25 sugatan sa pumalpak na fireworks display sa Dagupan City

DAGUPAN CITY – Sugatan ang 25 katao matapos masabugan ng pumalyang paputok na sinindihan para sana sa pagdiriwang ng New Year’s eve sa Brgy. Calmay sa lungsod ng Dagupan.

Isinugod sa ospital ang mga biktima matapos silang magtamo ng sugat mula sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan dahil na rin sa sumablay na fireworks display.

Ayon sa mga otoridad, isasagawa sana noon ang fireworks display bilang bahagi ng selebrasyon sa pagsalubong sa bagong taon, ngunit pumalpak umano ito.

Taliwas sa inaasahan ng mga manonood na lilipad at puputok ito paitaas ay bigla na lamang umano itong sumabog sa baba o kaya sa kinalalagyan.

Dahil dito, tinamaan ang 25 bilang ng mga indibidwal na noon ay nanonood lamang.

Kabilang sa mga biktima ay mga bata, matatanda at ilang mga kalalakihan.

Agad namang dinala ang mga ito sa pagamutan upang lapatan ng paunang lunas na ngayon ay nasa mabuti ng kalagayan.

Nasa 24 din ang pinayagan ng makauwi sa kani-kanilang mga tahanan habang patuloy pang inoobserbahan ng mga doktor ang isa pang biktimang napaulat na nagdurugo ang tenga.

Samantala, sa pinakahuling ulat na naitala ng Region 1 Medical Center, umabot sa 39 ang bilang ng mga indibidwal na naputukan.

Isang biktima ang naitala noong Disyembre 24, dalawa naman noong Disyembre 31 at 36 anim naman ngayong Enero 1.

Source link

The post 25 sugatan sa pumalpak na fireworks display sa Dagupan City appeared first on - News Portal Philippines.

Komentar

Postingan populer dari blog ini

Unbelievable Transformation of a Cute Young Boy into a Stunning Lady Wows Netizens

PlayGirls bashed Angel Locsin for misjudgment on PGT

Brave Cancer Survivor Shares Her Story on Social Media to Encourage Other Sufferers