Bagong Taon, biyaya ng Diyos upang makapagbagong buhay – CBCP
“Every brand-new year is a fresh start.”
Ito ang bahagi ng pahayag ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) – Episcopal Commission on Migrants and Itinerate People chairman at Balanga Bishop, Most Reverend Ruperto C. Santos, D.D.
Ayon sa Obispo, ang pagsalubong ng bawat tao sa panibagong taon ay isang pagkakataong binigay ng Diyos upang makapagbagong buhay.
Ang bagong taon anya ay nangangahulugan ng panibagong oportunidad, kabilang ang pagkatuto sa mga kamalian, pagtama sa mga ito at hindi na muling pag-ulit dito.
Hinihimok ng Obispo ang lahat na maging ‘best versions’ ng kanilang mga sarili at gawin ang lahat ng makakaya sa bawat gawain.
Ang bagong taon anya ay isa ring tyansa upang makabangon sa kasadlakan at nanawagan siyang gawin ng publiko ang lahat ng makabubuti para sa bayan.
Nagpaalala rin ang opisyal ng CBCP sa mga mananampalataya na alalahanin ang mga taong nakaapekto sa kanilang mga buhay bunsod ng mga sakripisyo at serbisyo ng mga ito.
The post Bagong Taon, biyaya ng Diyos upang makapagbagong buhay – CBCP appeared first on - News Portal Philippines.
Komentar
Posting Komentar