Dose-dosenang biktima ng paputok, stray bullet, mga sunog, naitala sa pagsalubong sa 2018
Kabila-kabilang biktima pa rin ng firecracker related cases ang naitala sa iba’t-ibang bahagi ng Metro Manila at mga lalawigan, kahit mahigpit ang pagbabawal ng mga lokal na pamahalaan.
Sa East Avenue Medical Center pa lang ay 14 na ang naputukan sa nakalipas lang na magdamag.
Nasa 12 sa mga biktima ay pawang kalalakihan, habang dalawa sa kanila ay mga babae.
Isa sa mga isinugod dito ay natutulog lang nang matamaan ng paputok.
Sa Jose Reyes Memorial Medical Center, naman ay may ilang tinamaan ng bala.
Isa sa kanila ay 10-anyos na pinaniniwalaang biktima ng stray bullet, habang ang isa pa ay 27-anyos na may multiple gunshot wound.
Ayon kay Dr. Mark Anthony Arias, kapit-bahay lang ng 10 taong gulang na bata ang nagdala rito sa kanilang pagamutan.
Makikita umano sa trajectory ng bala na tumama muna ito sa may braso, bago tumagos sa dibdib, saka tumama sa atay.
Maliban sa stray bullet victim, 16 na iba pa ang dinala rin dito dahil sa tama ng paputok.
Sa lungsod ng Marikina, 17 ang kaso ng naputukan at anim naman sa Mandaluyong City.
Habang sa lalawigan ng Rizal ay may naitalang 22 firecracker related cases at 14 naman mula sa Bulacan.
Nagkaroon naman ng anim na sunog sa iba’t-ibang bahagi ng Metro Manila.
Isang oras bago mag-alas-12:00 nang magkasunod na nagkaroon ng sunog sa Katarungan St., Brgy. Caniogan, Pasig City na umabot hanggang ikaapat na alarma at may naitalang isang patay, na sinundan din ng isa pang insidente sa Brgy. 74 ng Caloocan City.
Umabot naman sa ikalawang alarma ang sunog na sumiklab, ilang minuto matapos ang putukan sa Brgy. Bagbag, Novaliches, Quezon City, habang ikatlong alarma naman sa Brgy. 19 ng Tondo, Maynila.
Agad din namang naapula ang pagkalat ng apoy matapos na rumispendo ang tauhan ng Bureau of Fire Protection at fire volunteers.
Samantalang pahirapan naman ang pagapula sa sunog ng isang commercial building sa Alvarado St., Binondo, Manila na pinaniniwaalang imbakan ng mga binebentang items.
Humabol pa ang isa ring sunog sa Guadalupe Viejo, Makati City.
The post Dose-dosenang biktima ng paputok, stray bullet, mga sunog, naitala sa pagsalubong sa 2018 appeared first on - News Portal Philippines.
Komentar
Posting Komentar