2 tanod na sangkot sa Mandaluyong shooting incident, itinangging may dalang baril

Itinanggi ng dalawang barangay tanod na sangkot sa naganap na pamamaril sa isang AUV sa Mandaluyong City na mayroon silang mga baril.

Ayon kina Wilmer Doron at Ernesto Fajardo, hindi nila pinaputukan ang Mitsubishi Adventure. Anila pawang mga patpat lamang ang kanilang hawak nang tugusin nila ang naturang sasakyan na inakala nilang getaway vehicle ng lalaking namaril sa Barangay Addition Hills.

Sa sinumpaang salaysay na isinumite ni Fajardo, ang kanyang ibang mga kasamahang tanod ang itinurong mayroong hawak na baril.

Depensa nina Doron at Fajardo sa pangyayari, maling impormasyon ang ibinigay sa kanila ng mga residente sa lugar kaya nila tinugis ang naturang sasakyan, sa pag-aakalang sakay nito ang salarin sa pamamaril sa lugar.

Ayon naman sa mga pulis, gagamitin nila ang salaysay ni Fajardo laban sa mga armadong barangay tanod.

Source link

The post 2 tanod na sangkot sa Mandaluyong shooting incident, itinangging may dalang baril appeared first on - News Portal Philippines.

Komentar

Postingan populer dari blog ini

Unbelievable Transformation of a Cute Young Boy into a Stunning Lady Wows Netizens

PlayGirls bashed Angel Locsin for misjudgment on PGT

Brave Cancer Survivor Shares Her Story on Social Media to Encourage Other Sufferers