Namumuong bagyo nagbabanta sa Visayas, Mindanao sa New Year

Nakapasok na sa Philippine area of responsibility ang isang low pressure area (LPA) at nagbabantang mananalasa sa Visayas at Mindanao sa Bagong Taon.

Una ng binayo ng bagyong Vinta ang Visayas at Mindanao kamakailan kung saan 240 ang namatay habang marami pa ang nawawala at patuloy na pinaghahanap.

Sinabi ng PAGASA ngayong umaga, inaasahang magla-landfall o tatama sa lupa ang bagong LPA sa hilagang bahagi ng Visayas o Mindanao bukas ng hapon o sa umaga ng Martes.

Ang namumuong bagyo na papangalanang Agaton ay namataan sa layong 960 kilometro silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur kaninang madaling araw.

Samantala, nagbabala rin ang PAGASA ng mga pagbaha at landlides sa Bicol at Eastern Visayas regions dahil sa tail-end ng cold front na magdadala ng mga malalakas na pag-ulan.

Ang Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region (CAR), Aurora at Quezon ay makakaranas naman ng kalat-kalat na pag-ulan bunsod ng amihan.

Source link

The post Namumuong bagyo nagbabanta sa Visayas, Mindanao sa New Year appeared first on - News Portal Philippines.

Komentar

Postingan populer dari blog ini

Unbelievable Transformation of a Cute Young Boy into a Stunning Lady Wows Netizens

PlayGirls bashed Angel Locsin for misjudgment on PGT

Brave Cancer Survivor Shares Her Story on Social Media to Encourage Other Sufferers