Postingan

Menampilkan postingan dari Juni, 2018

Malacañang, umaasa na matatapos na ang sisihan kaugnay sa “Samar misencounter”

    Umaasa ang Malakanyang na matitigil na ang sisihan makaraang akuin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang responsibilidad sa “Samar misencounter” na ikinasawi ng anim na pulis. Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, layon ng pag-ako ni Duterte na matuldukan na ang sisihan. Sinabi ni Roque, humihingi pa rin ng hustisya ang ilang kaanak ng mga namatay na pulis at iginiit na dapat mayroong managot sa nangyari. Tiniyak naman ng opisyal na magtutulungan na at magkakaroon ng mas maayos na koordinasyon ang militar at pulisya upang hindi na maulit ang anumang insidente o trahedya sa hinaharap. Noong June 25, anim na pulis ang patay sa dalawampung minutong engkwentro sa pagitan ng mga miyembro ng 805th Company of the Regional Mobile Force Battalion ng Philippine National Police at tropa ng 87th Infantry Battalion of Philippine Army.   Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudai...

Sandiganbayan, ibinasura ang bail motion ng dating chief of staff ni JPE

Mananatili pa rin sa kulungan si Gigi Reyes, ang dating chief of staff ni ex-Senator Juan Ponce Enrile. Ito’y makaraang ibasura ng Sandiganbayan 3rd division ang bail motion ni Reyes, sa katwiran na lahat ng mga testimonya ng mga whistleblower sa Pork Barrel scam ay “consistent” at kapaniwala-wala at ebidensya para sa “probable guilt” ng akusado. Binigyang-bigat din ng korte ang mga testimonya ni Ruby Tuason na nagdeliver daw siya ng kickbacks kay Reyes mula noong 2006 hanggang 2009. Ito’y sa kabila ng kabiguan ni Tuason na matandaan kung magkano ang eksaktong halaga ng pera at anu-ano ang mga proyektong pinagmulan ng kickbacks. Bukod dito, ginamit ng Sandiganbayan sa kaso ni Reyes ang naunang desisyon ng korte noong November 2017 sa mosyon ni Janet Lim-Napoles na makapag-piyansa, na kinalauna’y ibinasura. Ayon sa korte, walang sapat na rason para makapag-piyansa si Reyes. Dahil dito, mananatiling naka-detine si Reyes sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City, habang dinidinig ang plun...

1 patay, 6 arestado sa drug buybust operation sa Lucena

Isa ang patay, anim ang arestado habang isa ang nakatakas matapos salakayin ng mga pulis ang isang shabu drug den sa Lucena City kaninang umaga. Ayon sa Lucena City Police Station o LCPS, naganap ang buybust operation sa Sibang Purok 2, Bangkusay, Barangay Dalahican dakong alas-sais ng umaga. Kinilala ang napaslang na suspek na si George Marcon, habang ang nakatakas ay si Manuel Magpantay alyas fruitcake. Ang mga naarestong suspek naman ay sina Mary Ann Magpantay, Jomar Bautista, Jhomark Rima, Rinato Tianela, Benji Leona at Edgar Arcilla, na pawang sangkot sa transaksyon ng droga. Sinabi ng LCPS na ginawa ang drug buybust operation makaraang maireport na mayroong tiangge at drug den sa naturang lugar. Isang pulis ang nagpanggap na buyer, na nakabili naman ng hinihinalang shabu. Ngunit nang makaramdam na pulis ang kanilang ka-transaksyon, ang mga suspek na sina Marcon at Magpantay ay bumunot ng mga baril at pinaputukan ang mga pulis. Narekober sa crime scene ang isang piraso n...

5 patay sa pagsalpok ng jeep sa isang puno sa Jalajala, Rizal

  Nasawi ang limang katao habang sugatan ang hindi bababa sa sampu na indibidwal makaraang sumalpok ang isang pampasaherong jeepney sa puno sa Jalajala, Rizal kagabi (June 30). Naganap ang aksidente sa Sitio Biga, Barangay Bayugo, Jalajala. Kabilang sa mga namatay ang drayber ng jeep na kinilalang si Francisco Abesamis, at kanyang misis na si Grace. Nasawi rin ang mga pasahero ng jeep na si Winnie Rodriguez at mga batang nagngangalang Karyll at Kiell Aaron. Batay sa imbestigasyon, matulin ang andar ng sasakyan na nag-overtake pa sa isang kotse. May iniwasang lubak din ang jeep, pero nasobrahan sa kabig dahil may kasalubong na trak. Doon na napatagilid ang jeep at sumalpok na sa isang puno ng narra. Isinugod sa Rizal Provincial Hospital at Jalajala Municipal Hospital ang mga sugatang pasahero, at kasalukuyang nagpapagaling.   Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. ...

Matthysse, tatapusin ang boxing career ni Pacquiao – De La Hoya

Kumpiyansa si Golden Boy Promotions CEO at boksingerong si Oscar De La Hoya na tatapusin ni Lucas Matthysse ang boxing career ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao. Ayon kay De La Hoya, ang bawat “legend” o alamat ay may katapusan. Sa kanyang palagay, ang laban daw ni Pacquaio kay Matthysse ay ang katapusan na ng Filipino boxing champ. Matatandaang tinalo na ni Pacquiao si De La Hoya sa kanilang boxing match noong December 6, 2008 sa MGM Grand Garden Arena, Las Vegas, Nevada sa Amerika. Sina Pacquiao at Matthysse ay nakatakdang magtunggali sa darating na July 15 sa Kuala Lumpur, Malaysia. Regular welterweight championship ng World Boxing Association ang tatangkaing kunin na titulo ni Pacquiao mula kay Matthysse.   Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards. Source link The post...

Resulta ng imbestigasyon sa Samar ‘misencounter’ nakatakdang ilabas ngayong linggo

Kapwa inamin ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) na nakatakda ng ilabas ngayong linggo ang resulta ng imbestigasyon kaugnay nangyaring madugong “misencounter” sa Samar na ikinasawi ng anim na pulis habang siyam ang sugatan. Ayon kay PRO-8 spokesperson PSupt. Gerardo Avengoza sa panayam ng Bombo Radyo , sinabi nito na ngayong linggo inaasahan na ilabas ng Board of Inquiry ang resulta ng imbestigasyon. Hindi naman batid ni Avengoza kung anong araw ilalabas ang resulta ng imbestigasyon. Bukas, Lunes, July 2018, magkakaroon ng deliberasyon ang BOI ng PNP at AFP kaugnay sa ginagawang imbestigasyon. Samantala, nasa proseso pa sa pagtukoy ngayon ng Board of Inquiry (BOI) ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kung kaninong panig nagmula ang posibleng paglabag sa standard operating procedure (SOP). Ayon Lt. Gen. Rafael Valencia, chairman ng BOI, dito ngayon nakatutok ang kanilang imbestigasyon. Sa ngayon kasi, hindi pa maliwanag sa both sides ku...

1 patay, 6 arestado sa drug buybust sa Lucena

Isa ang patay, anim ang arestado habang isa ang nakatakas matapos salakayin ng mga pulis ang isang shabu drug den sa Lucena City kaninang umaga. Ayon sa Lucena City Police Station o LCPS, naganap ang buybust operasyon sa Sibang Purok 2, Bangkusay, Barangay Dalahican dakong alas-sais ng umaga. Kinilala ang napaslang na suspek na si George Marcon, habang ang nakatakas ay si Manuel Magpantay alyas fruitcake. Ang mga naarestong suspek naman ay sina Mary Ann Magpantay, Jomar Bautista, Jhomark Rima, Rinato Tianela, Benji Leona at Edgar Arcilla. Sinabi ng LCPS na ginawa ang drug buybust operation makaraang maireport na mayroong tiangge at drug den sa naturang lugar. Isang pulis ang nagpanggap na buyer, na nakabili naman ng hinihinalang shabu. Ngunit nang makaramdam na pulis ang kanilang ka-transaksyon, ang mga suspek na sina Marcon at Magpantay ay bumunot ng mga baril at pinaputukan ang mga pulis. Narekober sa crime scene ng isang piraso ng revolver na baril, drug paraphernalias at mg...

