191, naitalang firecracker related injuries sa pagsalubong ng 2018; 68% na mas mababa ayon sa DOH
Umabot sa 191 ang naitalang firecracker related injuries ng Department of Health (DOH) sa pagsalubong sa taong 2018.
Ang nasabing bilang ay naitala ng DOH mula noongDecember 21, 2017 hanggang umaga ng January 1, 2018.
Kung ikukumpara sa nakalipas na taon sa parehong period, bumaba ng 68 percent ang naitala ng ahensya na mga naputukan.
Ayon kay Health Sec. Francisco Duque, ito na rin ang maituturing na pinakamababa na kaso sa nakalipas ng limang taon o mula 2012 hanggang 2016.
Wala naman naitala ang ahensya na casualties at fireworks ingestion maliban na lang sa isang kaso ng stray bullet sa Caloocan City na kinumpirma ng Philippine National Police.
Karamihan sa mga naputukan na naitala ng DOH ay galing sa National Capital Region na binubuo ng 115 na kaso o katumbas ng 60%.
Sinundan ng Western Visayas na may 15, Central Luzon, CALABARZON at Bicol Region na may tig-13 kaso.
Mayorya naman sa mga naging biktima ang lalaki na nasa 84% habang 64% o katumabas ng 123 kaso ay active users.
Nanguna naman sa mga site of injury o tama ng mga naputukan ay sa kamay, mata, ulo, noo/braso, binti at dibdib.
Pinsalamatan naman ng ahensya ang Executive Order 28 ni Pangulong Rodrigo Duterte na sa kanilang paniwala ay malaki ang naitulong para bumaba ang bilang ng mga naputukan.
The post 191, naitalang firecracker related injuries sa pagsalubong ng 2018; 68% na mas mababa ayon sa DOH appeared first on - News Portal Philippines.
Komentar
Posting Komentar