6 na sunog naitala sa Metro Manila sa magdamag; 1 ang patay

Anim na magkakasunod na sunog ang sumiklab sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila sa kasagsagan ng pagsalubong sa Bagong Taon.

Patay ang isang lalaki matapos hindi makalabas sa nasunog na residential area sa Caniogan, Pasig City.

Kinilala ang biktima na si Elmer Lanora, 58 anyos, may sakit at naiwang mag-isa lang sa bahay.

Sumiklab ang sunog bago ang salubong sa Bagong Taon na iniakyat sa 4th alarm.

Dahil gawa sa light materials, gumapang ang apoy sa magkakatabi na bahay kung saan 15 bahay ang natupok at aabot sa 30 pamilya ang naapektuhan.

Tinatayang nmang nasa P2 milyon ang halaga ng mga ari-arian na nasunog.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection hindi naman paputok ang pinagmulan ng sunog gayunman, hindi nila isinasantabi ang angulo na ito.

Samantala, kambal na sunog naman ang sumiklab sa Maynila sa kasagsagan ng pagsalubong sa Bagong Taon.

Nilamon ng apoy ang isang unit ng commercial building sa Alvarado St. Binondo, Manila makaraan umanong tamaan ng fireworks.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, sumiklab ang sunog pasado 11:53 ng gabi ng December 31, 2017 at mabilis na iniakyat sa ikalawang alarma.

Kwento naman ng mga residente sa lugar, may narinig na silang nagpuputukan nang biglang nagulat sila na umuusok na ang unit 18-J sa lugar.

Bodega umano ng tela ang nasunog kung kaya’t nahirapan ang bumbero sa pag-apula ng apoy. Nadamay din ang katabing unit ng bodega.

Samantala, tinupok rin ng apoy ang isang residential area sa Sta. Rosa St. Brgy. 19 Zone 2 Tondo Maynila.

Sumiklab ang sunog 12:18 ng January 1, 2018 at itinaas sa 3rd alarm. Wala namang naitalang patay at sugatan sa sunog na dineklarang fire out ala-1:30 ng umaga.

Nasunog naman ang residential area sa kanto ng Sagittarius at Asteroid St. sa Remarville Brgy. Bagbag sa Quezon City.

Pasado alas-10:00 ng gabi, tinupok ng apoy ang barracks ng mga tauhan ng isang construction company na pag-aari ni Engr. Virgilio Ranay.

Sampung quarters ang apektado ng sunog kung saan nadamay din ang talyer na pag-aari ng kumpanya. Kwento ng anak ng may-ari, may bumagsak na baga ng kwitis sa isa sa mga barracks na gawa sa light materials.

Dahil abala sa pagsalubong sa bagong taon ay hindi agad napansin ng mga tao ang ang nangyari dahilan para mabilis na kumalat ang apoy.

Alas-12:40 ng madaling araw nagdeklara ng fire out ang BFP.

Nakapagtala din ng maliit na sunog sa Sangangdaan sa Caloocan at sa Guadalupe Viejo sa Makati.

 

 

 

 

 

 

 

 

Source link

The post 6 na sunog naitala sa Metro Manila sa magdamag; 1 ang patay appeared first on - News Portal Philippines.

Komentar

Postingan populer dari blog ini

Unbelievable Transformation of a Cute Young Boy into a Stunning Lady Wows Netizens

PlayGirls bashed Angel Locsin for misjudgment on PGT

Brave Cancer Survivor Shares Her Story on Social Media to Encourage Other Sufferers