03 Jalison Abdullah, P01 Archie Ansare Amelista, Ricardo Almonia, P01 Alimodin Nuphay, at P01 Zainoden Abdullah. Lahat sila ay mga kawani ng Shariff Aguak Municipal Police Office. Ayon sa imbestigasyon ng mga otoridad, nagsasagawa ng mobile patrol ang mga biktima nang matamaan ng pampasabog ang kanilang sasakyan. Kasalukuyang nagpapagamot ang mga sugatan sa Maguindanao Integrated Provinicial Hospital. Samantala, patuloy pa ang clearing operations at imbestigasyon na sinasagawa ng mga otoridad. Pinaniniwalaang mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang nasa likod ng pagpapasabog. Source link The post 1 patay, 5 sugatan sa pagpapasabog sa Maguindanao appeared first on - News Portal Philippines .

18 katao na sugatan dahil sa paputok, naitala sa Central Mindanao ayon sa DOH

Nadagdagan ang bilang ng mga nasugutan dahil sa paputok ayon sa Department of Health. Hindi bababa sa labing walo katao ang sugatan matapos maputukan sa Central Mindanao. Ayon kay Jenny Ventura, focal person ng “Iwas Paputok” program ng DOH sa Region 12, karamihan sa mga nasugutan ay mga bata. Batay sa kanilang monitoring na nagsimula noong December 21, naitala ang pinakamataas na bilang ng firecracker-related injuries sa South Cotabato. Una nang nagpaalala ang DOH sa publiko na iwasan na ang pagpapaputok, at gawing simple at mapayapa ang pagsalubong sa Bagong Taon. Source link The post 18 katao na sugatan dahil sa paputok, naitala sa Central Mindanao ayon sa DOH appeared first on - News Portal Philippines .

‘Firecracker injuries bumaba ng 40% sa katulad na panahoon noong 2016’ – PNP

Bumaba ng 40 porsiyento ang kaso ng firecracker related injuries ngayong taon. Ito ay batay sa datos ng Philippine National Police (PNP) kasama ang Department of Health (DOH). Ayon kay PNP spokesperson C/Supt. Dionardo Carlos, umaasa ang pambansang pulisya na tatalima ang publiko sa panawagan na huwag ng magpaputok. Layon nito para maging ligtas ang pagdiriwang at pagsalubong sa bagong taon para maiwasan na rin na magkaroon ng casualties na sanhi ng mga paputok. Sinabi ni Carlos na mula December 21-29, 2017 nasa kabuuang 72 firecrackers related injuires na ang naiulat kung saan 40 percent o 48 cases na mababa kumpara nuong nakaraang taon. Samantala, nasa 14 na indibidwal na ang naaresto dahil sa iligal na pagbebenta ng mga paputok habang nasa P14,230 na halaga ng mga illegal firecrackers ang nakumpiska ng PNP. Sa kaso naman ng illegal discharge of firearms, siyam na katao ang naaresto, lima rito ay mga sibilyan, isang security guard, at isang government official. Wala namang nai...

Binabantayang bagyo ng PAGASA babagtasin ang Mindanao bukas

Habang binabagtas ng binabantayang low pressure area (LPA) ng PAGASA ang Mindanao sa mismong araw ng bagong taon ay inaasahan naman itong magiging isang ganap na bagyo na tatawaging Agaton. Sa huling abiso ng weather bureau, huling namataan ang LPA sa layong 850km silangan ng Surigao City sa Surigao del Norte. At sa araw ng bukas ay posible itong maging isang tropical depression. Inaasahang magdadala ito ng katamtaman hanggang sa mabigat na mga pag-uulan, na maaaring magdulot ng flash floods at landslides. Samantala, magdadala naman ng paminsan hanggang sa madalas na mga pag-uulan sa Eastern Visayas ang tail-end of a cold front. Source link The post Binabantayang bagyo ng PAGASA babagtasin ang Mindanao bukas appeared first on - News Portal Philippines .

DoH handa sa ‘worst case scenario’; positibong bababa firecracker related cases

Tiniyak ni Health Sec. Francisco Duque III na hindi sila nagbaba ng preparasyon sa kabila nang mababang bilang ng mga napuputukan. Ayon kay Duque, naghanda sila para sa worst case scenario, bagama’t positibo ang pag-asang mas mababa ang maitatalang biktima ng paputok. Giit ng opisyal, hindi na baleng maging sobrang handa kaysa kapusin ng tulong ang biglaang mangangailangan ng medical attention. Sa besperas ng bagong taon, nakapagtala ang DoH ng 86 firecracker injuries, kung sisimulan ang bilang mula noong Disyembre 21, 2017. Lubhang malayo umano ito sa 162 cases na nai-record noong Disyembre 31, 2016. Nasa 44 sa mga biktima ay nagmula sa National Capital Region (NCR). Karamihan sa mga naputukan ay kalalakihan. Habang 74 percent ng injuries ay bunga ng paggamit ng iligal na uri ng firecracker na piccolo. Source link The post DoH handa sa ‘worst case scenario’; positibong bababa firecracker related cases appeared first on - News Portal Philippines .

Nadine Lustre nagbakasyon sa Bohol

Masayang nagre-relax ngayong holiday season si Nadine Lustre sa Eskaya Beach Resort sa Bohol, kung saan kasama niya ang kanyang boyfriend na si James Reid. Sa magkakasunod na Instagram posts ng Kapamilya actress, ibinahagi nito ang kanilang pagtatampisaw sa dagat kasama ang mga kaibigan, maging ang kapatid ni James na si Lauren. Ipinakita rin ni Nadine ang kanyang beach body habang nakadapa sa dalampasigan. Sa sariling Instagram account ni Lauren ay nagpost rin ito ng kanilang picture na magkakasama. Nagpost rin ito ng isang maikling video kung saan makikita ang kanilang masayang pagsasayaw ni Nadine habang nakatayo sa infinity pool. Source link The post Nadine Lustre nagbakasyon sa Bohol appeared first on - News Portal Philippines .

Pam Lastimosa hindi aalis ng Sta. Lucia Lady Realtors

Muling pinapirmahan ng Sta. Lucia Lady Realtors ang kanilang spiker na si Pam Lastimosa ng isang kontrata para masigurong sa kanila pa rin ito maglalaro sa loob ng isang taon. Ito ay matapos na mag-anunsyo ang Cocolife Asset Managers na lilipat sa kanila si Lastimosa. Ayon sa Sta. Lucia, si Lastimosa ang una sa kanilang listahan na mga returning players. Ayon sa mga source, nagkaroon nga ng pag-uusap si Lastimosa at Cocolife ngunit nagdesisyon ang spiker na bumalik na lamang sa kanyang naunang koponan. Bago tinalo ng Foton Tornadoes ay tumulong si Lastimosa na makaabot ang Lady Realtors sa quarterfinals ng Philippine Super Liga Grand Prix. Source link The post Pam Lastimosa hindi aalis ng Sta. Lucia Lady Realtors appeared first on - News Portal Philippines .