‘Federalism survey, lalong nagpalakas sa amin na isulong nang husto’ – Speaker Alvarez

Hindi umano nababahala ang PDP-Laban sa resulta ng pinakabagong Social Weather Stations (SWS) survey hinggil sa kaalaman ng mga Pilipino sa isinusulong na federalism form of government ng administrasyong Duterte. Sa panayam ng Bombo Radyo, pinuna ni PDP-Laban Secretary-General at House Speaker Pantaleon Alvarez ang kasalukuyang sistema sa bansa na unitary form of government. “Para sa akin, very encouraging ‘yan [result]. It’s a very good result, you know why? Pag nag-survey ka kung ilang Pilipino ang may alam ng unitary form, baka wala pang one. Matagal na nating pina-practice ang unitary form, panahon pa ng Kastila ini-introduce na sa atin. Pero sa totoo lang, sino bang nakakaalam kung ano ang unitary form of government?,” ani Alvarez na isa sa pinakamasugid na nagsusulong sa pederalismo. Batay kasi sa SWS survey nitong nakaraang Marso, lumalabas na isa mula sa apat na Pilipino o nasa 25 porsyento ng 1,200 respondents sa buong bansa ang may ideya sa pederalismo. Sa ilalim nit...

Ateneo, nakamit ang kauna-unahang Filoil Preseason Cup title mula 2011

Tinalo ng Ateneo ang defending champion na San Beda sa Filoil Preseason Cup sa iskor na 76-62 sa kanilang championship game kahapon sa Filoil Flying V Centre sa San Juan. Dahil dito, nakamit ng Ateneo ang kanilang kauna-unahang titulo sa torneo mula taong 2011. Hindi natalo ang Blue Eagles sa loob ng 12 laban patungong championship game. Nanguna para sa Ateneo si Tournament MVP Angelo Kouame sa kanyang 15 points, 16 rebounds at three blocks. Ayon kay Ateneo assistant coach Sandy Arespacochaga, ang panalong ito ay hindi maikakailang dahil sa kanyang mga manlalaro na hindi nakapagsanay matapos ang tatlong araw na sunud-sunod na laro mula ng dumating sa kanilang training camp sa Greece. Samantala, ayon kay San Beda coach Boyet Fernandez, ang kanilang pagkatalo sa Ateneo ay magsisilbing aral para sa kanilang paghahanda naman sa NCAA. Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserv...

Comelec, nag-iimbita na ng bidders para sa mga kakailanganin sa 2019 elections

Sinimulan na ng Commission on Elections (Comelec) ang pag-imbita sa mga interesadong bidders na handang magsuplay ng mga kakailanganin ng poll body para sa May 2019 midterm elections. Inanunsyo ng Special Bids and Awards Committee ng ahensya ang kahandaan para sa procurement at leasing ng mga thermal papers at external batteries na kakailanganin para sa vote counting machines. Inaprubahan ang budget na P117.4 milyong piso para sa 1.16 million rolls ng thermal paper o P110 kada isa, habang maglalaan naman ng P174.9 million para sa leasing ng 97,350 external batteries o P1,797 kada isa. Naghahanap na rin ang Comelec ng service provider na titiyak sa transmission ng resulta ng eleksyon at naglaan ng halos P1.18 bilyon ang Comelec para sa kontrata nito. Inilatag na ng ahensya ang requirements sa mga interesadong bidders tulad ng ‘completion’ ng kahalintulad na kontrata ng Comelec para sa external batteries sa loob ng walong taon habang dapat ay maabot ng bidder para sa thermal paper a...

‘World Cup: Messi, Ronaldo ‘di na magtatagpo sa pag-KO sa kanilang teams sa Last 16’

Doble ngayon ang pagluluksa ng mga football fans matapos hindi na makausad pa sa quarterfinals ng World Cup ang mga powerhouse teams Argentina at Portugal. Una rito, minalas ang koponan ni soccer legend Lionel Messi matapos silang payukuin ng France, 4-3, sa kanilang Round of 16 match sa Kazan Arena. Sinelyuhan ni Kylian Mbappe ang tagumpay ng France sa pamamagitan ng kanyang dalawang goals na naipasok sa loob lamang ng apat na minuto sa second half. Dahil sa pagkatalo ng La Albiceleste, hindi maiwasan ng ilang mga tagahanga na mapaluha dahil sa masaklap na pagkatalo. Katunayan, sa Kazan Arena ay makikita ang mga fans na nakatungo na lamang habang dinadamdam ang pagkabigo ng kanilang national team. Inaasahan kasi ng mga tagahanga na magpapakitang gilas si Messi sa Last 16, kasunod ng kanilang “miracle win” kontra Nigeria sa group stage. Nakasandal sa balikat ni Messi ang expectations ng buong Argentina na maibabawi nito ang kanilang football team sa hindi nila pagkakasungkit ng k...

Sa Belgium: 8 anyos na batang lalaki, papasok na ng kolehiyo

Nagtapos sa high school ang isang 8 taong gulang na bata sa Belgium at nakatakda na agad pumasok sa kolehiyo. Nakumpleto ng batang nakilalang si Laurent Simons sa loob lamang ng isa’t kalahating taon ang anim na taon sanang pag-aaral sa high school. Ayon sa mga magulang ni Laurent, mayroong Intelligence Quotient (IQ) ang bata na 145 at nakamit na ang kanyang high school diploma sa isang klase na puro 18-anyos. Sa panayam ng isang radio station sa Belgium sa bata, sinabi nitong ang paborito niyang asignatura ay Mathematics dahil sa lawak ng sakop nito kabilang ang ‘statistics’,’ geometry’ at ‘algebra’. Ayon kay Laurent, ikinunsidera niya na maging isang ‘surgeon’ o hindi kaya ay ‘astranaut’ ngunit sa ngayon anya ay gusto niyang trabahong may kinalaman sa computers. Ayon sa kanyang tatay, naging mahirap para sa bata na makipaglaro sa kanyang mga kapwa-bata at hindi ito naging interesado sa mga laruan. Samantala, matapos ang dalawang buwan na bakasyon, ay magsisimula na sa kolehiyo...

Bagong barangay officials, binalaan ng DILG kasabay ng pagsisimula ng termino

Hinamon ngayon ni Interior Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño ang mga nahalal na opisyal ng barangay na gawin ang mandato ayon sa tungkuling nakaatang sa kanila at hindi dahil sa pakinabang. Ang pahayag ni Diño sa panayam ng Bombo Radyo ay kasabay na rin ng pagsisimula nitong Hunyo 30 ng panunungkulan ng mga barangay officials na nahalal noong buwan ng Mayo. Para sa DILG official, seryosong imo-monitor ng kanilang tanggapan ang performance ng mga kapitan sa mahigit 40,000 barangay sa buong bansa. Kung mabibigo umano ang mga ito sa kampanya sa kalinisan, trapiko, kontra droga, kontra sugal at iba pa, tiyak na suspensyon ang aabutin o kaya ay pagkakatanggal sa pwesto. “Malaki ang papel ng mga barangay, sila ang dapat manguna dito sa mga kampanya natin sa paglaban sa iligal na droga, ‘yung trapiko, kalinisan ng kalsada at mga ilog, at kung hindi nila magawa suspendido sila. Nandito kami sa DILG at imo-monitor talaga natin ‘yan,” wika pa ni Diño sa panayam ng Bombo Radyo ...

Rocket sa Japan, bumagsak at sumabog ilang segundo matapos paliparin

Bumalik sa lupa ang rocket na pinalipad sa Japan anim na segundo matapos ang take-off nito. Isang malakas at nagliliyab na pagsabog ang naganap matapos ang pagbagsak ng rocket na may pangalang MOMO-2. Pinalipad ang rocket sa bayan ng Taiki sa Hokkaido, dulong-hilagang isla ng Japan. Inaasahan sanang aabot ito ng 100 kilometro o 62 milya sa kalawakan. Gayunman sa television footage, makikita na umangat lang ng kaunti sa lupa ang rocket bago muling bumagsak at nagresulta sa malakas na pagsabog. Maswerte namang walang nasaktan sa insidente. Humingi na ng paumanhin si Takahiro Inagawa, presidente ng Interstellar Technologies na siyang lumikha sa rocket at sinabing maaaring engine failure ang dahilan ng pagbagsak nito. Aatasan anya niya ang kanyang grupo na kolektahin na ang debris upang imbestigahan ang pangyayari. Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to ex...

