‘Federalism survey, lalong nagpalakas sa amin na isulong nang husto’ – Speaker Alvarez
Hindi umano nababahala ang PDP-Laban sa resulta ng pinakabagong Social Weather Stations (SWS) survey hinggil sa kaalaman ng mga Pilipino sa isinusulong na federalism form of government ng administrasyong Duterte.
Sa panayam ng Bombo Radyo, pinuna ni PDP-Laban Secretary-General at House Speaker Pantaleon Alvarez ang kasalukuyang sistema sa bansa na unitary form of government.
“Para sa akin, very encouraging ‘yan [result]. It’s a very good result, you know why? Pag nag-survey ka kung ilang Pilipino ang may alam ng unitary form, baka wala pang one. Matagal na nating pina-practice ang unitary form, panahon pa ng Kastila ini-introduce na sa atin. Pero sa totoo lang, sino bang nakakaalam kung ano ang unitary form of government?,” ani Alvarez na isa sa pinakamasugid na nagsusulong sa pederalismo.
Batay kasi sa SWS survey nitong nakaraang Marso, lumalabas na isa mula sa apat na Pilipino o nasa 25 porsyento ng 1,200 respondents sa buong bansa ang may ideya sa pederalismo.
Sa ilalim nito, 37 porsyento ang nagpaabot ng suporta sa naturang porma ng gobyerno habang 29 percent ang hindi namang sang-ayon, samantalang 34 porsyento naman ang undecided.
Para kay Alvarez, mas nahikayat pa nga ang kanilang partido na isulong ito.
Kaya naman hindi raw sila natitinag sa lumabas na resulta.
Sa ngayon inaantay na lang daw ng Kamara na makita ang draft na binalangkas ng Consultative Committee para sa panukalang mag-aamiyenda sa Saligang Batas patungong pederalismo.
The post ‘Federalism survey, lalong nagpalakas sa amin na isulong nang husto’ – Speaker Alvarez appeared first on - News Portal Philippines.
Komentar
Posting Komentar