Anim patay matapos bumagsak sa isang ilog sa Sidney ang isang eroplano

Anim na pasahero ang namatay matapos bumagsak ang sinasakyang seaplane sa isang ilog sa Sydney, Australia. Ayon sa mga otoridad, hindi pa nila batid kung ano ang naging sanhi ng pagbagsak ng eroplano. Hindi pa rin aniya nila nakikilala ang limang mga pasahero, ngunit ang tiyak ay namatay rin ang piloto nito. Ang naturang eroplano ay isa sa mga aircraft ng Sydney Seaplanes na isang major tourism operator sa lugar. Ginagamit ang mga eroplano nito para mag-sightseeing habang kumakain sa himpapawid. Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, pabalik na sana ang eroplano sa headquarters ng Sydney Seaplanes sa Rose Bay nang bigla na lamang itong bumulusok papunta sa ilog at agad na lumubog. Patuloy pang inaalam ng mga otoridad ang rason sa pagbagsak ng naturang eroplano, maging ang pagkakakilanlan ng mga nasawi. Source link The post Anim patay matapos bumagsak sa isang ilog sa Sidney ang isang eroplano appeared first on - News Portal Philippines .

Ilang aeta lumuwas ng Maynila para salubungin ang bagong taon

Sa bisperas ng bagong taon, karaniwang abala ang maraming pamilyang Pilipino sa paghahanda at pagluluto ng pagsasaluhang Media Noche. Pero para sa ilan, abala ang kanilang pamilya para kumita pa lamang ng ipanghahanda sa kanilang hapag-kainan. Sa Marilao, Bulacan, namataan ng Radyo Inquirer ang pamilya Lapus na namamasko sa kalsada. Nagmula pa ang pamilya Lapus sa bayan ng Malasa, Pampanga, malapit sa Bulkang Pinatubo. Ayon kay Ida Lapus, 15-anyos na batang ina, dumating siya kasama ang labing siyam na kaanak sa Marilao para paghandaan ang pagsasaluhan sa bagong taon. Bago aniya sa kanilang pamilya ang pagpunta sa Maynila para mag-ikot ikot sa iba’t ibang bahay at lugar upang makapag-ipon ng pera. Nanirahan ang pamilya sa isang bakanteng lote sa bahagi ng Barangay Saog dala ang lahat ng kagamitan. Kwento pa nito, blessing aniya na mayroong mabubuting-loob na namamahagi ng pagkain, ilang gamit at maging tuta bilang regalo. Samantala, balik-Pampanga rin ang pamilya para magsalu-s...

Trillanes Blames Duterte Over P10M PCSO Christmas Party

Gambar
Senator Antonio Trillanes IV slams President Rodrigo Duterte for the alleged P10-million Christmas party of the Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO, held at the Edsa Shangri-La Hotel in Mandaluyong last Thursdy, December 19, as earlier exposed by PCSO board member and former jueteng whistleblower Sandra Cam. In a recent interview over Sonshine Media Network, Cam revealed that she decided not to attend the PCSO Christmas party as a protest because she found it too expensive, and criticized PCSO Chairman Jose Jorge Corpuz and General Manager Alexander Balutan. However, she said that she can’t blame them for being insensitive for the agency that provides assistance to the poor. “That’s extravagant. Why does it have to be grandiose? Christmas party ito ng mismong charity office ng Presidente. They’re military generals. They don’t have the heart for the poor dahil sila militar, utos dito utos doon. I’m telling them, Balutan, that I am not your soldier. I will only follow the Presi...

10 katao, kabilang ang namatay na babae sa Mandaluyong nagpositibo sa paraffin test

Nagpositibo sa isinagawang paraffin test ng Philippine National Police (PNP) ang sampung sangkot sa naganap na shooting incident sa Mandaluyong City noong Huwebes, December 28. Kabilang dito ang nasawing si Jonalyn Ambaan, isang maghahatid sana sa kanya sa opital, dalawa mula sa grupo ng unang namaril sa Barangay Addition Hills, dalawang barangay tanod, at apat na miyembro ng Mandaluyong City Police. Nangangahulugan itong humawak si Ambaan at kasamang si Mhury Jomar ng baril at nagpaputok gamit ito. Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) director Chief Superintendent Oscar Albayalde, posibleng nagkabarilan bago nagkaroon ng habulan sa pagitan ng puting Mitsubishi Adventure at mga pulis. Batay sa imbestigasyon ng mga otoridad, dalawang lalaki mula sa panig ng suspek sa pamamaril kay Ambaan na si Abdurakman Alfin ang itinuturong nagsumbong sa mga otoridad na laman umano ng Adventure ang suspek sa pamamaril. Ngunit sa katunayan ay ang biktima ang laman nito. Source l...

2 security guard, patay sa pamamaril sa isang hotel-casino sa Las Vegas

Patay ang dalawang security guard matapos pagbabarilin sa isang hotel-casino sa Las Vegas. Ayon sa Las Vegas police, nag-iimbestiga lamang ang dalawang security guard sa tila ay gulo sa isang kwarto sa Arizona Charlie’s Decatur Hotel nang pagbabarilin ng suspek. Sugatan din ang suspek matapos itutok sa kanyang sarili ang ginamit na baril. Kinilala naman ang suspek na si Christopher Olague, na nagawa pang makatakas at nagtangka rin na pasukin ang dalawang bahay pero hindi nagtagumpay matapos itaboy ng mga residente. Bagaman hindi pa batid ang motibo, sinabi ni Capt. Robert Plummer na walang kinalaman sa terorismo ang pamamaril. Naganap ang naturang insidente bandang alas siyete ng umaga ng Sabado sa Las Vegas Strip. Ayon kay Lt. Dan McGrath, natagpuan si Olague sa loob ng isang laundry room kung saan niya binaril ang kanyang ulo. Source link The post 2 security guard, patay sa pamamaril sa isang hotel-casino sa Las Vegas appeared first on - News Portal Philippines .

Zero casualties, hiling ni PNP Chief Dela Rosa ngayong Bagong Taon

“Zero casualities” Ito ang hiniling ni Philippine National Police chief Director General Ronald dela Rosa ngayong Bagong Taon. Umapela si Dela Rosa sa kanyang mga tauhan na gawing ligtas para sa lahat ang pagsalubong sa Bagong Taon sa pamamagitan ng pagkakaroon ng “zero death” at mababang bilang ng mga sugatan dahil sa paputok. Ipinaalala ng PNP chief sa mga opisyal na ang magiging bilang ng mga casualty sa kani-kanilang area of responsibility ay sasalamin sa paraan kung paano nila pamunuan ang kanilang mga nasasakupan. Nagpasalamat naman si Dela Rosa sa suportang ibinigay ng kanyang mga top commander habang pinamumunuan niya ang PNP. Si Dela Rosa ay nakatakdang magretiro sa 2018, pero siya ang napili ni Pangulong Rodrigo Duterte na mamuno sa Bureau of Corrections. Source link The post Zero casualties, hiling ni PNP Chief Dela Rosa ngayong Bagong Taon appeared first on - News Portal Philippines .