Mga miyembro at taga-suporta ng LGBT Community, dumagsa sa Metro Manila Pride March

Tila kinulayan ng mga miyembro ng lesbians, gays, bisexual and transgenders (LGBT) community ng bahaghari ang Marikina Sports Complex. Ito ay bilang selebrasyon ng komunidad sa huling araw ng Pride Month kung saan kanilang isinagawa ang Metro Manila Gay Pride March and Festival. Libu-libong mga taga-suporta at miyembro ng LGBT ang dumagsa sa nasabing pagtitipon na layong ipanawagan ang pantay na karapatan para sa kanilang komunidad dito sa Pilipinas. Sa isang panayam, sinabi ni Metro Manila Pride overall co-coordinator Nicky Castillo na inorganisa ang pagtitipon upang mabigyan ng ‘safe space’ ang LGBT members para ipaglaban ang kanilang mga karapatan. Ang tema ng selebrasyon ay ‘Rise Up Together’ at ito ang kauna-unahang Pride March sa Southeast Asia at pangalawa naman sa buong kontinente. Hindi naman napigilan ang kasiyahan ng LGBT ng protesta at pagtuligsa ng ilang grupo sa labas ng sa Marikina Sports Complex. Iprinotesta ng ilang grupo na isang kasalanan ang pagiging miyembro...

Brgy. chairman na tulak ng droga arestado sa Basilan

Timbog ang umano’y pangunahing narco-politician sa Lamitan City, Basilan. Ikinasa ng pwersa ng militar, pulisya at Philippine Drug Enforcement Agency ang operasyon laban sa kapitan ng Barangay Bato na si Adzhar Macrohon alyas “Ombok”. Si Macrohon ay isang drug surrenderer na kapapanalo lamang sa eleksyon noong Mayo. Nakatakda sanang umupo bilang kapitan si Macrohon para sa kanyang ikatlo at huling termino ngayong araw nang inarest siya dakong alas-5:30 ng umaga. Nakumpiskasa kanya ang P100,000 halaga ng anim na pakete at isang sachet ng hinihinalang shabu, kalibre .45 na baril, ilang patalim, magazine ng M16, ammunitions at granda. Inako ni Macrohon ang ammunition at granadang nakuha sa kanya pero itinangging supplier siya ng iligal na droga. Ayon sa PDEA, hindi sumailalim ang suspek sa mandatory drug test para sa mga bagong halal na opisyal ng barangay. Isa umano si Macrohon sa pinakamalaking supplier ng groga sa mga barangay ng Boton at Languyan sa bayan ng Mohamad Ajul. D...

200 kilo ng botcha nasabat sa Maynila

Nasabat ng mga otoridad ang 200 kilo ng botcha o double dead na karne sa isang palengke sa Maynila. Bago mag-alas-2:00 ng umaga, nagsagawa ng operasyon ang Veterinary Inspection Board sa isang palengke sa Recto-Ilaya. Gayunman, nakatakas ang mga suspek na may dala ng nasabing mga bocha. Ibinebenta ang naturang botcha o double dead meat nang kalahati ng halaga ng presyo ng karne sa sa merkado. Binalaan naman ni Dr. Jose Fajardo ng Manila Veterinary Inspection Board ang mga nagbebenta ng botcha. Maaaring makulong nang anim na buwan hanggang 12 ang mga ito at pagmumultahin ng P100,000 hanggang isang milyong piso. Masama sa kalusugan ang botcha na maaring magdulot ng food poisoning, pagtatae, pagsusuka, lagnat o trangkaso. Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards. Source link The ...

“Thinking Pinoy” kakasuhan ng libel dahil sa paninira kay Trillanes

May go signal na ang Pasay City Prosecutor’s Office para kasuhan ng libel si “Thinking Pinoy” blogger Rey Joseph “RJ” Nieto dahil sa pagtawag kay Sen. Antonio Trillanes IV na “narco-politician” sa isa sa kanyang mga posts. Inirekomenda ng city prosecutor na sampahan ng kasong paglabag sa Cybercrime Prevention Act of 2012 si Neito dahil sa mali at walang basehan na paninira kay Trillanes. Ayon sa piskalya, dapat litisin si Nieto sa Cyber-libel dahil sa kanyang mga naipost na pahayag sa pamamagitan ng Facebook. Hindi naghain si Nieto ng counter-affidavit sa preliminary investigation ng kaso. Kinasuhan ng senador ang blogger noong November 22, 2017 kasunod ng post ni Nieto noong October 31 kung saan sinabi nito na tinawag umano ni US Pres. Donald Trump na “narco,” isang termino patungkol sa taong sangkot sa droga o isang drug lord. Sinabi naman ni Trillanes na ang resolusyon ay dapat na magsilbing babala kay Nieto at sa ibang bloggers ng administrasyon na tumigil sa pagkakalat ng ka...

MWSS officials kakasuhan dahil sa itinagong plano sa rate adjustments

Binabalak ng Water for All Refund Movement (WARM) na maghain ng reklamo sa Office of the Ombudsman laban sa mga opisyal ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) dahil sa hindi pagsasapubliko ng detalye ng adjustment sa singil ng dalawang water concessionaire. Ipinahayag ni WARM President Rodolfo Javellana Jr. na niluluto nila ang kasong paglabag sa Freedom of Information (FOI). Ayon kay Javellana, humiling ng mga kopya ng rate adjuetment ng Maynilad at Manila Water ang WARM noong July 7, 2017 alinsunod sa FOI executive order. Aniya, mahigit isang taon na ang kanilang request pero hindi pa rin ito natutugunan. Iginiit ni Javellana karapatan ng publiko na malaman ang mga naging batayan ng water concessionaire para sa rate adjustments. Noong nakaraang linggo, nagsagawa ng publilc consultations ang MWSS ukol sa hirit ng Maynilad na P11 per cubic meter na dagdag-singil at P8.30 per cubic meter na hirit ng Manila Water. Disclaimer: The comments uploaded on this site do...

Mayorya ng mga Pinoy, ayaw sa ‘same-sex marriage’ – SWS survey

Karamihan umano ng mga Pilipino ay kontra sa panukalang gawing ligal sa Pilipinas ang same-sex marriage. Batay ito sa resulta ng Social Weather Stations (SWS) survey na inilabas sa huling araw ng tinaguriang “Pride Month.” Nakasaad sa survey na 61 porsyento mula sa 1,200 respondents sa buong bansa ang nagsabing kokontrahin nila ang anumang panukalang gawing ligal ang same-sex marriage sa bansa kung saan 44 porsyento rito ay mahigpit ang pagtutol. Nasa 22 percent lamang ang nagpahayag ng suporta sa panukala habang 16 percent ang “undecided” o wala pang posisyon. Inihayag ng SWS na 74 percent ng mga respondents na miyembro ng Iglesia ni Cristo (INC) at 70 percent mula sa ibang Christian denominations ay kontra sa same-sex marriage. Sa mga Muslim at Katolikong respondents, 60 percent ang kontra rin sa same-sex unions. Isinagawa ang survey sa pamamagitan ng face-to-face interviews mula March 23 hanggang 27. Source link The post Mayorya ng mga Pinoy, ayaw sa ‘same-sex marriage’ – SW...

5th floor ng EAMC puno na ng mga pasyenteng may Leptospirosis

Halos mapuno na ng mga pasyenteng may leptospirosis ang lobby ng ikalimang palapag nai-convert na bilang ward ng East Avenue Medical Center (EAMC) sa Quezon City. Sinabi ni EAMC Public Health Unit head Dr. Dennis Ordoña na sa kasalukuyan ay puno na rin ng mga leptospirosis patients ang ward malapit sa kanilang emergency room. Karamihan sa mga pasyante sa EAMC ay iyung mga hindi na tinanggap sa National Kidney and Transplant Institute dahil marami na rin doon ang mga pasyenteng may leptospirosis. Sa kasalukuyan ay mayroon na silang 61 na pasyente at 41 sa mga ito ang sumasailalim sa dialysis. Ang leptospirosis ay isang sakit na nakukuha mula sa maruming tubig-baha kung saan ang bacteria nito ay nagmumula naman sa mga dumi ng daga. Sinabi ng Department of Health na dapat mag-ingat ang publiko sa paglusong sa maruming tubig dahil nakamamatay ang leptospirosis. Bagaman sapat ang supply ng doxycycline medicine na siyang pangunahiung gamot sa leptospirosis, sinabi ng DOH na dapat ay m...

