Bilang ng mga naputukan ng piccolo, nadagdagan pa – DOH
Piccolo pa rin ang pinaka-mapanganib na uri ng paputok sa bansa.
Ayon sa datos na inilabas ng Department of Health, sa 77 biktima ng paputok ngayong taon, 49 sa mga ito ang dahil sa ipinagbabawal na piccolo.
Limang panibagong kaso ng naputukan ng piccolo ang nadagdag sa listahan ng DOH.
Sinasabing ipinuslit lamang ang mga kumakalat na piccolo sa merkado mula sa China, at kadalasang isinasama sa mga laruan para makalusot sa inspeksyon.
Sa kabila ng pagbaba ng bilang ng mga firecracker-related injuries, ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, hindi pa rin magiging kampante ang kagawaran dahil may ilang negosyante pa rin ang pasaway na nagbebenta ng mga iligal na paputok, at mayroon pa ring mga tumatangkilik dito.
The post Bilang ng mga naputukan ng piccolo, nadagdagan pa – DOH appeared first on - News Portal Philippines.
Komentar
Posting Komentar