Roxas on faceless P100 peso bill: “Bakit naman nila binsatos ang lolo ko?

Losing presidential candidate and former DILG Secretary Mar Roxas criticized President Rodrigo Duterte and the Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) for the defective P100 bills with the face of the late President Manuel Roxas left out. This is despite the fact that the BSP said that the P100 bills without the face were due to machine error. Last Monday, December 25, Christmas Day, Facebook user Earla Anne Yehey posted a photo of the faceless P100 bills she withdrew from an automated teller machine (ATM) of a Bank of the Philippine Islands (BPI) branch in Eastwood City in Libis, Quezon City. Her post went viral, and was reported in various TV news programs. Aside from the missing face of President Roxas on the faceless P100 bills, the word “Republika” and the letter “n” in the word “ng” in the country’s name are also missing. In a televised press conference, BSP Managing Director Carlyn Pangilinan admitted the mistake of the BSP, and apologized to the public for the inconvenience. “Havi...

31 deboto, nasugatan sa prusisyon ng Itim na Nazareno

Umabot sa tatlumpu’t isang deboto ang nabigyan ng paunang lunas matapos magtamo ng mga sugat at nahimatay dahil sa pagdalo sa prusisyon ng Itim na Nazareno sa Maynila. Ayon sa ulat, ilan sa mga deboto ang nagtamo ng minor injuries habang ang iba naman ay nahimatay at nahilo dahil sa pagtaas ng blood pressure. Agad naman rumesponde ang ilang medical teams na nakatalaga sa paligid ng Quiapo Church. Libu-libong deboto ng Itim na Nazareno ang lumahok sa thanksgiving procession na nagsimula kaninang alas dos ng madaling araw. Karamihan pa sa mga ito ay inokupahan ang ilan sa mga lane sa Quezon Avenue. Tatlong beses inilalabas ang imahe ng Itim na Nazareno kada taon, tuwing Traslacion, Good Friday at December 31. Source link The post 31 deboto, nasugatan sa prusisyon ng Itim na Nazareno appeared first on - News Portal Philippines .

Dingdong Dantes at Marian Rivera, nagdiwang ng kanilang ikatlong wedding anniversary

Ipinagdiwang ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera ang kanilang third wedding anniversary kahapon, December 30. Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Dingdong ang kanyang mensahe para kay Marian kalakip ang larawan ng aktres noong araw na ikinasal sila. Ayon sa Kapuso actor, handa siyang pakasalan muli si Marian ang kahit na ilang beses pero sa mas simple nang paraan. Sa kanyang panig naman, sinabi ni Marian na nagsimula ang kanilang “forever” noong araw na pinag-isang dibdib na sila ni Dingdong. Dagdag ng aktres, noong nakilala niya si Dingdong ay naniwala na siya sa forever. Ikinasal sina Dingdong at Marian noong December 30, 2014 sa Immaculate Concepcion Cathedral sa Quezon City. Noong November 2015, isinilang naman ni Marian ang unang anak nila ni Dingdong na si Baby Letizia. Source link The post Dingdong Dantes at Marian Rivera, nagdiwang ng kanilang ikatlong wedding anniversary appeared first on - News Portal Philippines .

Firecracker-related injuries, bumaba ng 40% ngayong taon ayon sa PNP at DOH

Bumaba ng apatnapung porsyento ang firecracker-related injuries ngayong taon ayon sa Philippine National Police at Department of Health. Ito ay ikukumpara sa naitalang datos noong nakaraang taon. Ayon kay PNP spokesperson Chief Supt. Dionardo Carlos, simula December 21 hanggang December 29, 2017 ay kabuuang 72 na firecracker-related injuries lamang ang naitala. Apatnapung porsyento o apatnapu’t walong kaso na mas mababa ito sa naitala noong 2016. Sinabi din ng PNP at DOH na wala silang na-monitor na anumang kaso ng pagkakalunok sa paputok at nasugatan dahil sa ligaw na bala bago ang pagsalubong sa Bagong Taon. Samantala, nang magsimula ang Oplan Ligtas Paskuhan ng PNP noong December 16 ay aabot sa labing apat katao ang naaresto na nagbebenta ng iligal na paputok, habang P14,230 na halaga naman ng iligal na paputok ang nakumpiska. Ayon kay Carlos, nakatulong sa pagpapababa ng firecracker at stray bullet incidents ang maagang kampanya, operasyon at surprise inspections ng PNP sa ib...

Duterte: Manatiling matatag sa mga hamong haharapin sa 2018

Hinikayat ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang sambayanang Pilipino na humugot ng lakas sa mga napagtagumpayan ngayong taon sa pagharap ng mga hamon at pagsubok sa darating na Bagong Taon. Sa kanyang mensahe sa pagsalubong sa Bagong Taon, sinabi ni Pangulong Duterte na nasa panahon tayo ng matinding pagsubok sa bayan kung saan hinadlangan ng katiwalian, kriminalidad, iligal na droga at terorismo ang ating pag-usad nitong papaalis na taon. Ayon kay Pangulong Duterte, sa kabila nito ay nananatili siyang puno ng pag-asa na mananatiling matatag ang mga Pilipino sa pagharap ng mga hamong ito bilang bansa. Inihayag ng pangulo na mahalagang yakapin natin ang hinaharap nang may pag-asa at paninindigang tuparin ang mga pangarap para sa isang maayos at maunlad na bukas. Source link The post Duterte: Manatiling matatag sa mga hamong haharapin sa 2018 appeared first on - News Portal Philippines .

HELLO ‘EXCISE TAX’ ; BYE BYE ‘HIGH INCOME TAXES’ sa “WAG KANG PIKON” ni Jake Maderazo

Simula ngayon, ipapatupad ng gobyerno ang pagpapataw ng “excise taxes” na magtataas sa presyo ng Diesel, LPG, kerosene, bunker fuel na gamit sa “electricity generation”. Nitong nakaraan, tanging gasolina lamang ang merong “excise tax” na P4.35 bawat litro. Ginawa ito noong “1973 oil crisis” kung saan inipit ng OPEC ang suplay. At noon, ang sobrang paggamit ng gasolina ay tinatawag na Asyong Aksaya. Kaya’t simula noon, naging mas mahal ang gasolina sa diesel. Ang dinagdagang “excise tax” sa gasolina ay magiging P10 bawat litro sa 2020. Pero ngayon, ang itataas muna ay P4.35 bawat litro. Sa 2019, magdadagdag ng P2 at sa 2020 ay P1. Simula din ngayon, may “excise tax” na ang diesel kasama ang “bunker fuel” na P6 bawat litro sa loob ng tatlong taon. Ngayong 2018, sisimulan ito ng P2.50 bawat litro, sa 2019 tataas ng P2 at sa 2020, dadagdag ng P1.50. Ang LPG ay papatawan naman ng excise tax na P3 bawat litro pagsapit ng 2020. Tig-piso na “increase” sa susunod na tatlong taon. Ang keros...

