Pagbatikos ni Sison kay Duterte, ‘words of endearment’ lang – Bello
Tiniyak ni Labor Secretary at government chief negotiator Silvestre Bello III na magpapatuloy ang peace negotiations sa mga komunista sa kabila ng mga pinakabagong batikos ni founding chairman Jose Maria Sison laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi ni Sec. Bello sa panayam ng Bombo Radyo, ang mga pahayag ni Sison ay maituturing na “words of endearment” lamang nito kay Pangulong Duterte na kanyang estudyante noon sa Lyceum University.
Ayon kay Bello, nauunawaan naman nila ang pagkadismaya at mga pananalita ni Sison sa peace talks pero siya na rin mismo ang nagsabing hindi pa nila tine-terminate ang negosasyon.
Inihayag pa ni Sec. Bello na bagama’t chief political consultant si Sison ng National Democratic Front (NDF), wala naman ito sa posisyon para magdesisyon sa kahinatnan ng peace talks.
Magugunitang inihayag ni Sison na mas mabuting pagtuunan na lamang ng kilusan ang pagpapatalsik kay Pangulong Duterte at paghandaan ang peace talks sa susunod na administrasyon.
The post Pagbatikos ni Sison kay Duterte, ‘words of endearment’ lang – Bello appeared first on - News Portal Philippines.
Komentar
Posting Komentar