DoH handa sa ‘worst case scenario’; positibong bababa firecracker related cases
Tiniyak ni Health Sec. Francisco Duque III na hindi sila nagbaba ng preparasyon sa kabila nang mababang bilang ng mga napuputukan.
Ayon kay Duque, naghanda sila para sa worst case scenario, bagama’t positibo ang pag-asang mas mababa ang maitatalang biktima ng paputok.
Giit ng opisyal, hindi na baleng maging sobrang handa kaysa kapusin ng tulong ang biglaang mangangailangan ng medical attention.
Sa besperas ng bagong taon, nakapagtala ang DoH ng 86 firecracker injuries, kung sisimulan ang bilang mula noong Disyembre 21, 2017.
Lubhang malayo umano ito sa 162 cases na nai-record noong Disyembre 31, 2016.
Nasa 44 sa mga biktima ay nagmula sa National Capital Region (NCR).
Karamihan sa mga naputukan ay kalalakihan.
Habang 74 percent ng injuries ay bunga ng paggamit ng iligal na uri ng firecracker na piccolo.
The post DoH handa sa ‘worst case scenario’; positibong bababa firecracker related cases appeared first on - News Portal Philippines.
Komentar
Posting Komentar