Stephen Curry, makakapaglaro na muli matapos ang tinamong ankle injury

Babalik na sa basketball court si Golden State Warriors star Stephen Curry matapos hindi makapaglaro dahil sa sprained right ankle. Hindi nakasama si Curry sa labing isang laban ng Golden State dahil sa nasabing injury. Ayon kay Coach Steve Kerr, maaaring tumagal lamang ng anim hanggang pitong minuto ang paglalaro ni Curry kada quarter ng laban. Sa kabuaan aniya, tatlumpung minuto lamang niyang isasabak sa court two-time MVP sa loob ng isang laban. Umaasa si Kerr na bubuti na ang lagay ng kanyang star point guard matapos makapagpahinga. Hawak ngayon ng koponan ang 9-2 na standing. Source link The post Stephen Curry, makakapaglaro na muli matapos ang tinamong ankle injury appeared first on - News Portal Philippines .

Suspek sa pambobomba sa isang supermarket sa St. Petersburg, hawak na ng Federal Security Service ng Russia

Nasa kustodiya ng Federal Security Service (FSB) ng Russia ang isang suspek sa pambobomba sa isang supermarket sa St. Petersburg kamakailan. Umabot sa labing tatlo katao ang nasugatan dahil sa nasabing pambobomba. Ayon sa FSB, ikinulong ang suspek kahapon, pero hindi na nagbigay ng mga detalye ukol sa kanyang pagkakakilanlan. Isinailalim na dinsa pagtatanong ng Investigative Committee ng Russia ang nasabing suspek. Una nang inako ng Islamic State ang responsibilidad sa nasabing pagsabog na naganap sa Perekrestok supermarket sa St. Petersburg. Pero hindi naman nakapagbigay ng anumang ebidensya ang militanteng grupo na magpapatunay na sila ang nasa likod ng pambobomba. Source link The post Suspek sa pambobomba sa isang supermarket sa St. Petersburg, hawak na ng Federal Security Service ng Russia appeared first on - News Portal Philippines .

Namumuong bagyo nagbabanta sa Visayas, Mindanao sa New Year

Nakapasok na sa Philippine area of responsibility ang isang low pressure area (LPA) at nagbabantang mananalasa sa Visayas at Mindanao sa Bagong Taon. Una ng binayo ng bagyong Vinta ang Visayas at Mindanao kamakailan kung saan 240 ang namatay habang marami pa ang nawawala at patuloy na pinaghahanap. Sinabi ng PAGASA ngayong umaga, inaasahang magla-landfall o tatama sa lupa ang bagong LPA sa hilagang bahagi ng Visayas o Mindanao bukas ng hapon o sa umaga ng Martes. Ang namumuong bagyo na papangalanang Agaton ay namataan sa layong 960 kilometro silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur kaninang madaling araw. Samantala, nagbabala rin ang PAGASA ng mga pagbaha at landlides sa Bicol at Eastern Visayas regions dahil sa tail-end ng cold front na magdadala ng mga malalakas na pag-ulan. Ang Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region (CAR), Aurora at Quezon ay makakaranas naman ng kalat-kalat na pag-ulan bunsod ng amihan. Source link The post Namumuong bagyo nagbabanta sa Visayas, Minda...

Operasyon ng MRT 3 ngayong araw, ilang oras itinigil dahil sa signaling problem

Hindi pa rin nakaligtas sa aberya ang Metro Rail Transit 3 ngayong Bisperas ng Bagong Taon. Maaga kasing nakaranas ng aberya ang mga pasahero ng MRT 3 ngayong araw. Batay sa abiso ng Department of Transportation, ito ay bunsod ng nangyaring signaling problem sa tren sa southbound lane sa pagitan ng North Avenue hanggang Taft Avenue bandang 6:54 ng umaga. Bandang 7:59 ng umaga nang maibalik sa normal ang operasyon ng MRT. Nagpatupad naman ang lahat ng istasyon ng crowd control at pagrerefund ng ticket sa mga pasaherong hindi na tutuloy sa kanilang mga biyahe. Napilitan naman ang ilan pang mga pasahero na bumaba at sumakay na lamang ng bus. Source link The post Operasyon ng MRT 3 ngayong araw, ilang oras itinigil dahil sa signaling problem appeared first on - News Portal Philippines .

Halos 300 firecracker zone sa Metro Manila tinukoy ng NCRPO

Nasa 267 designated firecracker zone ang tinukoy ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa buong Metro Manila. Batay sa talaan na inilabas ng NCRPO mayroong 62 designated firecracker zone sa area ng Northern Police District (NPD) kung saan sa area ng Caloocan Police Station ang may 32 Barangays na firecracker zone at community fireworks display zone, ang Malabon Police Station ay nasa 21 sa Navotas City Police Station isa lamang habang ang Valenzuela City Police Station ay sa Bagumbayan North lamang. Sa area ng Eastern Police District (EPD) mayroong siyam na lugar na itinalagang Firecracker Zone, sa Mandaluyong City Police Station ay anim, habang walang designated firecracker zone at community fireworks sa area ng Pasig City Police Station, Marikina City Police Station at San Juan City Police Station. Sa Manila Police District (MPD) 52, nasa 11 firecracker zone sa Police Station 1; dalawa sa Police Station 2; apat sa Police Station 3; lima sa Police Station 5; tatlo sa Pol...

Babaeng nahuli sa CCTV na nanloob sa isang bahay sa Valenzuela, arestado

Timbog sa Valenzuela City ang isang babaeng nahuli sa CCTV camera na nanloob sa isang bahay sa Barangay General Tiburcio De Leon. Kinilala ang suspek na si Liza Forlo, tatlumput tatlong taong gulang. December 21 nang unang makita sa CCTV ng bahay ni Ginang Milagros Leonardo ang panloloob ni Forlo, kung saan tinangay nito ang isang cellphone at tablet. Muli na naman itong sumalakay kaninang madaling araw ngunit nakita ito ng kanyang mga biktima na sina Arvin Balanday at Jonathan Sison, dahilan para tumakbo papalayo ang suspek. Sinundan at naabutan ng mga biktima si Forlo sa loob ng isang nakaparadang jeep, kaya naman tumawag na sila ng mga kawani ng barangay na silang nagdala sa himpilan ng mga pulis. Desidido ang mga biniktima ni Forlo na sampahan ito ng kasong pagnanakaw. Source link The post Babaeng nahuli sa CCTV na nanloob sa isang bahay sa Valenzuela, arestado appeared first on - News Portal Philippines .