Pagkilala ng US sa Phl efforts vs human trafficking, ibinida ng gov’t

Labis na ikinagalak ng gobyerno ng Pilipinas ang pinakabagong Trafficking In Persons Report na inilabas ng US State Department. Sa nasabing report, sa ikatlong pagkakataon ay nakakuha ng Tier 1 status ang Pilipinas, isang pagkilala sa kampanya at pagsisikap ng gobyerno laban sa human trafficking. Sinabi ni Foreign Affairs Sec. Alan Cayetano, ang nasabing pagkilala ay nagpapatunay na tama umano at epektibo ang ginagawa ng Duterte administration para masugpo ang human trafficking sa bansa. Ayon kay Sec. Cayetano, dahil sa nasabing report, lalo pang lalakas ang determinasyon ng gobyerno sa pagbibigay proteksyon sa mga maaaring maging biktima ng human trafficking at paghahabol hanggang pagpataw ng kaukulang parusa sa mga traffickers. Kaugnay nito, ipagpapatuloy ng Pilipinas ang pagbibigay ng pinakamataas na prayoridad sa mga hakbang para labanan ang trafficking in persons sa pakikipag-ugnayan sa Estados Unidos at sa buong international community. “The 2018 Trafficking in Persons Repor...

Sundalo huli dahil sa blackmail at sexual assault

Arestado ang isang sundalo dahil sa pag-blackmail sa dalawang dati nitong girlfriends na makipagtalik sa kanya kundi ay ipo-post niya ang kanilang mga hubad na larawan at sex videos sa internet. Ayon kay Insp. Orlan Capili, Ilagan Police chief, bina-blackmail ni Private First Class Rene Cantomayor, nakatalaga sa 5 th  Infantry Battalion sa Isabela, ang kanyang dalawang ex-girlfriends na hindi nito alam ay magkakilala. Sinabi ng isa sa mga babae na binantaan din siya ni Cantomayor na sasaktan siya kapag hindi siya pumayag na muling makipagtalik sa kanya. Ang isa namang babae na kamakailan lamang nakipag-break sa sundalo ay muling humirit na makasama siya sa huling pagkakataon bago mare-assign sa Mindanao. Nahaharap si Cantomayor sa kasong grave coercion at paglabag sa batas ukol sa violence against women. Pwede rin itong makasuhan ng cybercrime dahil laman ng cellphone nito ang mga hubad na larawan at video ng dalawa nitong biktima. Disclaimer: The comments uploaded on thi...

High school graduates dapat payagang magpulis ayon sa hepe ng QCPD

Kung siya ang tatanungin ay gusto ng hepe ng Quezon Police District na ibaba ang educational requirements para sa mga nais magpulis. Ayon kay QCPD Director Chief Supt. Joselito Esquivel Jr., dapat na payagan din na magpulis ang mga nakapagtapos ng high school. Sinabi ni Esquivel na mas magpupursigi ang mga nakatapos ng high school na patunayan ang kanilang sarili dahil mas mababa ang kanilang kwalipikasyon pagdating sa edukasyon. Aniya, maangas na kasi ang mga nakatapos ng kolehiyong nais magpulis at hindi na mautusan. Dagdag pa ni Esquivel, mas gusto magtagumpay ng mga nakapagtapos ng high school, lalo na sa pag-aaral sa batas. Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards. Source link The post High school graduates dapat payagang magpulis ayon sa hepe ng QCPD appeared first on - N...

PAGASA: Bagyong Florita lumakas pero papalabas na ng bansa

Bahagyang lumakas pero bumagal ang bagyong Florita habang palabas ng bansa. Ayon sa PAGASA, huling namataan ang bagyong Florita sa layong 795 kilometers sa Silangan ng Basco, Batanes. Taglay nito ang lakas ng hangin na 85 kilometers per hour at bugsong 105 kilometers per hour. Asahan ang katamtaman hanggang malakas an ulan sa 625-kilometer diameter ng bagyo. Ang buntot ng bagyo ay nagdudulot ng pag-uulan at thunderstorms sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region at Cagayan Valley. Inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Florita Linggo ng hapon. Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards. Source link The post PAGASA: Bagyong Florita lumakas pero papalabas na ng bansa appeared first on - News Portal Philippines .

NPA naka-enkwentro ng AFP sa Occidental Mindoro

Nakasagupa ng militar ang mga hinihinalang myembro ng New People’s Army na nagtangkang magtanim ng pampasabog sa Sta. Cruz, Occidental Mindoro kahapon. Ayon kay Brig. Gen. Antonio Parlade Jr., commander ng Philippine Army 203rd Infantry Brigade ng 2nd Infantry Division, nakaengkwentro ng 76th Infantry Battalion ang tinatayang 40 rebeldeng komunista sa Barangay Pinagturilan. Nagsimula ito dakong ala-1:30 ng hapon na nagtagal nang 15 minuto. Sinabi ni Parlade na nagtatanim ng landmine ang NPA sa Sitio Kanambangan. Wala namang nasugatan sa panig ng militar pero ani Parlade, hinihinalang may nasugatan sa mga rebelde dahil sa mga nakitang bakas ng dugo sa pinangyarihan ng insidente. Narekober sa lugar ang improvised explosive devices, mga baril at ammunitions, cellphone, mga dokumento at mga gamot. Tinutugis na ngayon ng pulisya at militar ang NPA. Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudaily...

Bagong online hotline ng NCRPO dinagsa ng mga sumbong at reklamo

Positibo ang naging pagtanggap ng publiko sa paglunsad ng hotline ng National Capital Region Police Office ayon kay Chief Supt. Guillermo Eleazar. Ipinahayag ng NCRPO Director na nakatanggap ng mahigit 500 ulat at impormasyon ang NCRPO hanggang kahapon ng hapon araw ng Biyernes. Ito ang kauna-unahang hotline na maaaring ma-access gamit ang iba’t ibang instant messaging applications. Dito maaaring ireklamo ng publiko ang mga krimen at mga tiwaling pulis. Ayon kay NCRPO Chief Guillermo Eleazar, inakusyunan ng pulisya ang ilang mga ulat na maaaring tugunan kaagad tulad ng ilang pagresponde sa mga tawag. May mga natanggap din ang NCRPO na ulat ukol sa mga pasaway na pulis. Dadaan sa validation ang nasabing mga tips at kapag nagpositibo ay kaagad nila itong ipararating sa intelligence unit. Sinabi ni Eleazar na binabantayan ng pulisya ang hotline 24/7. Maaaring maghain ng reklamo at magbigay ng lihim na impormasyon ang publiko sa hotline sa paamamagitan ng Viber, WhatsApp, Telegram...

Duterte personal na makikipag-pulong sa mga obispo

Personal na makikipag-dayalogo si Pangulong Rodrigo Duterte sa Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP). Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Harry Roque matapos aniyang mapagkasunduan sa kanilang pagpupulong ni Papal Nuncio Gabriel Giordano Caccia. Dagdag ni Roque, sang-ayon ang Malacañang at Simbahang Katolika na magtulungan para sa publiko. Matatandaang bumuo ng komite si Duterte para makipagdayalogo sa Simbahang Katolika at iba pang religious groups kasunod ng pagtuligsa ng Pangulo sa Diyos at sa mga turo ng Simabahang Katolika. Kahapon ay inimbitahan ang pangulo na dumalo sa Pope’s Day sa Maynila pero hindi niya ito sinipot sa halip ay nagpadala na siya ng kanyang mga kinatwan. Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards. Source link The post Duterte persona...

