Duterte sa mga Pilipino: Pagnilayan ang kabayanihan ni Rizal

Hinikayat ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang sambayanang Pilioino na pagnilayan ang pag-aalay ng buhay ni Dr. Jose Rizal para sa bansa.

Sa kanyang mensahe sa ika-121 anibersaryo ng pagkamartir ni Rizal, sinabi ni Pangulong Duterte na alalahanin ang pagmamahal ng pambansang bayani sa bayan habang pinagsisikapan nating tuparin ang kanyang hangarin para sa nagkakaisa, mapayapa at maunlad na Pilipinas.

“Nawa’y magsilbing pagkakatapon ang okasyong ito upang ating kilalanin ang pag-aalay ni Dr. Rizal ng kanyang buhay para sa ating bansa. Pagnilayan natin ang kanyang pagmamahal sa bayan habang ating pinagsisikapang tuparin ang kanyang hangarin para sa isang nagkakaisa, mapayapa at maunlad na Filipinas,” ani Pangulong Duterte.

Una kanina, pinangunahan nina Pangulong Duterte at Vice President Leni Robredo ang paggunita ng Rizal Day ngayong araw sa Rizal Park, Maynila.

Pasado alas 7 ng umaga ng isagawa ang flag raising ceremony na pinangunahan ng dalawang lider ng bansa at sinundan ng pag-aalay ng bulaklak sa bantayog ni Dr. Rizal.

Matapos nito, nakipag-usap ang pangulo sa mga kamag-anak no Rizal bago ito umalis pabalik ng MalacaƱang.

Hindi na nagbigay ng mensahe si Pangulong Duterte maging ang bise presidente.

Ito na ang ikalawang pagkakataong pinangunahan ni Pangulong Duterte ang paggunita ng araw ng kamatayan ni Rizal sa Maynila.

Source link

The post Duterte sa mga Pilipino: Pagnilayan ang kabayanihan ni Rizal appeared first on - News Portal Philippines.

Komentar

Postingan populer dari blog ini

Unbelievable Transformation of a Cute Young Boy into a Stunning Lady Wows Netizens

PlayGirls bashed Angel Locsin for misjudgment on PGT

Brave Cancer Survivor Shares Her Story on Social Media to Encourage Other Sufferers