P50,000 reward sa makakahuli sa gumagamit ng iligal na paputok sa Ilocos Norte
LAOAG CITY – Itinaas na sa P50,000 ang reward na maibibigay sa mga makakahuli ng taong gumagamit ng iligal na paputok sa lalawigan ng Ilocos Norte sa selebrasyon ng bagong taon.
Sa panayam ng Bombo Radyo Laoag kay S/Supt. Jose Melencio Nartatez Jr, provincial director ng Ilocos Norte PNP, kailangan nilang ipatupad ang RA 7183 o ang batas na nagre-regulate sa paggamit ng paputok.
Aniya, kailangan lamang na kuhanan ng litrato o video at kilalanin ang mahuhuling gumagamit ng iligal na paputok at agad dapat itong ipaalam sa pulisya.
Pwede rin umanong gawin ang citizen’s arrest.
Sa pamamagitan daw nito ay magiging mapayapa at maayos ang pagsalubong sa bagong taon.
Dagdag ni Nartatez na hinigpitan din nila ang pagmonitor sa mga magbebenta ng iligal na paputok at mga nagtitinda ng paputok sa hindi tamang lugar.
The post P50,000 reward sa makakahuli sa gumagamit ng iligal na paputok sa Ilocos Norte appeared first on - News Portal Philippines.
Komentar
Posting Komentar