SWS: 61-percent ng mga Pinoy ayaw sa same-sex marriage

Kasabay ng pagdiriwang ng Pride Month ay inilabas ng Social Weather Stations (SWS) ang resulta ng kanilang survey kaugnay sa isyu ng legalisasyon ng same-sex marriage. Ayon sa SWS survey, 61-percent ng mga Pinoy ang hindi pabor “disagree” sa pag-aasawa ng lalaki sa kapwa lalaki o kaya naman ay babae sa kanyang kapwa babae. Sa nasabi ring survey na ginawa gamit ang 1,200 respondent ay umaabot sa 44-percent ang nagsabi na sila ay matinding tumututol o “strongly disagree” sa same-sex marriage. Samantalang ang natitirang 17-percent naman ang nagsabi na sila ay “somewhat disagree”. Ang nasabing survey ay ginawa noong March 23 hanggang 28. Kamakailan lang ay naging sentro ng mga talakayan ang oral argument sa Supreme Court kung saan ay tinalakay ang petisyon ng ilang grupo ng gustong gawing legal ang same-sex marriage sa bansa. Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the ri...

Roque-Papal Nuncio meeting: ‘CBCP head at Duterte, maghaharap’

Nagkasundo umano ang estado at Simbahang Katolika na magtulungan para sa pakinabang at kapakanan ng mga mamamayan. Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, isa ito sa napagkasunduan nila ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Gabriele Giordano Caccia kagabi sa Papal Nuncio Residence sa Taft Avenue, Maynila kasabay ng selebrasyon ng Pope’s Day o kaya kapistahan nina San Pablo at San Pedro. Ayon kay Sec. Roque, nagkasundo rin silang magkaroon ng one-on-one dialogue sina Pangulong Rodrigo Duterte at Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) President at Davao Archbishop Romulo Valles. Inihayag ni Sec. Roque na welcome din kay Archbishop Caccia na magkaroon ng meeting kay Pangulong Duterte. Napag-alamang nagkaroon ng isang oras na private meeting kagabi sina Sec. Roque at ng Papal Nuncio kung saan itinuturing ng kalihim na mabunga. Magugunitang si Pangulong Duterte ang inimbitahan ng Papal Nuncio na siyang kinatawan ng Santo Papa sa Pilipinas para dumalo sa se...

PNP binalaan ni Lacson sa pagsunod sa iligal na utos ni Duterte

Pinayuhan ni Sen. Ping Lacson ang Philippine National Police na pagsunod sa mga “illegal orders” galing sa mga matataas na opisyal ng pamahalaan kabilang na ang pangulo ng bansa. Partikular na tinukoy ni Lacson ay kung sakaling maglabas ng kautusan ang pangulo para sa mga pulis na huwag hulihin ang mga nasa likod ng jueteng sa ating bansa. Sinabi ng dating pinuno ng PNP na hindi pwedeng gawing palusot ng mga pulis na sumunod lamang sila sa utos ng kanilang Commander-in-Chief kaya hindi nila ginampanan ang kanilang sinumpaang trabaho tulad ng pagdurog sa iligal na sugal. Hindi umano ito maituturing na valid legal defense sa hukuman. Ipinaliwanag pa ni Lacson na nakababahala ang naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya pakikialaman ang operasyon ng jueteng dahil marami umano ang umaasa dito at pinaiikot nito ang pera lalo na sa mga lalawigan. Malinaw umano sa Republic Act 9289 na kasala ang jueteng sa listahan ng mga iligal na sugal kaya marapat lamang na aksyunan ...

Duterte posibleng mapatalsik, hindi matapos ang termino – CPP

Naniniwala umano ang Communist Party of the Philippines (CPP) na posibleng hindi matapos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang termino at mapatalsik ito sa pwesto. Nakasaad sa statement ng CPP na dahil “isolated” na umano si Pangulong Duterte loob ng bansa at maging sa international community, malaki ang posibilidad na pwersahang mapapaalis ito ng Malacañang sa pamamagitan ng mga malawakang kilos protesta o sa ibang pamamaraan. Inihayag din ng CPP na lumalakas at lumalawak araw-araw ang clamor o panawagan para sa pagpapatalsik kay Pangulong Duterte dahil umano sa kanyang “hostile moves” o marahas na pagkilos. Kabilang umano sa ikinagagalit ng taongbayan ang implementasyon ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Act, war on drugs, anti-tambay operations at counterinsurgency operation. Nagagalit din umano ang mga Pilipino sa mahinang paghawak ng Duterte administration sa territorial dispute ng Pilipinas at China sa South China Sea o West Philippine Sea. “In less than...

Bayan ng Banguigui, Sulu ginawang pilot area para sa peace tourism sa Mindanao

Pinangunahan ng mga tropa mula sa Philippine Marines, Mindanao Humanitarian Volunteers for Peace at iba pang sektor ang isang “all-in-one mission” para sa mga residente ng Banguingui sa lalawigan ng Sulu. Ang nasabing humanitarian mission ay isinagawa noong June 21 hanggang 24 na naglalayong ibalik ang magandang ugnayan sa pagitan ng pamahalaan at mga residente sa nasabing lugar na naging bahagi ng rin ng ilang dekada ng kaguluhan. Kabilang sa mga naging tampok na activities sa nasabing humanitarian mission ay ang football for peace, feeding program, medical at school supplies donation. Sa kasalukuyan ay isinasaayos na rin ang ilang mga lugar sa nasabing bayan para livelihood program sa mga residente doon. Sa inilabas na ulat, sinabi ng Philippine Navy na naging matagumpay ang paunang hakbang ng pamahalaan na isulong ang kapayapaan sa nasabing lugar na kabilang sa mga conflict area sa Mindanao. Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or refl...

Presyo ng diesel, gasolina at LPG tataas

Makaraan ang dalawang sunod na bawas-presyo ay magpapatupad naman ng oil price hike sa susunod na linggo ang mga kumpanya ng langis. Sa impormasyon na kanilang ipinadala sa Department of Energy, aabot sa P0.60 per liter ang dagdag presyo sa bawat litro ng gasolina. Ang diesel ay tataas rin ng P0.60 bawat litro samantalang P0.50 kada litro naman sa presyo ng kerosene o gaas. Inaasahang ipatutupad ang nasabing price increase sa umaga ng Martes, July 3. Samantala, inanunsyo rin ng mga kumpanya ng langis na magpapatupad sila ng dagdag singil sa bawat 11-kilogram cylinder ng Liquified Petroleum Gas (LPG). Aabot sa P1.00 bawat kilo ang magiging dagdag sa presyo ay epektibo ito bukas, araw ng Linggo. Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards. Source link The post Presyo ng diesel, gaso...

Meeting sa Papal Nuncio naging mabunga – Roque

Naging mabunga umano ang ginawang pag-uusap nina Presidential Spokesperson Harry Roque at Papal Nuncio Archbishop Gabriele Giordano Caccia. Sinabi ng kalihim na umabot din sa ilang oras ang ginawang pag-uusap. Gayunman minabuti nilang isapribado na lamang ang detalye ng mga natalakay. Kasamang dumalo ni Rowue sa imbitasyon ni Caccia bilang bahagi ng Pope’s Day sina […] The post Meeting sa Papal Nuncio naging mabunga – Roque appeared first on Bombo Radyo Philippines . Source link The post Meeting sa Papal Nuncio naging mabunga – Roque appeared first on - News Portal Philippines .

20 bahay natupok sa malaking sunog sa Cebu City

Tinatayang nasa 20 bahay ang natupok sa sunog na sumiklab sa isang residential area sa Sitio Pagatpat, Brgy. Mambaling Cebu City madaling araw ng Sabado. Naitala ang sunog bandang 1:27 ng madaling araw at naapula matapos ang 30 minuto. Ayon sa Cebu City Fire Department, nagsimula ang apoy sa isang paupahang bahay hanggang sa kumalat na sa mga katabing bahay. Wala naming naiulat na nasugatan sa insidente. Sa pagtaya ng mga otoridad ay aabot sa P30,000 ang halaga ng napinsala ng sunog. Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards. Source link The post 20 bahay natupok sa malaking sunog sa Cebu City appeared first on - News Portal Philippines .