LPA na binabantayan ng PAGASA, tuluyan nang pumasok ng PAR

Tuluyan nang pumasok ng Philippine Area of Responsibility ang Low Pressure Area (LPA) na binabantayan ng PAGASA. Ayon sa weather bureau, namataan ang LPA sa layong 960 kilometro sa Silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur. Ibinabala ng PAGASA na may 50% na posibilidad na maging bagyo ang LPA na tatawaging bagyong ‘Agaton’ sa mismong January 1 o kaya ay sa January 2. Posible umano itong maglandfall sa Eastern Visayas o Eastern Mindanao, hapon ng Lunes o madaling araw ng Martes. Habang lumalapit sa kalupaan ay posible itong magdala ng malalakas na ulan sa Eastern Visayas at Eastern Mindanao. Samantala, ngayong araw, dalawang weather systems ang makakaapekto sa bansa. Magdadala ng pag-ulan ang tail-end of cold front sa Bicol Region at Eastern Visayas. Makakaapekto naman ang northeast monsoon na magdadala ng pulo-pulong pag-ulan sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Aurora, Quezon, Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon. Source link The post LPA na binabantayan ng ...

VIRAL: Mag-ina, nalaglag sa bus matapos palipatin ng konduktor dahil walang pambayad

Trending ngayon sa social media ang isang Facebook post na nagpapakita ng mag-inang nakalagapak sa semento. Ang video na iniupload ni Dave Villanueva 8:23 ng gabi ng Sabado ay nakakakuha na ng mahigit 670,000 views at ang mismong post at nagtala na ng higit 8,700 shares. Ayon sa caption ni Villanueva, ang mag-ina ay nalaglag sa sinasakyang bus sa may Ayala, Makati matapos palipatin ng konduktor dahil walang pambayad. Sa naturang video makikita na nakahandusay sa kalsada ang mag-ina, na tila nabaldado na ang nanay na hindi makagalaw matapos ang kanyang pagbagsak. Ilang concerned citizens ang makikitang tumulong sa dalawa. Source link The post VIRAL: Mag-ina, nalaglag sa bus matapos palipatin ng konduktor dahil walang pambayad appeared first on - News Portal Philippines .

Person of the year award na iginawad sa pangulo, hindi tanggap ng Malacañan

Ginawaran ng person of the year award ng isang nonprofit organization sa Estados Unidos si Pangulong Rodrigo Duterte, ngunit hindi ito tinanggap ng Malacañan dahil tila hindi ito tugma sa kung ano talaga ang ginagawa ng pangulo para sa bansa. Ayon sa Organized Crime and Corruption Reporting Project, para sa 2017 ay si Pangulong Duterte ang “individual who has done the most in the world to advance organized criminal activity and corruption” dahil sa pagpapatupad nito ng brutal na kampanya laban sa iligal na droga sa bansa. Ayon kay Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar, tila isang mockery o pangungutya ang naturang award. Aniya, kabaligtaran ang award dahil marami nang ginawa ang pangulo para labanan ang organized crime at problema ng bansa sa iligal na droga. Ayon pa sa kalihim, galit sa kurapsyon ang pangulo na makikita sa kanyang pagsibak sa mga opisyal ng pamahalaan na gumagawa ng anumang uri ng kurapsyon. Samantala, ayon kay Drew Sullivan na si...

Bagong Taon, biyaya ng Diyos upang makapagbagong buhay – CBCP

“Every brand-new year is a fresh start.” Ito ang bahagi ng pahayag ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) – Episcopal Commission on Migrants and Itinerate People chairman at Balanga Bishop, Most Reverend Ruperto C. Santos, D.D. Ayon sa Obispo, ang pagsalubong ng bawat tao sa panibagong taon ay isang pagkakataong binigay ng Diyos upang makapagbagong buhay. Ang bagong taon anya ay nangangahulugan ng panibagong oportunidad, kabilang ang pagkatuto sa mga kamalian, pagtama sa mga ito at hindi na muling pag-ulit dito. Hinihimok ng Obispo ang lahat na maging ‘best versions’ ng kanilang mga sarili at gawin ang lahat ng makakaya sa bawat gawain. Ang bagong taon anya ay isa ring tyansa upang makabangon sa kasadlakan at nanawagan siyang gawin ng publiko ang lahat ng makabubuti para sa bayan. Nagpaalala rin ang opisyal ng CBCP sa mga mananampalataya na alalahanin ang mga taong nakaapekto sa kanilang mga buhay bunsod ng mga sakripisyo at serbisyo ng mga ito. Source link T...

2 tanod na sangkot sa Mandaluyong shooting incident, itinangging may dalang baril

Itinanggi ng dalawang barangay tanod na sangkot sa naganap na pamamaril sa isang AUV sa Mandaluyong City na mayroon silang mga baril. Ayon kina Wilmer Doron at Ernesto Fajardo, hindi nila pinaputukan ang Mitsubishi Adventure. Anila pawang mga patpat lamang ang kanilang hawak nang tugusin nila ang naturang sasakyan na inakala nilang getaway vehicle ng lalaking namaril sa Barangay Addition Hills. Sa sinumpaang salaysay na isinumite ni Fajardo, ang kanyang ibang mga kasamahang tanod ang itinurong mayroong hawak na baril. Depensa nina Doron at Fajardo sa pangyayari, maling impormasyon ang ibinigay sa kanila ng mga residente sa lugar kaya nila tinugis ang naturang sasakyan, sa pag-aakalang sakay nito ang salarin sa pamamaril sa lugar. Ayon naman sa mga pulis, gagamitin nila ang salaysay ni Fajardo laban sa mga armadong barangay tanod. Source link The post 2 tanod na sangkot sa Mandaluyong shooting incident, itinangging may dalang baril appeared first on - News Portal Philippines .

Isang sanggol namatay matapos ihulog ng sariling ama

Patay ang isang mag-iisang buwang gulang pa lamang na babaeng sanggol matapos itong ibagsak ng kanyang sariling ama. Batay sa report ng Cauayan Police Station, nagtatalo umano ang lasing na si Jolito Alandroque at kanyang asawa nang maganap ang naturang insidente. Kasabay ng pagtatalo ng mag-asawang Alandroque ay walang humpay naman ang pag-iyak ng kanilang anak. Dahilan ito para lalong mainis si Jolito at kinuha ang anak bago ito ibinagsak sa sahig ng kanilang bahay. Makalipas ang isang oras ay namatay ang bata. Kasong parricide ang isasampa laban kay Jolito. Source link The post Isang sanggol namatay matapos ihulog ng sariling ama appeared first on - News Portal Philippines .

Ilang bahay tinupok ng sunog sa Quezon City

Agad na itinaas sa ikatlong alarma ang sunog na naganap sa Barangay Paltok, Quezon City. Batay sa report ng QC Bureau of Fire Protection (BFP) alas-9 ng gabi ng Sabado nang sumiklab ang apoy mula sa living room ng pamilya Dijanco. Sa una ay sinubukan itong apulahin ng mga residente ngunit mabilis na kumalat ang apoy at nadamay ang isa pang bahay. Dahil sa sunog ay natupok ang buong kabahayan ng pamilya Dijanco. Pasado alas-10 ng gabi nang tuluyang maapula ang sunog. Maswerte namang walang nasugatan sa insidente, ngunit nasunog naman ang mga naiwang aso ng naturang pamilya. Anila, walo sa kanilang 18 mga aso ang hindi na nailigtas pa sa nasunog na bahay. Inaalam pa ng mga otoridad ang naging sanhi ng sunog, maging kung magkano ang kabuuang danyos na dala nito. Source link The post Ilang bahay tinupok ng sunog sa Quezon City appeared first on - News Portal Philippines .

