‘Firecracker injuries bumaba ng 40% sa katulad na panahoon noong 2016’ – PNP
Bumaba ng 40 porsiyento ang kaso ng firecracker related injuries ngayong taon.
Ito ay batay sa datos ng Philippine National Police (PNP) kasama ang Department of Health (DOH).
Ayon kay PNP spokesperson C/Supt. Dionardo Carlos, umaasa ang pambansang pulisya na tatalima ang publiko sa panawagan na huwag ng magpaputok.
Layon nito para maging ligtas ang pagdiriwang at pagsalubong sa bagong taon para maiwasan na rin na magkaroon ng casualties na sanhi ng mga paputok.
Sinabi ni Carlos na mula December 21-29, 2017 nasa kabuuang 72 firecrackers related injuires na ang naiulat kung saan 40 percent o 48 cases na mababa kumpara nuong nakaraang taon.
Samantala, nasa 14 na indibidwal na ang naaresto dahil sa iligal na pagbebenta ng mga paputok habang nasa P14,230 na halaga ng mga illegal firecrackers ang nakumpiska ng PNP.
Sa kaso naman ng illegal discharge of firearms, siyam na katao ang naaresto, lima rito ay mga sibilyan, isang security guard, at isang government official.
Wala namang naiulat na kaso ng firecrackers ingestion at stray bullet injuries.
Inihayag ni Carlos na dahil sa maagang kampanya, operasyon at surprise inspection ng PNP sa iba’t ibang establishments ang nakatulong sa pagbaba ng mga kaso ng firecrackers at stray bullet incidents.
Hinimok naman ng PNP ang publiko na mag-upload ng mga larawan at vidoes sa social media sa mga indibidwal na gumamit ng armas sa pagsalubong sa bagong taon at i-report kaagad sa pinakamalapit na istasyon ng pulisya nang sa gayon agad ito maimbestigahan.
The post ‘Firecracker injuries bumaba ng 40% sa katulad na panahoon noong 2016’ – PNP appeared first on - News Portal Philippines.
Komentar
Posting Komentar