Gilas Pilipinas muling nanaig vs Chinese Taipei sa FIBA Cup qualifiers, 93-71

Nakalusot ang Gilas Pilipinas sa hot-shooting ng Chinese Taipei upang kunin ang 93-71 road win nitong Biyernes ng gabi sa pagpapatuloy ng third window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers. Bumuslo ng 22 points sa kanyang 9-of-12 shooting si June Mar Fajardo upang iligtas ang Nationals mula sa mabagal na panimula. Bagama’t nabaon sa 21-30 ang mga Pinoy cagers noong second quarter, binaligtad nina Terrence Romeo at Troy Rosario ang sitwasyon kung saan nagsanib-puwersa ang mga ito para itabla ang iskor sa 33-33. Nag-init ang kamay ni Fajardo pagsapit ng third quarter sa kanyang 10-0 run para maiuwi ng Gilas ang ikaapat nitong panalo sa limang laro. Umasiste naman si Jayson Castro na nagtapos sa 15 markers. Sa ngayon ay tabla na sa 4-1 record ang Pilipinas at powerhouse team Australia sa Group B. Nakatanggap kasi ng pagkatalo ang Australian team sa kamay ng Japan, 79-78. Sunod na makakatunggali ng Gilas ang Boomers sa darating na Lunes, Hulyo 2, sa Philippine Arena sa Bulacan. Source...

Pag-ayaw ni Sison sa peace talks binalewala ng Malacañang

Minaliit ni Labor Sec. Sylvestre Bello II ang naging pagbabanta ni Communist Party of the Philippines – New People’s Army Founding Chairman Jose Maria Sison na aatras na sila sa peace talks. Sinabi ni Bello na siya ring chief negotiator ng government peace panel na wala kay Sison ang baraha para sabihin kung tuloy ba o hindi ang usapang pangkapayapaan. Reaksyon ito ni Bello sa sinabi ni Sison na lalahok na lamang sila sa pagpapabagsak sa pamahalaan imbes na ituloy ang peace talks sa ilalim ng Duterte administration. Ipinaliwanag ni Bello na ang National Democratic Front na isang lupon ng samahan ng mga komunista ang kausap ng gobyerno at hindi si Sison lamang. Binanggit rin ng opisyal na gusto lamang komunsulta ng pangulo sa maraming sektor ng lipunan kaya nagkaroon ng deadlock sa peace talks bagay na hindi naman nagustuhan ni Sison. Nauna dito ay sinabi ng pangulo na kahit umuusad na ang usapang pangkapayapaan noong nakalipas na mga buwan ay hindi pa rin tumigil ang NPA sa kanil...

NDF, hindi si Sison ang ‘final say’ sa peace talks – Bello

Binigyang-diin ni Labor Secretary Silvestre Bello III na siya ring government chief negotiator na walang epekto sa peace negotiation sa National Democratic Front (NDF) ang mga pagbabanta at pagbatikos ni CPP-NPA founding chairman Jose Maria Sison kay Pangulong Rodrigo Duterte. Magugunitang inihayag ni Joma Sison na mas mabuting pagtuunan na lamang ng kilusan ang pagpapatalsik kay Panngulong Duterte at paghanda ang peace talks sa susunod na administrasyon. Sinabi ni Sec. Bello sa panayam ng Bombo Radyo, bagama’t chief political consultant ng NDF si Sison, wala naman sa kanya ang kapangyarihang magdesisyon kung i-terminate na ang peace talks. Ayon kay Sec. Bello, nauunawaan naman nila ang pagkadismaya at mga pahayag ni Sison dahil nga sa pagpapaliban ni Pangulong Duterte sa dapat sana’y pagpirma na sa interim peace agreement. Iginiit ni Bello na sa ngayon ay nananatiling bukas ang NDF sa pagpapatuloy ng peace talks at hinihintay na matapos ang ginagawang review ni Pangulong Duterte s...

Palasyo sasagot sa quo warranto laban kay Duterte

Tutugon ang Malacañang sa utos ng Korte Suprema kay Pangulong Rodrigo Duterte na sagutin ang quo warranto petition na inihain laban sa kanya ng nasuspindeng abogado na si Elly Pamatong. Ayon kay Pamatong, ‘illegitimate’ at iligal ang certificate of candidacy (COC) ni Duterte dahil hindi ito inaprubahan ng Commission on Elections (Comelec). Sa panayam ng media kay Presidential Spokesperson Harry Roque, inihayag nito ang kahandaan ng Palasyo na tumugon sa utos ng Korte Suprema. Binigyan lamang ng SC ang pangulo ng 10 araw para magkomento sa petisyon ni Pamatong. Matatandaang humalili si Duterte kay Martin Diño na binawi ang kanyang COC para sa pagkapangulo noong 2016 presidential elections. Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards. Source link The post Palasyo sasagot sa quo warra...

Duterte, binisita ang burol ng mga pulis na napatay sa misencounter

TACLOBAN CITY – Nagtungo sa Police Regional Office (PRO-8) sa Eastern Visayas si Pangulong Rodrigo Duterte nitong Biyernes ng hapon. Kasabay ito nang pagbisita ng Pangulo sa mga namatay at mga sugatan na pulis sa nangyaring misencounter sa Sitio Lunoy, Brgy. San Roque, Sta. Rita, Samar nitong nakalipas na Lunes. Labis naman ang pasasalamat at pinuri ng pamilya ng mga namatay at sugatan na pulis ang ginawang hakbang ng commander-in-chief. Matatandaang anim ang patay at siyam ang sugatan sa nangyaring engkuwentro sa pagitan ng mga tauhan ng 805th MC, RMFB-8 at mga miyembro ng 87th Infantry Battalion. Samantala, nakiisarin naman ang Pangulo sa ipinagdiriwang na Sangyaw Parade of Lights bilang pagkilala sa kapisatahan ni Señor Santo Niño de Tacloban. Source link The post Duterte, binisita ang burol ng mga pulis na napatay sa misencounter appeared first on - News Portal Philippines .

DOH, nagbabala sa paglobo ng kaso ng dengue ngayong tag-ulan

Inaasahan ng Department of Health (DOH) ang paglobo ng biktima ng dengue ngayong tag-ulan. Sa isang panayam sinabi ni Health Undersecretary Dr. Rolando Enrique Domingo na malapit na ang peak season ng paglobo ng kaso dengue o sa pagitan ng mga buwan ng Hunyo, Hulyo at Agosto. Ang dengue ay nakukuha sa pagkagat ng lamok na aedes aegypti na carrier ng impeksyon. Inihayag din ng opisyal na naitala na ang pagtaas ng kaso ng dengue sa ilang mga lalawigan. Samantala, nagpaalala namang muli ang kagawaran kung paano makakaiwas sa naturang sakit. Kabilang sa mga ipinaalala ng DOH ang paghanap at pagsira sa lahat ng maaaring pugaran ng mga lamok, pagsusuot ng mga damit na may mahahabang manggas, paggamit ng mosquito nets, insect repellants at iba pa. Sa pinakahuling datos ng DOH para sa kaso ng dengue sa buong bansa, nakapagtala na ng 26,042 dengue cases mula Enero hanggang Marso 31. Mas mababa naman ito ng 17 porsyento sa naitala sa kaparehong panahon noong 2017 o 31,358 cases. Kabilan...

Bagyong Florita, bahagyang lumakas | DZIQ Radyo Inquirer 990AM

Bahagya pang lumakas ang Tropical Storm Florita na nasa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa kasalukuyan. Batay sa pinakahuling weather advisory ng PAGASA kaninang 4am, namataan ang bagyo sa layong 775 kilometro Silangan ng Basco, Batanes. Sa ngayon ay taglay na nito ang hanging aabot sa 75 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 90 kilometro kada oras. Kumikilos pa rin ito pa-Hilagang-Kanluran sa bilis na walong kilometro kada oras. Wala pa ring nakataas na tropical warning signal sa bansa. Inaasahang lalabas ang bagyo Linggo ng umaga ngunit maaari pang lumakas at maging isang ‘severe tropical storm’. Ngayong araw, makararanas ng mga pag-ulan ang Cordillera, Ilocos Region, Cagayan Valley Region dahil sa trough ng Bagyong Florita. Sa nalalabing bahagi naman ng Luzon, magiging maalinsangan at mainit pa rin ang panahon na posible lamang ang pag-ulan bunsod ng localized thunderstorms. Maalinsangan at mainit pa rin ang panahon sa Visayas at Mindan...