LPA sa Mindanao, posibleng maging ganap na bagyo pagpasok ng Enero – PAGASA

Posibleng maging ganap na bagyo ang low pressure area (LPA) sa bahagi ng Mindanao sa pagpasok ng bagong taon. Ayon sa PAGASA, huling namataan ang LPA sa layong 1,175 kilometro sa silangan ng Mindanao. Inaasahang papasok ito sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong gabi o bukas ng umaga. Inaasahan namang magiging isang tropical depression ang LPA sa January 1 o 2, at tatawagin itong bagyong  ‘Agaton’. Source link The post LPA sa Mindanao, posibleng maging ganap na bagyo pagpasok ng Enero – PAGASA appeared first on - News Portal Philippines .

30% ng mga lugar sa Marawi City, cleared na sa mga explosives – AFP

Nasa 30 porsiyento na umano ng mga lugar sa lungsod ng Marawi ang na-clear na ng AFP engineers mula sa mga improvised explosive device (IED) lalo na sa mga unexploded ordnance, partikular ang mga lugar na lubhang naapektuhan sa labanan sa pagitan ng militar at mga teroristang Maute. Nabatid na ang clearing operations ay kasunod ng nagpapatuloy na rehabilitation efforts sa siyudad. Ayon kay Major Gen. Arnold Rafael Depakakibo, chief engineer ng AFP, ongoing pa rin ang kanilang misyon na alisin ang mga pampasabog sa mga apektadong lugar. Sinabi ni Depakakibo na as of December 15, nasa kabuuang 2,853 assorted unexploded ordnance at 415 IED na ang narekober ng engineering personnel ng AFP. Aniya, ginawa nila ang clearing sa pamamagitan ng suporta at tulong mula sa Explosives and Ordnance Disposal Company ng AFP at K-9 Teams mula sa Philippine Army at Philippine Air Force. Inihayag din nito na nakumpleto na ng Joint Engineering Task Group (JETG) ang clearing operations sa halos 20 kilo...

Duterte, nangakong lulutasin ang kaso ng pagkamatay ng hazing victim na si Atio Castillo

Nangako si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga miyembro ng angkan ng pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal na reresolbahin ang kaso ng pagkamatay ng hazing victim na si Horacio “Atio” Castillo III. Ito ang sinabi ng Pangulong Duterte sa tiyuhin ni Atio na si Gerardo sa ginanap na paggunita sa Rizal Day ngayong araw. Ayon kay Gerardo, ang 22-anyos na UST Law student na pumanaw sa hazing ay great-great-grandson ni Dr. Jose Rizal. Ayon umano kay Pangulong Duterte, lalabas na ang desisyon ng Department of Justice kaugnay sa kaso ni Atio sa unang linggo ng Enero. Matatandaang September 16, 2017 nang dumalo sa umano’y ‘welcome party’ ng Aegis Juris Fraternity si Atio, pero hindi na ito nakauwi pa nang buhay sa kanyang pamilya matapos umanong sumailalim sa brutal na initiation rites ng frat. Sinimulan ng Department of Justice ang kanilang imbestigasyon sa kaso ni Castillo noong October 4, kung saan 42 respondents ang kabilang sa kaso.   Source link The post Duterte, nangakong luluta...

Bilang ng mga naputukan ng piccolo, nadagdagan pa – DOH

Piccolo pa rin ang pinaka-mapanganib na uri ng paputok sa bansa. Ayon sa datos na inilabas ng Department of Health, sa 77 biktima ng paputok ngayong taon, 49 sa mga ito ang dahil sa ipinagbabawal na piccolo. Limang panibagong kaso ng naputukan ng piccolo ang nadagdag sa listahan ng DOH. Sinasabing ipinuslit lamang ang mga kumakalat na piccolo sa merkado mula sa China, at kadalasang isinasama sa mga laruan para makalusot sa inspeksyon. Sa kabila ng pagbaba ng bilang ng mga firecracker-related injuries, ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, hindi pa rin magiging kampante ang kagawaran dahil may ilang negosyante pa rin ang pasaway na nagbebenta ng mga iligal na paputok, at mayroon pa ring mga tumatangkilik dito.   Source link The post Bilang ng mga naputukan ng piccolo, nadagdagan pa – DOH appeared first on - News Portal Philippines .

Mga biktima ng bagyong ‘Urduja’ tatanggap ng P103-M na tulong – NDRRMC

Magbibigay ng 103 milyong pisong ayuda ang pamahalaan sa mga biktima ng Bagyong Urduja. Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) spokesperson Romina Marasigan, natanggap na ng mga biktima ang 22.3 milyong piso ng halagang ito. Bibigyan ng P10,000 ang pamilya ng mga nasalanta ng bagyo habang bibigyan naman ng P5,000 ang pamilya ng mga nasugatan. Gayunman, para makuha ito, kinakailangang magpresenta ng mga biktima ng bagyo ng mga kaukulang dokumento, identification papers at medical certificate. Sa kabuuan, batay sa datos ng NDRRMC, hindi bababa sa 320 katao ang nasawi at nawawala sa kasagsagan ng Bagyong Vinta at 40 katao naman ang nasawi sa Bagyong Urduja.     Source link The post Mga biktima ng bagyong ‘Urduja’ tatanggap ng P103-M na tulong – NDRRMC appeared first on - News Portal Philippines .

30 porsyento ng mga apektadong lugar sa Marawi ligtas na sa IED – AFP

Na-clear ng militar ang 30% ng mga apektadong lugar ng unexploded ordnance at improvised explosive device (IED) sa Marawi City. Ito ay sa nakalipas na dalawang buwan mula nang mapalaya sa kamay ng Maute group ang Marawi City. Ayon kay Major General Arnold Rafael Depakakibo, chief engineer ng Armed Forces of the Philippines, cleared na rin ang tinatayang 20 kilometrong kalsada ng primary at secondary roads, ang tatlong pangunahing tulay at tatlong lugar ng sambahan sa lungsod. Sinabi ni Depakakibo na katuwang nila ang Department of Public Works and Highways dito. Ayon kay Depakakibo, narekober nila ang 2,653 samu’t saring unexploded ordnance at 415 IEDs as of December 15. Dagdag niya, patuloy rin ang construction support ng militar sa iba pang ahensya ng gobyerno sa maintenance ng evacuation centers. Source link The post 30 porsyento ng mga apektadong lugar sa Marawi ligtas na sa IED – AFP appeared first on - News Portal Philippines .

