LPA na binabantayan ng PAGASA, tuluyan nang pumasok ng PAR

Tuluyan nang pumasok ng Philippine Area of Responsibility ang Low Pressure Area (LPA) na binabantayan ng PAGASA.

Ayon sa weather bureau, namataan ang LPA sa layong 960 kilometro sa Silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.

Ibinabala ng PAGASA na may 50% na posibilidad na maging bagyo ang LPA na tatawaging bagyong ‘Agaton’ sa mismong January 1 o kaya ay sa January 2.

Posible umano itong maglandfall sa Eastern Visayas o Eastern Mindanao, hapon ng Lunes o madaling araw ng Martes.

Habang lumalapit sa kalupaan ay posible itong magdala ng malalakas na ulan sa Eastern Visayas at Eastern Mindanao.

Samantala, ngayong araw, dalawang weather systems ang makakaapekto sa bansa.

Magdadala ng pag-ulan ang tail-end of cold front sa Bicol Region at Eastern Visayas.

Makakaapekto naman ang northeast monsoon na magdadala ng pulo-pulong pag-ulan sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Aurora, Quezon, Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon.

Source link

The post LPA na binabantayan ng PAGASA, tuluyan nang pumasok ng PAR appeared first on - News Portal Philippines.

Komentar

Postingan populer dari blog ini

Unbelievable Transformation of a Cute Young Boy into a Stunning Lady Wows Netizens

PlayGirls bashed Angel Locsin for misjudgment on PGT

Brave Cancer Survivor Shares Her Story on Social Media to Encourage Other Sufferers