DPWH, may road reblocking & repairs ngayong weekend

Inabisuhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga motorista na iwasan ang ilang kalsada dahil sa road reblocking at repairs sa weekend. Ayon sa MMDA, magsisimula ang reblocking at repairs ng Department of Public Works and Highway (DPWH) 11pm Biyernes, June 29 hanggang Lunes, July 2. Inaasahan na muling madaraanan ang mga apektadong lugar 5am sa Lunes. Ang apektado ng road reblocking and repairs ay ang sumusunod na mga lugar sa Southbound: – EDSA after Arayat St. to P. Tuazon St. (Fourth lane mula sa sidewalk) – EDSA in front of Francesca Tower to after Sct. Borromeo (Third lane mula sa center island) Sa Northbound naman ay ang sumusunod: – EDSA before Trinoma Mall Landmark (Second lane mula sa sidewalk) – Batasan Road, Commonwealth Ave., to Kalinisan St. (Second lane) – A.H. Lacson Ave., malaipit sa España – Congressional Ave., before Jupiter St. (first lane) Apektado rin ang Fairview Ave. mula Mindanao Ave Extn. hanggang Jordan Plains Subd. at Jordan ...

Davao Oriental, niyanig ng lindol

Niyanig ng magnitude 3.5 na lindol ang Davao Oriental alas-2:46 kaninang madaling araw. Ayon sa Phivolcs, naitala ang episentro ng lindol sa layong 63 kilometro Silangan ng bayan ng Tarragona. May lalim ang pagyanig na 20 kilometro at tectonic ang dahilan. Hindi naman inaasahan ang kasunod na mga pagyanig at pinsala sa mga ari-arian. Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards. Source link The post Davao Oriental, niyanig ng lindol appeared first on - News Portal Philippines .

Bagyong Florita, palabas na ng bansa

Nagsimula nang lumabas ng bansa ang Tropical Storm Florita. Ayon kay Pagasa weather specialist Shelly Ignacio, alas 3:00 Biyernes ng hapon ay nasa 829 kilometers east ng Basco, Batanes ang Bagyong Florita. Taglay nito ang hangin na 65 kilometers per hour at bugsong 80 kilometers per hour. Tinatahak ng bagyo ang northwesterly direction sa bilis na 9 kilometers per hour. Ayon sa Pagasa, sa naturang forecast ay mababa na ang tsansa na tumama sa kalupaan ang bagyo. Pero pwede pa ring palakasin ng bagyong Florita ang Habagat at magdudulot ito ng pag-uulan sa Hilagang Luzon. Ang Tropical Storm Florita ay inaasahang lalabas ng Philippine area of responsibility (PAR) bukas Linggo. Gayunman, magkakaroon pa rin ng maulap na panahon sa malaking bahagi ng Luzon sa weekend. Magkakaroon din ng pag-uulan sa Metro Manila at Palawan sa Sabado at Linggo. Samantalang sa Visayas, uulanin ang Leyte at Samar provinces habang asahan din ang maulan na panahon sa Mindanao.   Disclaimer: The c...

Bagyong Florita, napanatili ang lakas habang papalabas ng bansa

Napanatili ng binabantayang Tropical Storm Florita ang lakas nito habang tinatahak ang direksyon papalabas ng bansa. Sa 11pm weather advisory ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 810 kilometro Silangan ng Basco, Batanes. Taglay pa rin ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 80 kilometro kada oras. Tinatahak nito ang direksyong Kanluran-Hilagang-Kanluran sa bilis na 12 kilometro kada oras. Kung hindi magbabago ang bilis at tatahaking direskyon ng Bagyong Florita ay inaasahang lalabas na ito ng bansa sa araw ng Linggo. Patungo ito sa mga isla ng Southern Japan at Korea at maliit ang tyansa na tumama sa anumang kalupaan ng bansa. Bagaman, hindi tatama sa kalupaan ng bansa, sinabi ng PAGASA na pag-iibayuhin nito ang Habagat na magdadala ng mga pag-ulan sa Extreme Northern Luzon. Ang susunod na weather update para sa bagyo ay mamayang alas-4 ng umaga. Disclaimer: The comments uploaded on this site do not nec...

Gilas Pilipinas, tinalo ang Chinese Taipei sa FIBA Qualifiers

Wagi ang Gilas Pilipinas kontra sa koponan ng Chinese Taipei sa 3rd window ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers. Sa iskor na 93-71, tinalo ng Gilas Pilipinas ang team ng Chinese Taipei sa kanilang paghaharap sa Taipei Heping Basketball Stadium. Si June Mar Fajardo ang may highest score na 22 points, habang si Jayson Castro ay naka 15 points. Hindi rin nagpa-awat si Terence Romeo na may 14 points, at 13 points naman si Andray Blatche. Dahil dito, ang Gilas Pilipinas ay may rekord nang 4-1 habang ang mga Taiwanese ay nasa 1-4 ang rekord. Nauna nang sinabi ng coach ng Chinese Taipei na si Charlie Parker na medyo kinakabahan sila lalo’t matindi ang suporta sa Gilas Pilipinas ng mga Pilipino na nasa Taiwan. At sa mismong laro, pinuno nga ng Pinoy fans ang Heping Gym. Sa July 02, makakaharap naman ng Gilas Pilipinas ang kopona ng Australina sa Philippine Arena sa Bulacan.   Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of...

DENR Usec, kakasuhan ng Ombudsman kaugnay sa isyu ng basura ng Canada

Kakasuhan ng Office of the Ombudsman ang isang opisyal ng Department of Environment and Natural Resources o DENR kaugnay ng mga basura ng Canada na itinapon sa Pilipinas. Ayon sa Ombudsman, mayroong probable cause upang kasuhan si Environment Usec. Juan Miguel Cuna dahil paglabag sa Section 3(e) ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act. Inatasan din ng Ombudsman ang DENR secretary na ipatupad ang tatlong buwan suspensyon na walang sweldo laban kay Cuna. Sa imbestigasyon ng Ombudsman, noong 2013 ay nag-export ang Canadian-based company na Chronic Incorporated ng ilang container van na idineklarang plastic scrap materials. Nabatid na walang permit ang shipment nang dumating sa bansa noong July at August 2013. Inabandona ang shipment at kinalauna’y nadiskubre na ang laman ng mga container vans ay mga basura. Sinabi ng Ombudsman na batay sa DENR Environmental Management Bureau o EMB, ang mga basura ay hindi maaaring i-recycle at iligal dahil sa kawalan ng importation clearance. Natu...

Pang. Duterte, inako ang responsibilidad sa “Samar misencounter”

Inako ni Pangulong Rodrigo Duterte ang responsibilidad sa misencounter sa Samar noong Lunes, na ikinamatay ng anim na pulis. Sa kanyang speech sa Tacloban City, Leyte, sinabi ni Duterte na bilang Commander-in-Chief, ang “ultimate blame” ay sa kanya. Aniya pa, kasalanan niya ang lahat ng nangyari. Ayon kay Duterte, maraming istorya na hinabi mula sa insidente, pero kalimutan na lamang aniya ang nangyari tutal hindi naman ito sinasadya. Sa kabila nito, hinimok ng punong ehekutibo ang mga sundalo na hintayin ang resulta ng isinasagawang imbestigasyon. Noong June 25, nagkaroon ng engkwentro ang mga sundalo sa isang armadong grupo sa isang liblib na lugar sa Samar. Inakala ng mga sundalo na mga rebelde ang kanilang kabakbakan, pero kinalauna’y nabatid nila na ang mga iyon ay miyembro ng Philippine National Police na nagsasagawa rin ng operasyon sa lugar. Ang mga nasawing pulis ay sina Wyndell Noromor, Edwin Ebrado, Phil Rey Mendigo, Julius Suarez, Rowell Reyes at Julie Escalo. ...