PNP nag-inspeksyon sa tindahan ng mga paputok sa Bocaue, Bulacan

Nagsagawa ng inspeksyon ang mga opisyal ng Philippine National Police sa mga tindahan ng paputok sa Bocaue, Bulacan. Pinangunahan ni PNP Deputy Chief for Operations General Fernando Mendez ang inspeksyon. Hinanapan ng mga otoridad ng permit ang mga nagtitinda ng paputok at tinignan rin ng mga ito kung sumusunod ang negosyante sa mga pamantayan sa pagbebenta ng fire crackers at fireworks. Iprinista rin ng PNP ang mga nakumpiska nilang ipinagbabawal na paputok. Kabilang dito ang Pla-Pla, Piccolo, Goodbye ISIS at Goodbye Maute. Paliwanag ni General Mendez, malaki na ang ibinaba ng bilang ng mga nakukumpiska nilang illegal na paputok . Ito ay dahil marami sa mga negosyanyte sa Bocaue ay hindi na gumagawa ng paputok mula nang ipinalabas na Executive Order No. 28. Muli namang nagpaalala ng PNP na bawal na ang paggamit ng mga paputok sa labas ng tahanan dahil sa ilalim ng Executive Order 28, at sa mga designated areas lamang ito maaaring paputukin kasama ang isang eksperto sa paputok....

2 sundalo sugatan sa engkwentro ng militar at NPA sa Tarragona, Davao Oriental

Dalawa ang sugatan sa panig ng militar sa naganap na engkwentro laban sa mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Tarragona, Davao Oriental. Ayon sa Armed Forces of the Philippines, nagpadala sila ng grupo sa Barangay Tubaon mula sa 6 th Scout Ranger Battalion dahil sa ulat na may nagaganap na panghaharass ng mga hinihinalang miyembro ng NPA. Habang papalapit sa lugar ang grupo, bigla umano silang pinaputukan at isang landmine pa ang sumabog. Ayon sa AFP, umatras rin ang mga miyembro ng NPA matapos ang 30 minutong palitan ng putok. Ayon sa militar, posibleng may mga nasugatan rin sa panig ng mga rebelde dahil nakita nila ang ilang bakas ng dugo sa pinangyarihan ng engkwentro. Naganap ang engkwentro alas-6:25 ng umaga, halos 10 oras lamang bago muling ipatupad ang unilateral ceasefire ng CPP-NPA at ng gubyerno. Epektibo ang ceasefire ng pamahalaan mula alas-sais ng gabi ng December 30, 2017 hanggang 11:59 ng gabi ng January 2, samantalang sa panig naman ng CPP-NPA, epektibo ang...

Satisfaction ratings ng lahat ng sangay ng gobyerno, tumaas

Tumaas pa ang net public satisfaction ratings ng gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte, Senado, Kamara at Korte Suprema sa fourth quarter ng taon, ayon sa survey ng Social Weather Stations (SWS). Pinakamataas ang nakuhang satisfaction rating ng Senado sa +56 o “very good.” Mas mataas ito nang 10 puntos sa rating nito noong September. Sumunod naman ang Kamara na nakakuha ng “good” rating sa +43, at ng gabinete ng pangulo sa +38 na “good” rating din. Ito na ang pinakamatas na net satisfaction rating na naitala ng gabinete mula noong 1990. “Good” din ang satisfaction rating na nakuha ng Korte Suprema sa +37. Isinagawa ng SWS ang naturang survey mula December 8 hanggang 16 sa pamamagitan ng fae-to-face interviews sa tig-300 adults sa Metro Manila, Balance Luzon, Visayas at Mindanao. Ilan sa mga maiinit na usapin noong isinagawa ang survey ay ang pagtatapos ng combat operations sa Marawi City, paghiling sa pagpapalawig ng batas-militar sa Mindanao, at mga pagdinig sa impeachment comp...

Netizens Touched by a Beggar Who Prayed at Church Every Day to Thank God

Gambar
–> While many people with better lives forget to pray, this man with literally nothing steps inside a church to pray every day—thanking God for what he received that day. When people feel down, troubled, or riddled with problems, they sometimes ask, “Does God really care about me?” They would pray from morning until night, hoping to get an answer to all their problems. Sadly, when all their problems are solved and prayers answered, many people forget to thank God or even visit their church to pray. Despite having a lot to thank for, many people sometimes forget to pray to the Lord. However, this beggar goes to church every day—not to ask for help from the Lord—but to thank him for what he received that day. According to people who saw the man, he would always go to church after receiving alms. The author of the post on the Facebook page “DJ Kalogs Story” says they came across the beggar when they passed by Cubao Avenue for several days. The author took a picture of the old m...

Banta ng CPP-NPA vs Duterte patunay na sila’y terorista – Palasyo

Iginiit ng Malacañang na pinapatunayan lamang ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA) ang kanilang pagiging kalaban ng estado at terorista sa pinakabago nilang pagbabanta sa Duterte administration. Magugunitang lumabas ang pahayag ng CPP-NPA na sa 2018 daw nila pababagsakin ang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte. Sinabi ni Communications Sec. Martin Andanar, ang ganitong pagbabanta ay nagpapakitang tunay silang kalaban ng estado, maging ng taongbayan. Ayon kay Sec. Andanar, hindi lamang si Pangulong Duterte o ang gobyerno ang nais pabagsakin ng CPP-NPA kundi ang sambayanang bumoto at nagluklok sa pangulo. Kaya hindi na raw mahihirapan ang korte sa pagdedesisyong teroristang organisasyon ang CPP-NPA gaya ng deklarasyn ni Pangulong Duterte dahil sa bantang ito ng mga komunista. “Kasi alam mo naman na kung ang isang grupo na organisado ay gustong pabagsakin ang gobyerno ay ibig sabihin hindi lang ho ‘yung Pangulo ‘yung nilalabanan nila kung di ‘yu...

Mahigit 67,000 na pasahero, bumiyahe na sa iba’t ibang mga pantalan – PCG

Umabot na sa mahigit 67 libong ang naitalang bilang ng mga pasahero sa mga pantalan sa iba’t ibang panig ng bansa isang araw bago ang pagsalubong sa Bagong Taon. Sa pinakahuling tala ng Philippine Coast Guard kaninang alas-12:00 ng tanghali, umabot na sa 67,550 ang kabuuang bilang ng mga pasahero. Pinakamarami ang naitala sa sa Central Visayas na may 16,495 na bilang ng mga pasahero, pangalawa ang Southern Tagalog, na umabot sa 13,378, at pangatlo ang Northern Mindanao na may 7,475 na pasahero. Samantala sa  Bicol aabot sa 6,122 pasahero, sa Southern Visayas, mayroon namang  5,980 na pasahero ang bumibiyahe, sa Palawan 5,925, Western Visayas- 4,387, South Western Mindanao- 2,747, National Capital Region- Central Luzon na may 1,960 pasahero,   North Western Luzon- 1,301, Eastern Visayas 1,229, South Eastern Mindanao- 433 at North Eastern Luzon, 118 na pasahero. Ayon sa Philippine Coast Guard, nanatili silang naka-monitor sa mga pantalan na patuloy na di...

