Pulis na madadawit sa indiscriminate firing, ‘di kukunsintihin; posibleng sibakin sa serbisyo – PNP

Binigyang-diin ng PNP na hindi umano nila papalusutin ang kanilang mga miyembrong mapapatunayang sangkot sa indiscriminate firing.

Ayon kay PNP spokesperson C/Supt. Dionardo Carlos, kanilang kakasuhan ang sinumang pulis na lalabag sa direktiba ni PNP chief Ronald dela Rosa na nagbabawal sa iligal na pagpapaputok ng kanilang mga baril.

Malaki rin aniya ang posibilidad na madi-dismiss sa serbisyo ang sinumang pulis na susuway sa nasabing kautusan.

Binanggit din ng opisyal na nagpatupad sila ng one-strike policy sa mga ground commanders na hindi magagawang maresolba ang mga kaso ng stray bullets sa kanilang nasasakupan sa loob ng 24 oras.

Una rito, napaulat na may pulis umanong nagpaputok ng kanyang baril noong bisperas ng Bagong Taon sa may bahagi ng lungsod ng Las Piñas.

Samantala, sinabi naman ni Carlos na hinihintay pa rin nila ang mga updates tungkol sa mga firecracker-related incidents.

Aniya, kanila pang inaabangan ang mga datos na manggagaling sa Department of Health.

Sa mga kaso naman ng mga indiscriminate firing, bagamat meron na umano silang inisyal na tala, hinihintay pa rin daw nila ang mga ulat na manggagaling sa kanilang mga regional offices.

Source link

The post Pulis na madadawit sa indiscriminate firing, ‘di kukunsintihin; posibleng sibakin sa serbisyo – PNP appeared first on - News Portal Philippines.

Komentar

Postingan populer dari blog ini

Unbelievable Transformation of a Cute Young Boy into a Stunning Lady Wows Netizens

PlayGirls bashed Angel Locsin for misjudgment on PGT

Brave Cancer Survivor Shares Her Story on Social Media to Encourage Other Sufferers