Delayed liquidation at sobrang cash advance sa OVP, kinuwestyon ng COA

Kinuwestyon ng Commission on Audit (COA) ang Office of the Vice President (OVP) dahil sa matagal na pagsusumite ng 33 empleyado nito ng travel liquidation reports at sobrang cash advance na nagkakahalaga ng higit P465,000. Ayon sa 2017 audit report sa OVP, ang mga personnel ay gumastos ng kabuuang halaga na P27.4 million kung saan P26.4 million ay sa local trips at higit P953,000 sa foreign trips. Pero wala pa umanong naihain na liquidation reports sa ilalim ng COA Circular 97-002 kung saan dapat magsumite ng liquidation ng domestic at international travels sa loob ng 30 araw at 60 araw pagbalik ng empleyado sa trabaho. Sinabi pa ng COA na delayed ng mula 2 araw hanggang higit 3 buwan ang liquidation reports ng 33 OVP personnel. Ang parehong mga empleyado ay bigo rin na mag-refund ng kanilang unused o sobrang cash advances noong nakaraang taon na nasa pagitan ng P158 at P62,018. Samantala, nilinaw naman ng OVP na fully liquidated na ang mga halaga na nabanggit sa audit report. N...

Pang. Duterte, pumunta sa burol ng mga napatay na pulis sa Samar misencounter

Binisita ni Pangulong Rodrigo Duterte ang burol ng anim na pulis na napatay sa misencounter sa mga sundalo sa Sta. Rita Samar. Pumunta ang Pangulo sa police regional headquarters sa Camp Ruperto sa Palo, Leyte kung saan naroon ang mga labi ng mga nasawing pulis. Nakiramay si Duterte sa mga naulilang kaanak ng mga pulis. Iginawad ng Pangulo ang Order of Lapu-Lapu Rank of Kalasag sa mga pulis na sina Wyndell Noromor, Edwin Ebrado, Phil Rey Mendigo, Julius Suarez, Rowell Reyes at Julie Escalo. Ang Rank of Kalasag ay ibinibigay sa mga indibidwal na namatay sa gitna ng partisipasyon nito sa kampanya o adbokasiya ng Presidente. Nakatakda ring bisitahin ng Presidente ang siyam namang pulis na nasugatan at naka-confine sa Eastern Visayas Regional Medical Center sa Tacloban City. Noong Lunes, nasa combat operation ang mga miyembro ng 805th Mobile Company ng Regional Mobile Force Battalion 8 nang paputukan sila ng mga elemento ng Philippine Army 87th Infantry Battalion sa Sition Lunoy, B...

Pagpili ng bagong chief justice, idadaan sa konsultasyon – Duterte

Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na idadaan sa konsultasyon ang pagpili ng bagong Supreme Court (SC) Chief Justice kapalit ni Atty. Maria Lourdes Sereno. Sinabi ni Pangulong Duterte, kabilang sa kanyang kokonsultahin ang mga mahistrado mismo ng Korte Suprema. Ayon kay Pangulong Duterte, hihingan din ng opinion ang mga iba’t ibang grupo sa law profession tulad ng Integrated Bar of the Philippines (IBP), Philippine Constitutional Association (PCA) at iba pa. Kasama rin daw sa kakausapin ng pangulo ang kanyang naging propesor sa criminal law na isang Atty. Dela Cerna. “I cannot. It would depend on the recommendation of people. I have to consult not only the Justices themselves but also the law profession — so it’s by IBP and Philippine Constitutional Association and others. And I will consult here, Atty. Dela Cerna. ‘Yung sabi ko professor ko sa Criminal Law. Kaya mahusay ang pagkaturo niya sa akin, naging criminal talaga ako, konti,” ani Pangulong Duterte. Source link The post ...

Provincial bus ban sa EDSA, ipatutupad simula July 15

Simula sa darating na Hulyo 15, lilimitahan na ang pagbiyahe ng provincial buses sa EDSA. Sa pahayag ng MMDA, mula ala-5 hanggang alas-10 ng umaga ay hindi na maaring bumiyahe sa magkabilang panig ng EDSA mula Pasay City hanggang Cubao, Quezon ang lahat ng provincial buses. Ang bus ban ay ipapatupad din tuwing alas-4 ng hapon hanggang alas-9 ng gabi. Sinabi ni MMDA General Manager Jojo Garcia na ang mga provincial buses na galing ng South Luzon ay hanggang Pasay City lamang tuwing umiiral ang bus ban. Samantala, ang provincial buses na galing Central at Northern Luzon ay hanggang Cubao lamang. Ayon sa opisyal, ang mga maapektuhang bus ay exempted na sa number-coding scheme. Ani Garcia, inaasahan nila na aabot sa 2,000 buses ang mababawas sa EDSA habang ang mga lalabag ay pagmumultahin ng P2,000. Inaprubahan na ng Metro Manila Council ang resolusyon ukol sa bus ban.   Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of man...

Pagbatikos ni Sison kay Duterte, ‘words of endearment’ lang – Bello

Tiniyak ni Labor Secretary at government chief negotiator Silvestre Bello III na magpapatuloy ang peace negotiations sa mga komunista sa kabila ng mga pinakabagong batikos ni founding chairman Jose Maria Sison laban kay Pangulong Rodrigo Duterte. Sinabi ni Sec. Bello sa panayam ng Bombo Radyo , ang mga pahayag ni Sison ay maituturing na “words of endearment” lamang nito kay Pangulong Duterte na kanyang estudyante noon sa Lyceum University. Ayon kay Bello, nauunawaan naman nila ang pagkadismaya at mga pananalita ni Sison sa peace talks pero siya na rin mismo ang nagsabing hindi pa nila tine-terminate ang negosasyon. Inihayag pa ni Sec. Bello na bagama’t chief political consultant si Sison ng National Democratic Front (NDF), wala naman ito sa posisyon para magdesisyon sa kahinatnan ng peace talks. Magugunitang inihayag ni Sison na mas mabuting pagtuunan na lamang ng kilusan ang pagpapatalsik kay Pangulong Duterte at paghandaan ang peace talks sa susunod na administrasyon. Source lin...

Bagong state prosecutor general, itinalaga ni SOJ Guevarra

  Magsisilbing Officer-in-Charge ng National Prosecution Service (NPS) si Senior Deputy State Prosecutor Richard Fadullon. Sa Department Order 334 na inilabas ni Justice Sec. Menardo Guevarra, inatasan nito si Fadullon na gampanan ang mandato ng pinuno ng NPS. Kapalit si Fadullon ng nagbitiw na si dating OIC Prosecutor General George Catalan na tututok sa kanyang trabaho bilang chief prosecutor ng lungsod ng Makati. Sa inilabas na pahayag ni Fadullon, pinasalamatan nito si Guevarra at humingi ng dasal para maayos niyang magampanan ang kanyang mga bagong tungkulin. Dagdag pa nito, maraming isyu sa NPS ang dapat na asikasuhin lalo na ang pagpatay sa mga taga-usig. Hangad din nitong maibalik ang tiwala ng publiko sa mga piskal sa pamamagitan ng propesyonalismo sa kanilang trabaho. Ilan lang sa mga nahawakang kaso ni Fadullon ang Maguindanao Massacre, Oakwood Mutiny at ang kasong pandarambong ni dating Pangulong Erap Estrada.   Disclaimer: The comments uploaded on thi...

Pres. Duterte pinasasagot ng SC sa quo warranto petition

Gambar
Pinasasagot na ng Korte Suprema si Pangulong Rodrigo Duterte sa quo warranto petition na inihain laban sa kaniya ng suspindidong abogado na si Ely Velez Pamatong. Para kay Pamatong, hindi karapat-dapat si Duterte na maging pangulo ng Pilipinas dahil may depekto ang certificate of candidacy (CoC) nito. Matatandaang dating alkalde ng Davao ay substitute candidate lamang ng kanyang kapartido sa PDP-Laban na si Martin Diño, na ngayon ay undersecretary na ng Department of Interior and Local Government (DILG). Atty. Ely Pamatong Giit pa ni Pamatong, ang orihinal na posisyong nais takbuhan ni Diño ay para sa pagka-alkalde ng Pasay City at hindi talaga bilang pangulo ng ating bansa. Ilang abogado naman ang agad nagsabing malabong manalo ang petisyon ni Pamatong dahil dati na itong naresolba sa Comelec at ang pinapayagan lamang na magsulong ng quo warranto ay ang Office of the Solicitor General. Source link The post Pres. Duterte pinasasagot ng SC sa quo warranto petition appeared firs...