6% na Pilipino ang nakatupad sa kanilang 2017 New Year’s resolution – SWS

Kakaunting Pilipino lamang ang nakatupad ng kanilang New Year’s resolution ngayong taon batay sa panibagong survey ng Social Weather Stations (SWS). Sa resulta ng isinagawang pag-aaral mula December 8 hanggang 16, 46% na Pinoy ang nagsabing gumawa ng listahan ng nais baguhin sa pagpasok ng 2017. Ngunit, anim na porsyento lang sa mga ito ang nagsabing “all or almost all” sa mga resolusyon ay natupad habang 12% naman ang “most”, 23% ang “few at apat na porsyento ang “almost none or none.” Sa mga sumagot ng “all or almost all” at “most”, karamihan sa mga ito ay nagmula sa classes ABC na umabot sa 25% habang 19% naman sa class E at 18% sa class D. Isinagawa ang survey gamit ang face-to-face interview sa 1,200 respondents kung saang 300 katao mula sa Metro Manila, Luzon, Visayas at Mindanao. Source link The post 6% na Pilipino ang nakatupad sa kanilang 2017 New Year’s resolution – SWS appeared first on - News Portal Philippines .

Social media, malaking tulong sa imbestigasyon sa Gen. Trias, Cavite killing

Malaki ang naging papel ng social media sa imbestigasyon kaugnay ng pagpatay sa mag-inang Gamos ng General Trias, Cavite. Sinabi ni Supt. Janet Arinado, spokesperson ng Cavite police, ilang oras bago sumuko si Ruel Cabatingan ay nagpost ito sa kanyang facebook account na nagsasabing : “sorry mommy at anak ko.” Nagpahiwatig din ito ng plano niyang pagsuko sa otoridad sa pamamagitan ng post na: “justice will be served.” Ayon pa kay Arinabo, sinundan nila ang online activities ng Facebook account na may pangalang “Ilyttaafe Rubyel” na pinaniniwalaang pinaghalong pangalan na “Ruby” at “Ruel” kung saan may makikita ding larawan ng biktima at ng suspek. May mga larawan din na pinaniniwalaang kuha sa apartment na inuupahan ni Cabatingan sa Barangay Alapan, Imus Cavite na ilang kilometro lang ang layo sa bahay ng mga Gamos. Madalas din umanong nakikita sina Gamos at Cabatingan sa nasabing apartment maging sa dis-oras ng gabi. Nabatid pa na si Cabatingan ay schoolmate ng padre de pamilya ...

P50,000 reward sa makakahuli sa gumagamit ng iligal na paputok sa Ilocos Norte

LAOAG CITY – Itinaas na sa P50,000 ang reward na maibibigay sa mga makakahuli ng taong gumagamit ng iligal na paputok sa lalawigan ng Ilocos Norte sa selebrasyon ng bagong taon. Sa panayam ng Bombo Radyo Laoag kay S/Supt. Jose Melencio Nartatez Jr, provincial director ng Ilocos Norte PNP, kailangan nilang ipatupad ang RA 7183 o ang batas na nagre-regulate sa paggamit ng paputok. Aniya, kailangan lamang na kuhanan ng litrato o video at kilalanin ang mahuhuling gumagamit ng iligal na paputok at agad dapat itong ipaalam sa pulisya. Pwede rin umanong gawin ang citizen’s arrest. Sa pamamagitan daw nito ay magiging mapayapa at maayos ang pagsalubong sa bagong taon. Dagdag ni Nartatez na hinigpitan din nila ang pagmonitor sa mga magbebenta ng iligal na paputok at mga nagtitinda ng paputok sa hindi tamang lugar. Source link The post P50,000 reward sa makakahuli sa gumagamit ng iligal na paputok sa Ilocos Norte appeared first on - News Portal Philippines .

4.5 magnitude na lindol, tumama sa Surigao del Norte

Niyanig ng mahinang lindol ang Surigao del Norte 9:24 kaninang umaga. Base sa earthquake information na inilabas ng Philippine Institute of Volcanogy and Seismology (Phivolcs), may lakas na magnitude na 4.5 ang lindol na tumama sa Silangan ng Burgos, Surigao del Norte. Naramdaman ang nasabing lindol sa mga sumusunod na lugar: Intensity IV- Burgos at Santa Monica, Surigao Del Norte Intensity III- Pilar at Dapa, Surigao Del Norte Intensity II- Del Carmen at Socorro, Surigao Del Norte Intensity I- Surigao City Tectonic ang origin ng lindol pero walang inaasahan na aftershock ayon sa report ng Phivolcs. Source link The post 4.5 magnitude na lindol, tumama sa Surigao del Norte appeared first on - News Portal Philippines .

Duterte sa mga Pilipino: Pagnilayan ang kabayanihan ni Rizal

Hinikayat ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang sambayanang Pilioino na pagnilayan ang pag-aalay ng buhay ni Dr. Jose Rizal para sa bansa. Sa kanyang mensahe sa ika-121 anibersaryo ng pagkamartir ni Rizal, sinabi ni Pangulong Duterte na alalahanin ang pagmamahal ng pambansang bayani sa bayan habang pinagsisikapan nating tuparin ang kanyang hangarin para sa nagkakaisa, mapayapa at maunlad na Pilipinas. “Nawa’y magsilbing pagkakatapon ang okasyong ito upang ating kilalanin ang pag-aalay ni Dr. Rizal ng kanyang buhay para sa ating bansa. Pagnilayan natin ang kanyang pagmamahal sa bayan habang ating pinagsisikapang tuparin ang kanyang hangarin para sa isang nagkakaisa, mapayapa at maunlad na Filipinas,” ani Pangulong Duterte. Una kanina, pinangunahan nina Pangulong Duterte at Vice President Leni Robredo ang paggunita ng Rizal Day ngayong araw sa Rizal Park, Maynila. Pasado alas 7 ng umaga ng isagawa ang flag raising ceremony na pinangunahan ng dalawang lider ng bansa at sinundan ng p...

BEST TOP VIRAL VIDEOS, STORIES For Year 2017

Gambar
Enlisted below are some of 2017’s best top and viral videos and stories which once rocked the social media community for the year 2017. A year is definitely a lot of time. In a span of a year, with the wider range of the social media, viral videos and stories have emerged and surfaced which rocked the social media platform. Here are some of the top viral videos and stories that we got for you! THE BIG ONE The BIG ONE is accordingly expected to happen in 3 to four years from now but PAGASA said that the disastrous earthquake can happen anytime. They are doing “It” It is the couple who are caught on tape suspected of doing something malicious while riding in a motorcycle considering that they are in the middle of a public highway. Charice Pempengco and Alyssa Quijano break up Charice Pempengco, now Jake Zyrus and Alyssa Quijano’s longterm relationship which eventually ended has shocked the people. They have been together for four years before finally ending it. Creepy...